CHAPTER 23
"Sinabi ni Tita Helen na aarestuhn ng Papa mo si Tito Anthony dahil sa pagnakaw ng mga pera niya sa kanyang kumpanya at mga nagpapatunay na ebidensiya na kasama siya sa isang grupo na pagpatay sa mayor ng Pampanga na si Tito Jose." Sabi ni Yaya, bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba.
ANOOOO?!?!??!??!
Nagulat din ako sa sinabi niyang "kanyang kumpanya". Grabe ah, pinaghirapan nilang dalawa ni Tito na ipatayo tapos sasabihin ni Papa na kanya lang.
"Hinde magagawa iyon ni Tito Anthony! Kailangan kong makausap si Papa!" Sabi ko ngunit umiling si Yaya. "Wala ang Papa mo, nasa simbahan siya ngayon, pero pinautos niya si Tito Jose na samahan ang pulis para ipadakip si Tito Anthony." Sabi ni Yaya."Hintayin mo na lang ang Papa mo, Sheer." Sabi naman ni Marga, hindi ako makaimik dahil kinakabahan na ako at lalo na ako natatakot sa mangyayari sa susunod. Bakit ganito ba yung binibigay sa akin ng tadhana!?!?!?
"Hindi ako makakapayag na makulong na lang si Tito Anthony! Kailangan kong pumunta doon para itigil ko ang ginagawa ni Papa!" Sabi ko at lumakad na ako bigla at daling-dali ako bumaba sa hagdan. Naririnig ko sila Yaya at Marga na tinatawagan ang pangalan ko ngunit hindi ko sila pinansin. Hindi ko hahayaan na mangyari ito! Ititigil ko ito.
Mabilis akong lumakad sa hardin at pagkabukas ko ng gate ay nakita kong bumaba si Tita Natasha sa kanyang kotse. Wala na akong pakielam kung ngayon ko lang din nakita ang kanyang kotse. "Sheer? Bakit?--"
"Pupunta kami sa bahay ng mga Asuncion!" Sabi ko bigla at sumakay ako sa may likod ng sasakyan at sinara. Ilang sandali pa ay nakita kong dumating si Marga at Yaya. "Anong nangyayari??" Takang tanong ni Tita Natasha. Rinig ko pa rin ang boses niya kahit nasa loob ako. "Mamaya ko na ipapaliwanag, kaibigan, sumama ka na lang din sa amin." Sabi ni Yaya at tumango na lang si Tita Natasha, lumakad na silang tatlo papasok ng kotse, tumabi sa akin si Marga.
Bakit parang gulat na gulat si Tita kaysa mahinahon lamang siya? Ay tanga, siya nga nakakaalam kung ano ang takbo ko sa buhay, so kapag pinaalam niya iyon sa ibang tao baka isipin isa siyang bruha o ano pa man.
Sinmula na niya ipaandar ang makina at saka nagmaneho na si Tita. Bawat minuto na lumilipas ay kinakabahan na ako lalo kasi ayaw kong isipin ang nangyayari na doon.
Pagkarating sa tahanan ng pamilyang Asuncion ay nagulat kaming lahat na madaming tao sa labas at may mga nakita din kaming mga kotse ng pulis. Pinarado ni yaya ang kotse sa di-kalayuan ng gate at agad akong lumabas ng kotse. "Sheer! Sandali lamang!" Rinig kong sigaw ni Yaya ngunit hindi ko ito pinansin, kailangan kong itigil ito dahil hindi ko kayang makita malungkot sina Joshua, Tita Helen at Mark dahil lamang nakakulong si Tito Anthony! Sumingit ako sa mga tao hanggang sa makarating ko ang harap.
Nagulat ako na nakaluhod si Tito Anthony at si Joshua sa lupa habang nasa harapan nila si Tito Jose at nasa likod nila ang mga pulis, may nakita din akong mga bodyguards na may suot na parang earphone sa may tainga nila. Grabe, kailangan niya ng bodyguards. Hawak din ng dalawang pulis sina Tita Helen at si Mark. "Bakit nandito si Adrian??" Rinig kong tanong kay Marga na nasa tabi ko lang pala.
"Sino yung Adrian?" Tanong naman ni Tita Natasha at nakita kong tinuro ni Marga na nasa tabi lamang din ni Tito Jose. "Yan pala ang sinasab mo sa akin kagabi na si Adrian, eh asus." Sabi ni Tita Natasha. Hindi ko alam kung dapat ba ako matawa dahil baka iniisip din niya na f*ckboy din haha!
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Fiksi Remaja[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...