Ang Wakas

43 0 0
                                        

Disyembre 24, 2044


[3rd POV]



Kasalukuyang reunion ng mga Calaguas at sa tahanan ni Sheer ang magaganap ang handaan. Nagluluto sila ngayon ng mga masasarap na pagkain, kasama niya sa pagluluto ang kanyang asawa, si Nathan at kasama din ang anak nila na si Aaron.

"Anak, maayos na ba yang ginagayat mo?" Tanong ni Sheer sa kanyang anak habang ginagayat yung patatas para sa lulutuin nilang Menudo na manok. "Uhh malapit na po itay. Medyo— AHH!" Sabi ni Aaron upang maalarma si Sheer at pinuntahan niya ang kanyang anak.

Pagkatapos nila makatapos ng medisina ay agad na silang nagpakasal dahil may pera naman sila galing sa kanila mismo at konting tulong din sa kani-kanilang pamilya. Pagkatapos nila magpakasal ay nag-ampon silang batang lalaki sa bahay ampunan at pinalanganan na Nathaniel dahil gusto nila i-ugnay din sa kanilang pangalan. Hindi nila ipinalaki si Nathaniel na maging depende sa kanyang magulng kundi tinuruan at ginabay ng mag-asawa yung mga bagay na kaya niyang gawin.

Hanggang lumaki si Nathaniel ay masipag siya mag-aral, hindi pinursiga ng mag-asawa siya dahil wala naman silang pakielam sa mga grades ng anak. Ang importante ay may natututunan. Naging mabait at matulungin si Aaron sa mga taong na nasa paligid niya. Hanggang sa araw na humilijg si Aaron na magkaroon ng kapatid at naisipan din ng mag-asawa na umampon ulit ng isa pa nilang anak.

Nag-ampon ulit sila ng isa pang lalaki na sanggol sa bahay ampunan at pinalanganan na Shaine. Ganundin ang pagtuturo nila kay Shaine sa mga asal at kung paano maging mabait sa kapwa tao pero ugali talaga ni Shaine na maging makulit pero kahit papano ay laging nasisita ni Sheer si Shaine ay mahal pa rin niya siya dahil ang isang magulang ay hindi dapat kinaiinisan ang anak kundi mahalin pa rin kahit hindi man nanggaling sa parehas na dugo.

Dati pa naman bago sila magpakasal ay gusto nila mag-ampon ng mga bata dahil alam nilang madaming bata ang naiiwan diyan sa mga kalsada o sa isang lugar na mapanganib o kaya naman iniiwan sa mga bahay ampunan para may umampon na iba.

Kasalukuyang dalawamput na ang edad ni Nathaniel at sampung taon si Shaine.

"Anong nangyari??" Tanong ni Sheer at pinakita tuloy ni Nathaniel ang kamay sa kanya. Nakitang may konting hiwa siya sa may hinlalaki. "Sige tama na muna iyan. Umupo ka sa upuan at hintayin mo lang ako na kuhanin yung first aid kit ko para gamutin ko iyan." Sabi ni Sheer at sinunod ni Nathaniel ang utos. Daling-dali umalis si Sheer sa kusina at pumunta sa itaas para kuhanin yung first aid kit.

"Ako na lang pala maggagayat ng manok." Sabi ni Nathan kay Nathaniel at kinuha na niya at sinimulan na rin gayatin. "...Pasensiya po itay..." sabi niya habang tinitiis yung sakit. "...Sus wala iyon anak. At least tumulong ka pa rin sa amin." Sabi ni Nathan upang ngumiti siya. Pinaramdam ni Nathan at ni Sheer ang mismong pagmamahal sa kanilang anak, kung sakaling may maling ginawa ang anak nila y hindi man nila papagalitan kundi ay mahinahon nilang tatanungin ang rason kung bakit ginawa at sasabihin ang rason kung bakit mali.

Natutunan nila na kapag parati mong papagalitan ang sariling anak nila ay posibleng magtanim sa kanilang isipan at maidala nila sa kani-kanilang pamilya na magalit din sa mga anak nila.

"...Darating din ang mga pinsan mo at tito, tita mo. Mag-ayos ka na rin mamaya ha. At nais ko lng itanong na kung darating na ba ang....girlfriend mo?" Tanong ni Nathan sabay tingin kay Nathaniel upang pumula ang mga pisngi niya. "Tatay naman eeee..." sabi niya upang tumawa si Nathan. Open sina Nathan at si Sheer sa mga relasyon. Puwede silang mag-asawa ng parehas na kasarian o kaya naman ang "opposite". Wala silang kaso tungkol doon.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon