Kabanata 11

43 3 3
                                        

CHAPTER 11


Bakit niya ititigil?


Ano ang naisip niya??


At ang bilis naman, isang linggo pa lang nakalipas tas ititigil na niya?


"Nak, naririnig mo ako?" Rinig kong tugon ni Papa kaya natauhan ako. "Bakit mo naisipan na itigil ang tutor?" Sabi ko at tumingin sa FRONT MIRROR. Nakatingin na pala siya sa akin at inalis niya agad yung tingin niya. "...Kasi pansin ko naman nung Lunes na aral na aral ka..at saka sa tingin ko ay ipagpapatuloy mo yang pagiging studious mo." Tugon niya. Ha?? Dahil doon lang? Agad agad? "Nga pala, musta yung grades mo?"


"...mataas sa Science..naka 70 over 80 ako." Sabi ko ng marahan. "Wow! Galing ng anak ko!" Masayahing tugon niya at hindi na ako umimik. Well...sinabihan kasi ako ni Joshua na mag-aral talaga..kayaa I did my best..."...o diba...mataas na grades mo...kaya puwede ko na itigil yung tutor...at saka eh diba ayaw mo rin naman mag-tutor nung unang beses...kaya ayan...pero basta...huwag mong kalimutan yung tinuro ni Joshua sa iyo..."Sabi niya. "....Sigurado ka na ba sa desisyon mo papa?" Sabi ko. "Oo. Sigurado na ako. Nasabi ko na rin ito kanina kay Anthony." Sabi niya at tumahimik na yung sasakyan.


Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba ako masaya o maging malungkot. May punto si Papa na talaga sa una na ayaw ko dahil ayaw ko talaga mag aral at ayaw ko makasama si Joshua pero sa mga nakaraang araw pa lang na nakakalipas...parang ayaw ko matapos yung tutor namin...parang gusto ko pa siya makasama..Hay! Buhay!



Pagbaba ko ng kotse dahil nasa tapat na kami ng gate ng aming bahay at isasara ko na rin sana yung pintuan ay biglang nagsalita si Papa. "Nak, may pupuntahan tayong lahat mamayang gabi." Ano daw?!?! Saan naman pupunta?? "Ha? Saan?" Sabi ko habang nakakunot na ang aking noo. "Sa bahay ni Vincent, iniimbita niya tayong lahat at inimbita niya rin ang pamilya ni Anthony." ANO?! Hindi man ako makasalita dahil makikita ko na naman si Miguel. "Alam na ni yaya yun! Mga alas-nuwebe ang alis! Sige na! Isara mo na pinto!" Isinara ko na yung pinto at umalis na si Papa. Hayyyyy!! Nakakainis! Mahilig siya mag surpresa!


Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si yaya na nagwawalis sa harapan ng hagdan at napatingin din siya sa akin. "Oh nak! Musta naman yung araw mo? Anong nangyari sa grades mo?"Tanong niya at napabuntong-hininga ako. "...ayun...mataas naman ang scoress ko..." Sabi ko ng matamlay. "Oh! Bakit parang hindi ka masaya?" Hindi ako nakaimik muna. Bakit nga ba hind ako masaya? "Ehhh...ititigil na raw ni Papa yung tutor...." Tas napatingin na lang ako sa sahig. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Bakit parang dinadamdam ko ito ng maigi. Ano ba nangyayari sa sarili ko. Ito yung unang beses ko na ganito ang aking reaksiyon sa isang bagay. Ilang sandali ay nakita ko yung mga paa ni yaya sa harapan ko at bigla niya akong niyakap. "Okay lang yann nak ha....huwag kang mag alala...kakausapin ko mamaya yung papa mo.." Sabi niya. "....sigurado na si Papa doon sa kanyang desisyon...at nasabi na rin ito kay Tito Anthony..."sabi ko. Tas hindi nakaimik si yaya at hinimas na lang niya likod ko.


Bakit ko ba ito nararamdaman?


Ano naman masama kung iyon ang mangyari diba?



Alas-ostso y media na at nag aayos ako ngayon sa harap ng salamin na nakadikit sa closet. Sinuot ko yung light blue sweater na binigay ni Tita Natasha at nag blue maong shorts ako. Yan! Puwede na yan! Hindi naman ako makikipagdate! At saka hindi naman big party yung pupuntahan namin kaya puwede na yan!

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon