CHAPTER 20
Shems! Nakita nila kami na magkayakap! Wahhhh!!!
What to doo????? Wahhhhh!!!
"Anong ginagawa niyo??" Takang tanong ni Papa. Tumayo ako agad at saka pinagpag at inayos ang aking suot. Pansin ko rin na tumayo si Joshua sa tabi ko at nagpagpag at nag-ayos din. Tumingin ako sa kanila na ngayon ay bakas sa kanilang mukha ang taka.
Shempre! Iisipin nila na bakit ko kayakap si Joshua na basta ng ganun! Anong puwede kong ilusot?!?! Wahhhh!!!
"Nak?" Shocks! Teka! Ang hirap kaya mag-isip ng palusot ha!
"Niyakap po ako ni Sheer dahil sinabi ko na nalulungkot ako hanggang ngayon dahil sa pagkawala ni Ate Amy at mas lalo na wala na sa bahay si Ate Eleanor." Biglang tugon ni Joshua upang mapatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin lamang sa aming mga magulang. Anong pinagsasabi mo??!?!
"Bakit kayo nasa lupa nung nagyakapan kayo?" Tanong ni Tito Anthony. Homaygad...na-alarma ako sa sinabi niya na "nagyakapan kayo" ah.
"Kasi po sinusundan ko siya nung palabas na kami dito at ilang sandali ay napadapa ako dito at napansin niya kaya lumapit siya sa akin. Tinanong niya kung anong nangyari at sinabi ko na sinusundan ko siya para makausap tungkol po sa aking kalungkutan.." Sabi niya at sabay yuko. WOW HA! GALING GUMAWA NG KUWENTO!
"Totoo ba iyon anak? Rinig kong tugon kay Papa upang tumingin ako sa kanya at parang may duda na yung mukha niya. Jusko! Baka magkaproblema pa! Ayaw ko na ulit magalit ang aking Papa.
"To-totoo po." Utal kong sinabi ngunit hindi pa rin nagbabago ang istura ng mukha niya. Shocks!!! Tulong!!! "Ah! Yun naman pala! Salamat sa iyong yakap nak para kay Joshua, isa kang totoong kaibigan talaga!" Biglang tugon ni Tita Helen sa aming lahat. Ay Salamat talaga Tita kahit hindi kaibigan ang tingin ko sa anak niyo ay salamat pa rin! Woo!
"O sige, halika na kayong dalawa at magsikain na tayo." Sabi ni Tito Anthony at kami ay tumango at saka lumakad para sundan sila. Hay Jusko! Kailangan ko talagang iwasan ang mga yakap-yakap sa kanya, hindi ko puwedeng hayaang talaga malaman ni Papa na may gusto ako kay Joshua. Kailangan ko na talaga maging seryoso sa aking sinasabi at gawin din.
"Buti na lang nahawaan mo ko sa pagpapalusot mo." Rinig kong tugon upang mapatingin ako kay Joshua na ngayon ay nakangiti sa akin. Seryoso siya??? Nahawaaan ko siya?? "Wow ha sa nahawaan ah." Sabi ko, sabay nag cross arms sa kanya at napatawa man siya ng konti. "Siyempre, noon pa man, nahawaan mo na ako sa pinaggagawa mo sa akin..." Sabi niya at sabay umiwas ng tingin.
Luh! ganda ka!? kainis! Sikuhin ko siya eh!
Mga aalas-dose na ng madaling araw kami nakarating sa bahay, kasunod lang din namin pauwi ang pamilya ni Joshua. Pagkarating namin kanina ay nandoon na din sina Tita Natasha, Tito Rodel at si Ruth kaya agad kami bumaba ni Yaya at ni Marga at pinapasok na sila.
Kasalukuyang nasa hapag-kainan na kaming lahat at nakain na rin. Malapit lang ako sa dulo at katabi ko lang din si Papa sa kaliwa at si Yaya ang nasa kanan ko. Katapat ko naman si Tita Helen. Madami ang ang inihanda ni Yaya, may Crispy Pata, Spaghetti, Sabaw na may Patola at Miswa, Isda na Sweet and Sour, Shanghai, Macaroni Salad. Ang aming inumin ay cocktail na ginawa lamang ni Marga. Sana naman yung pag-usapan dito ay tungkol lamang sa kanila at hindi sa amin.
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Teenfikce[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...