CHAPTER 15
Biyernes ng gabi na ngyon at kami ni Marga, Yaya at si Papa ay pupunta sa bahay nina Miguel at ni Kuya Dale para makiramay. Tahimik kami ngayon sa kotse dahil lang sa biglang balita nila. Pinasuot kami ni yaya ng rosaryo para daw ipagdasal namin siya mamaya. Hindi rin ako gaano nakatulog ng dalawang gabi dahil lang sa nangyari. Bakit may papatay kay Tito Vincent kung mabait naman siyang tao? May makakaaway ba itong tao na ito sa ganyang edad niya? At saka ang tanda na rin niya...kailangan pa ba niya madaanan iyon?...
Ilang sandali ay nakarating na kami sa bahay nina Miguel at Dale at pumarada si Papa na medyo malayo sa bahay. Paglabas namin ng kotse ay marami pa lang kotse ang nakapara na malapit sa bahay kaya siguro dito na lang pumarada si Papa. Ang dilim pa rin talaga dito...shocks...wala ba silang plano lagyan ng poste dito??
Pagkarating namin sa bahay ay nakaramdam na ako ng bigat sa loob dahil naalala ko na naman yung nakita kami ni Papa na magkahawak-kamay kami ni Miguel at...yung sinabihan rin niya si Tito Vincent ng mga masasamang salita. Medyo marami ang nakatambay sa labas at mahihinang silang nag-uusap at yung iba sa kanila ay naninigarilyo. Geez, nakikiramay nga kayo tas naninigarilyo pa...magtuon-galang minsan po.
Pagpasok namin ng bahay ay nakita kong wala na yung TV nila at doon nakapuwesto ang kabaong ni Tito Vincent. Sa harap nun ay mga upuan na may bakante at may mga nakaupo rin. May mga tao rin na nakatayo sa may gilid o sa may sulok at nagchichismisan din sila. Lumakad kami papunta sa harap ng dahan-dahan at may naririnig din akong chismisan. "Nakakaawa naman nangyari sa kanya...alam mo ba siya rin ang gumawa ng aking larawan noong graduation noong 1985..." Sabi ng isang matandang babae. "Ako nga rin eh...nagpagawa din ako at sobrang nagpapasalamat din ako dahil naging matalik siyang kaibigan sa aming pamilya.." Sabi ng isang matanda pa. Hays...nakakapagtaka talaga kung bakit yun ang sinapit niya. Napakabait talaga ni Tito Vincent...
Pagkalapit namin sa harap ay nakita naming nakaupong magkatabi sina Kuya Dale at si Miguel samay kaliwang banda. "Miguel...Dale...nakikiramay kami..." Sabi ni Yaya at napatingin sila sa amin at tumayo silang dalawa para yakapin kami bawat-isa. Bakas sa kanilang mukha ang mapupulang mata at ilong at parang may mga luha pang na natuyo rin. Nakakaawa sila...silang dalawa na lang ang natira sa kanilang pamilya...namatay una ang kanilang ina...tas nawala naman ang tatay nila...nalulungkot talaga ako para sa kanila...
"Ano ang nangyari sa iyong ama?.." Mahinahon na tanong ni Yaya at kinuha muna ni Kuya Dale ang kanyang panyo sa bulsa at pinunas sa may ilong niya. "...Hindi ko talaga alam kung bakit yun ang sinapit ng aming itay....mag-isa at tahimik lang po ako nagbabasa sa aking kuwarto dahil si Miguel ay pupunta raw sa bahay ni Natalie dahil kaarawan niya at ang aming ama naman ay pumunta sa Maynila dahil may kikitain po siya doon...at sinabi din niya na...babalik na siya bago mag alas-nuwebe...eh pero alas-nuwebe y media na ay hindi pa rin nauwi ang aming ama...kaya doon na po ako nagtaka...binaba ko yung libro at balak ko sana hintayin siya sa may dulo ng kanto namin....binuksan ko yung ilaw sa labas at pagkalabas ko ay laking gulat ko dahil may nakita akong nakahandusay na tao sa labas ng gate...paglakad ko sa kanya ay nakakaramdam na ako ng mabilis na tibok sa aking puso at nung nakita ko na siya...ay lumabas yung mga luha ko dahil....duguan sa ulo at pati na rin sa kanyang damit ang aming...ama..." Sabi niya at napahawak ako sa aking dibdib dahil lalong bumigat ang aking loob. Aray...hindi ko ito kaya...bakit nila gagawin iyon sa mabait na tao...
Napatingin ako sa kanan at nakita ko ang katawan ni Tito Vincent. Lumapit ako sa kabaong niya at napahawak ako sa salamin. Nakasuot siya ng puting barong tagalog at itim na pantalon at magkahawak ang kanyang kamay sa may dibdib niya. May napansin din akong malaking galos sa may noo niya at ilang sandali ay nakaramdam na ako ng mga namumuong luha sa aking mga mata.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Novela Juvenil[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...