Kabanata 12

35 3 0
                                    

CHAPTER 12



"Handa ka na ba sa ating date?" Tanong niya at hindi ako makasalita dahil hindi ko alam isasagot ko! "Sheer?" Sabi niya tas ilang sandali ay may tumawag ulit sa aking pangalan. Napatingin ako sa kanan at nakita ko si Natalie na papunta sa akin at nakaway din at nakaakbay siya sa braso ni


Joshua.


Bakas din sa mukha ni Joshua yung gulat dahil nakita niya ako. Naalala ko yung sinabi niya na may kikitain siya. Ibig sabihin, si Natalie ang kikitain niya??? Mag jowa ba sila???? He has a lot of explaining to do! Nung makalapit na siya sa amin ay ang laki ng ngiti ni Natalie. "Sheer!!! Ito pala ang boyfriend ko! Si Joshua!" Sabi ni Natalie. "Jo-jowa mo?" Nauutal kong sinabi at tumango siya. ANO RAW?!?! TAMA NGA ANG AKING HULA! PAANO SILA NAGING MAGKAJOWA! "Bakit Sheer? Parang gulat na gulat ka? Nakilala mo na ba si Joshua?" Tanong ulit ni Natalie. Tumingin ako kay Joshua na ngayon ay nakayuko. Kainis! Humanda ka! Andami mong sasabihin sa akin na sorry.


"Ah Hi-hindi hehe." Sabi ko. Yan! Galit ako kaya sinabi ko iyan. "Weh? Sabi sa akin ni Joshua na tinuturuan ka niya dahil sa mga academics mo." Sabi ni Natalie. Ugh! Shunga! Shempre mag-jowa kinukuwento sa isa't isa ang buhay nila ngayon. "Ah! Ang ibig kong sabihin ay Hindi ko pa siya gaano kilala hehe." Lusot ko. "Dahil hindi naman talaga siya nagkukuwento sa akin gaano at nagpapakilala man lang!" Sabi ko. Sadyang pinapatamaan ko siya. "Ahhh." Sabi niya at sabay tango. "Saan pala kayo pupunta? Magda-date ba kayo ni Miguel?" Tanong ni Natalie. "Uhhh---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita na si Miguel. "Oo, magda-date kami ni Sheer." Sabi niya at nakaramdam ako ng akbay sa aking balikat. Shems! Kainis naman itong lalaki na ito, bakit sa public!


"Ahhh. Kami rin ni Joshua, gusto niyo ba sumabay sa amin?" Tanong ni Natalie. Ano?!?! Edi hindi naging date, parang tropa tropa lang! "Ehh gusto namin na kaming dalawa lang." Sabi ni Miguel. "Sus! Dali na! Okay lang sa amin! Sama na kayo sa amin!" Pagpipilit ni Natalie. Sana huwag naman ikaw pumayag Miguel! Ayaw ko muna makasama si Joshua!


"O sige, sasama na kami."


Tumingin ako sa kanya at binigyan ko ng what-the-hell-did-you-just-said look. Tumingin din siya sa akin at ngumiti lamang. Bakit ka pumayag?!??! Waahhh!! Kala ko gusto mo tayo lang dalawa magsama! Joke! Gusto kong tumakas! "Yeyyyyy!!! Halika na kayo!!!!" Masayang bati ni Natalie at saka lumakad na kami. Katabi ko si Natalie sa kanan ko at sa kanan naman niya si Joshua. Hays!! Ang weird!!! Kasama ko ang dating dalawang magkasintahan. Ano kaya nararamdaman ni Miguel kung makita niya ex niya na may iba na pala, mas lalong mas pogi pa sa kanya. Hayst!!


Pumunta kami sa isang mall na malapit lang sa school namin at sadyang wala akong alam kung saan ako dadalin nila. "Punta tayo sa National Bookstore! May bibilin akong supplies doon." Sabi ni Natalie at saka kami naglakad papunta doon. Bakit hindi man tumanggi itong katabi ko! Kainis! Pagpasok namin sa National Bookstore ay humiwalay na sina Natalie at Joshua sa amin. Nandito lang ako sa tapat ng mga watercolors at crayons at katabi ko lang rin si Miguel. Hay! Kainis itong lalaking katabi ko! "May bibilhin ka ba? Samahan kita kung mayroon." Sabi niya at tumingin ako sa kanya. "Oh bakit ka galit?" Tanong niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Eh kasi naman! Hindi ka marunong tumanggi! Kala ko tayo lang sabi mo!" At nag cross arms.


"Eh naman, nakakahiya kay Natalie naman kung tatanggahin natin diba. At saka bakit ba? Gusto mo ba talaga na tayo lang magsama?" Tumingin ako sa kanya at nakangiti siya. Hay nako, yan na naman ulit siya. "Ang punto ko lang naman kasi baka magselos ka naaaaa..." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil baka masaktan ko siya at umiwas ako ng tingin sa kanya. "Na ano?" Tanong niya. "Wala wala." Palusot ko. "Sabihin mo na. Dali na, kahit masama para sa akin ayos lang sa akin." Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya. Dahan dahan kong iniwas ang tingin ko ulit at napabuntong-hininga. O sige sabi niya eh. "Naaa may iba na si Natalie." Sabi ko. Hindi siya nakaimik pagkatapos ng sinabi ko.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon