CHAPTER 6
Nung masara ko yung pinto ay napasandal din ako sa pintuan dahil lang sa mood niya ngayon. Ang cold niya magsalita at galit din. Hay!!! Papatayin ako if nalaman niya na AKO ang kumuha ng proposal niya. Pero Hay! Kailangan ko umisip ng ibang paraan para hindi niya malaman na ako kumuha ng papel na iyon. Nagbihis ako at sinuot ko na yung panjamas na pang tulog ko mamaya. Kailangan ko na muna itago ang proposal na iyon dito sa kuwarto para hindi niya makita yung papel na iyon. Tas ilang segundo lamang ay biglang nahulog yung mga lamang loob ko dahil yung aking portfolio ay nasa loob ng bag ko at yung bag ko ay nasa kanya ngayon!!!! OH MY GOODNESS GRACIOUS!!! PATAY NA TALAGA AKOO!!
Binilisan ko na lumabas ng kuwarto at nung pagdating ko sa hagdan ay nakita ko na nakatingin siya sa akin na parang babalatan niya ako ng buhay. Naka cross arms din siya. Hindi man ako makasalita dahil sa itsura niya ngayon huhu!!
"Bakit nasa iyo ang papel ng Poem Activity!" Sabi niya. Omg! Patay na ako nito! Patay na ako nito!!
"SHEER SUMAGOT KA! BAKIT NASA IYO ANG PAPEL????!!!!!" Sigaw niya ay umalingawngaw siya. Huhu!! ANO ILULUSOT KO?!?!!? Huhu help!!!
"ANO SHEER, GUSTO MO TAHIIN KO YANG BUNGANGA PARA TULUYAN KA NA HINDI MAKASALITA??! KINAKAUSAP KITA, SUMAGOT!" Tas nakita kong dumating si yaya sa kaliwa at napatingin siya sa akin. Shems. Nagsinungaling ako kay yaya kanina sa gate...
"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko kanina." Sabi niya. Feeling guilty na ako to the max ahhh!!
"Inis ako kanina dahil pinagsisigawan ako ni Sir Baylon nung lunch time sa academic coordinator's office niya na bakit ko niwala. Ayaw ko naman sa lahat ng ganun. Nakapagtataka ako na paano siya mawawala sa mesa ko." Napalunok na lang ako dahil kutob ko na mabubuko niya.
"At dahil nasa iyo ang papel, ibig sabihin, ikaw yung taong nasa limod kanina para ikaw ay makatakas at makatago sa akin!" Oh nooo huhu!
"Hindi mo ba alam yung rules ko?! Hindi ba sabi ko na bawal pumasok maliban kung payagan kita! Ipinaliwanag ko yun nung nasa auditorium pagkatapos malaman ang mga nanalo sa SGB positions tama ba!" Feeling ko nga absent ako nun dahil hindi ko talaga maalala.
"SHEER! ANO HINDI KA BA SASAGOT?!?!? TULUYAN KA NA BA NAPIPE?!?!?" Aray! Aray sa pipe! Hay. Time to face the music. Naglabas muna ako ng hininga
"Ehh kasi--"
"BUMABA KA DITO! SISIGAW KA DIYAN AT GUSTO MO MASIRAAN KA PA NG BOSES?!?!" Wow ah! Yumuko ako at saka bumaba ng dahan-dahan at humarap sa kanya. Hindi ko makatingin sa kanya dahil alam kong nakakatakot na siya kapag nagalit. Naglabas ulit ako ng hininga at saka nagsalita
"Ehh kasiiii...kasiii--"
"KASI ANO?!?!? PAKABAGAL!!!! WALA NA TAYONG ORAS!"
"Kasiayawkotalagasumamadiyaneh!!" Sabi ko ng mabilis.
"ANO?!?! BAKIT ANG BILIS MO?!!?" Sigaw niya.
"....Kasi a-ayaw ko talaga su-sumama diyan...na-nakita ko yung pangalan ko...kaya ki-kinuha ko..." Hindi siya nakaimik pero ilang segundo ay nagsalita ulit siya.
"...Ahhh edi sana kinausap mo ako diba! Common sense?!??! BAKIT KAILANGAN MO PA MAGTAGO SA LIKOD NG OFFICE AT PARA MAGING ISANG DAGA?!?! KUNG HINARAP MO LANG AKO KANINA, HINDI KITA PAPAGALITAN AT HINDI RIN AKO MAPAPAGALITAN NI SIR Baylon! PERO SA GINAWA MO NGAYON, SA PAGNANAKAW, PAGKAKALAT SA LOOB, MAY KARAPAT-DAPAT AKO MAGALIT SA IYO!!!" Ouch! Huhu! Tumingin ako ng onti sa kanya at naka facepalm siya...oo nga...kung hindi sinabi ko lang talaga agad agad..hindi niya ako mapapagalitan at hindi rin siya mapapagalitan..tas biglang tinanggal niya kamay niya at nagtama yung mga mata namin. Hay eto na naman ang mga mata namin! Bwiset!

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Teen Fiction[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...