Kabanata 29
"Sino kayo?!?! Magpakilala kayo!!" Sigaw niya. Hindi tuloy ako makagalaw at hindi ko alam ang gagawin ko!! Nakakatakot yung mga hawak nilang mukhang rake na nakatutok sa amin ngayon at sa itsura ay nakapakatalim! Pero may kutob ako na silang dalawa ay nakilala ko na noon...pero hindi ko maalala kung saan...
"Wala ba kayong mga bibig??!!" Tanong ng isa at napalunok na lang ako, maging nakikita ko si Ruth na nanginginig na dahil sa takot. Sa tingin ba nila na makakasagot kami ng maayos kung ganyan sila manakot sa amin?!??! Ilang sandali ay may nakikitang ilaw na dalawa at napagtanto ko na kotse siya! Nung palapit na siya ay kamukha yung kotse ni Mr. Bean eh nga lang puti ung nakikita ko. Tumigil siya sa may tabi at may lumabas na matandang lalaki na nakasuot na parang pormal at may pa-sombrero pa siya.
Lumakad siya habang nakatungo at nung malapit na sila sa amin ay tumingin siya at nagulat ako sa kanyang itsura. MAY PAGKA ITSURA NIYA SI MANG RAUL! SINO ITO?!?!? Nawawalang kapatid ba nito ni Mang Raul??? Mi gash?!?
Napatingin siya sa dalawang lalaki na nasa harap naming. "Ano ang napulot niyo? Sino ang mga ito?" Sabi niya sabay turo sa amin. "Hindi namin po alam Senor! Pero sa itsura pa lang ng lalaking ito, parang may plano o may balak!" Sabi ng isang lalaki at nagulat ako, wow ha sa itsura ko mukha ba akong may balak o ano pa man.?? Ayos ka ha kuya! "Sigurado ba kayo? Parang gusto naman ata humingi ng makakain or maiinom." Sabi ng sinasabihang nilang senor at hindi nakaimik ang dalawang lalaki, binaba na nila ang hawak nilang mukhang rake at tumungo. Awwwkkwardddddd.....
"...Pasensya senor..." Sabi ng isa. "Hindi na po mauulit." Sabi naman ng katabi niya. Ilang sandali pa ay may biglang nagbukas ng gate sa may likod at napatingin ako at laking gulat ko na si
Mang Raul.
Napatingin din siya sa akin at mukhang gulat na gulat. Napansin ko din na si Ruth ay nakatingin sa kanya na parang nakakita ng multo. "A-a-Anong na-nagyayari di-dito Ku-kuya??" Tanong ni Mang Raul sa senor. Wait a minute. KAPATID NIYA IYAN?!??!!? SOO HINDI SIYA LONG LOST BROTHER!
"Wala naman Raul, itong dalawa na ito ay inakala nil ana itong dalawang magkasintahan ay may masamang balak dito." Sabi ni senor at nainis ako sa sinabi niya at lalong ikinagulat ni Mang Raul. HANGGANG ILAN KO BA SASABIHIN NA HINDI KAMI MAG-JOWA. PINSAN KO LANG TOH!
"A-ah ganun ba?? Pag-pagpasensiyahan niyo na mga pamangkin ha! Sana sinabi ko sa kanila na darating kayo dito para mangamusta!" Sabi ni mang Raul at hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Ramdam ko tuloy na gulat din yung dalawang lalaki. "Mga pamangkin mo ito Raul? Ah, hindi pala kayo magjowa. Kina Felicidad ba ito?" Sabi ni senor at nakita kong tumango si Mang Raul. JUSKO PO SENOR!
"...o sige, papasukin niyo na sila. Nakakahiya sa mga bisita natin sa gabing ito. Pagpasensiyahan niyo na muli ang dalawang lalaki na pumigil sa inyo kanina..." Sabi ni senor at napangiti na lang ako. "Ah! Hindi po! Ayos lang po yun sa amin ng pinsan ko." Sabi ko at tumango si Ruth at ngumiti naman sa amin ang senor. "O sige mauuna na ako sa inyo...may aasikasuhin pa akong dapat kong gawin a gabing ito...pasensiya ulit sa inyo." Sabi niya at saka lumakad papasok ng bahay. "Ako na dito, Bergilio at Tonyo. Alam kong may gagawin pa kayo sa palay sa may likod." Sabi ni Mang Raul at saka na pumasok sila. Tiningnan ko sila ng nakataas ang aking kilay. Bwiset kayong dalawa, kung pamangkin lang tlga ako dito baka pinalayas ko na kayo dito!
"Ruth?? Sheer?? A-ano ginagawa niyo dito sa Macabebe?? At paano kayo nakapunta dito??" Rinig kong tugon upang mapatingin ako sa kanya. "Bumisita kami dito kasama si Tita Natasha papunta sa kanyang kaibigan sa may kumbento dito at saka napadpad kami dito dahil nakita namin si Joshua at si Benjamin na nag-deliver sa isang tandahan na malapit lamang sa kumbento ng mga prutas." Sabi ko at hindi man nakaimik si Mang Raul. "Ba-Bakit naman?? Ano naman kailangan niyo kay Sister Fatima??" Tanong pa niya at naalala ko lang na dapat kong sabihin na may alam na ako sa nangyayari..perohindi muna ngayon...

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
أدب المراهقين[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...