CHAPTER 3
"Ha? Ah! Hinde nak, hindi siya ang tutor mo." At nagturo si papa. Sinundan ko yung turo niya at may nakita akong isang lalaki na nakatalikod at nakatingin sa may family picture namin. Dahan dahn siya tumalikod at parang nabagsakan ako ng bato sa langit nung makita yung tutor ko ay
Ung PRESIDENTENG NAPAKAMASUNGIT
"IKAW?!?!?!?" Sigaw ko.
Napayakap na lang ako sa libro at yung folder ko. Bakas din sa kanyang mukha nung makita ako. Feeling ko rin hindi niy aakalain na ako ang tuturuan niya. Lumapit siya at tumabi siya kayTito Anthony. Umakyat ang mga dugo ko talaga dahil naalala ko naman yung unang pagkikita namin sa cafeteria at yung pangalawa naman na kung hindi ko linisin yung classroom ay isusumbong ako kay Miss Clara! Makakatay ko talaga ng buhay yang tao na iyan!
"Sheer?" Natauhan ako tuloy at napatingin ako kay Papa at nakatingin pala siya sa akin. "Oh uh! Bakit?"
"Sinabi ko kung kilala mo ba siya?" Tanong ni Papa, napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako napatutulala, ganun ako kapag may shocking na nangyari or hindi man ako makaniwala. "Ohh uhhh--" hindi ko na natapos sasabihin ko dahil nagsalita yung presidente.
"Uh hindi ko po kilala ang anak niyo." Tas napatingin ung dad/Tito Anthony niya sa kanya. "You sure?" Sabi ni Tito Anthony at napakunot yung noo ko sa presidente, nagsalit-salitan tuloy ang tingin ni Tito Anthony sa aming dalawa.
"Opo." Sabi niya. Wow maka-galang, plastik ata ito kasi sa nun makita ko siya, isa siyang impakto. Ramdam kong hinawakan ni papa ung likod ko.
"Hmm okay, iiwanan na namin kayo dahil aalis na kami ni Anthony." Napalaki ang mga mata ko dahil aalis na pala sila! Oh no, hindi! Hindi! ayaw ko makasama iyan! Kailangan ko umisip ng ibang paraan!
"Papa!" Sabi ko, saby tingin sa kanya. "Oh bakit?" Sabi niya, sabay tingin din sa akin. "Uh ehh..hindi ko naman kailangan talaga ng tutor ehh hehe, sadyang gagalingan ko na lang sa susunod na exam." Sabi ko at nagbigay ako ng pilit na ngiti. Napakunot naman tuloy ang noo ni papa sa sinabi ko.
"Ha eh..pansin ko nga na mababa ka sa grades mo...kaya ito yung gagawin kong paraan." Sabi niya. Nako! Hay! Ayaw ko lang talaga makita ang pagmumukha ng lalaki na yan sa pamamahay ko!
"Ah ehhh puwede na lang ba si Kylie?" Sabi ko at mukhang nadismaya siya at ilang segundo ay naglabas siya ng hininga.
"Nak..alam kong magtatawanan lang kayo nun at wala kayong mararating..kaya ito na lang ang paraan..sige na..sundin mo na ang iyong papa." Ngumiti siya ng marahan sa akin. Hay sa totoo lang...basta mga ngiti talaga, madali akong pumayag sa gusto...napabuntong-hininga na lang ako at umiwas ng tingin.
"Fine..."
"..Ayun haha! O sige na nak, alis na kami ha." Hinawi niya buhok ko at tiningnan ko sila papunta ng pintuan at lumabas at sinira. Ilang sandali bumukas ang pinto at dumungaw si Papa.
"Oh Hijo, if may problema sa anak ko, tawaging mo lang si Yaya." Lumabas siya at ulit lumaki ang mga mata ko. Grabe ma-iinvolve si Yaya dito?!??! Ugh??!?
Ramdam kong nakatingin sa akin yung presidente. Ilang segundo kami doon nakatayo at bigla siyang nag-ehem. Jusko Ano tinitingnan mo, masampal pa kita eh.
"So..uh..magsimula na tayo.." Tumingin ako sa kanya at nakangiti ito. Ano naman ang ningingitian nito.
"Dito na lang tayo sa sala magsimula." Dagdag pa niya at saka siya sumenyas na sundan ko siya sa sala. Napa-irap na lang ako at saka lumakad papunta ng sofa at binagsak ko yung gamit ko sa mesa namin na gawa sa glass. Nakita ko ang bag niya sa may dulo ng upuan. Hindi ko siya tiningnan pagkatapos at nag cross arms ako. Rinig ko ang mga yapak niya papunta sa akin. Umupo siya sa may bag niya at naglaan siya ng malaking espasyo sa pagitan namin. Buti na lang marunong ito makaramdam na may galit ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Novela Juvenil[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...