Kabanata 8

48 7 3
                                    

CHAPTER 8



"Sheer bangon na." Narinig kong may nagsalita kaya napamulat ako at napabangon. Nakita ko si Marga na nakatayo sa may pinto kahit pinipilit pa rin sumara ang mga mata ko.

"Bangon na. Dali na." Sabi niya.

"Bakittttttt May pasok ba???" Sabi ko habang kinukusot yung kaliwang mata ko.

"Basta bumangon ka na diyan. Pinabababa ka raw ni Tito." Sabi niya at saka umalis na ng kuwarto ko. Napatingin ako s aaking prasan at alas-sais y kuwarenta pa lang...Ayaw ko nabangon ng maaga kagaya nito kung weekends...hayy...ano naman ang sasabihin niya sa akin sa umaga na ito...napakaaga naman eh.....

Tumayo na ako at pumunta sa may hagdan. Nung nakababa na ako ay napatingin ako sa sala. May nakaupo sa may sofa at nagseselpon siya tas ilang sandali ay napatingin sa akin at ngumiti siya.


Joshua?!?!


Nakasuot niya ngayon ng striped shirt at black shorts, naka-cap din siya at nakasuot ng salamin. My gash! napakaaga! Makakasama ko na naman ito! At saka anong ginagawa niya dito?!?! Hindi naman niya sinabihan kagabi na mag aaral ulitmkami ngayon! Hay! Uso messenger teh ha! Nako aga na aga!

"Sheer?"

"Ah yes--" nadulas ako bigla at napadapa sa floor. Naramdam kong may basa yung sinuot ko! Shems! Kainis! Aga aga! Nakakahiya! Nadulas ako sa harapan niya! at buti na lang nauna ang puwet ko kesa ulo. Aray...aray...kakagising ko lang grabe nadapa ako...bwiset naman oh..nahulog ako...Buti na lang malapit na ako makababa ng hagdan nung nangyari iyon. Tas nakita ko si Joshua sa harapan ko pati na rin yung kaliwang kamay niya. Oh is he telling me na WEAK AKO?? IM A STRONG INDEPENDENT PERSON HMPH! Tumayo ako ng walang tulong galing sa kanya. Tiniis ko ang sakit habang umaakyat ako!

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Alala ba siya?? Nadulas lang ako, okay lang ako. Kung nahulog ako sa isang gusali, baka puwede pa.

"Oo sus, alala ka"

"Ehh nagaalala lang."

"Eh okayyy, bakit ka pala nandito? Wala namang klase diba? Hindi mo rin ako sinabihan kagabi na pupunta ka!"

"Nak tama na yan." Narinig kong tugon ni papa kaya napatingin ako sa kaliwa. Kasama din niya si Tito Anthony at pareho silang naka corporate attire. Saan naman ba sila pupunta?? Aga aga, business pinaguutupagan nila??? Hay!

"Pinatawag kita dahil mag aaral na kayo. Nabalitaan ko kay Joshua na next week na exams niyo, mga Martes at Miyerkules." ANOOO TUESDAY AND WEDNESDAY NA EXAM NAMIN??!?! AT GANITONG ORAS NA AKO MAG AARAL?!?!?! UGHHH, BAKIT HINDI AKO SINABIHAN NI JOSHUA KAGABI?!

"At saka aalis kami ngayong oras ni Anthony. May handaan kaming pupuntahan sa Quezon, siguro balik namin ay mga ala-una na o mga hapon." ANO HAPON??!?! MAG-AARAL KAMI BUONG ARAW?!?!

"Nak!" Narinig ko si yaya sa likod at tumingin ako.

"Nak! Hay nako ka! Mag ayos ka nga, mukha kang isang hampaslupa diyan, nakakahiya ngayon kay Joshua!! Diba sinabihan ka ni Marga na mag-ayos ka! Nako kang bata ka!" Sabi niya habng nababa at kinuha yung kamay ko para iakyat ulit ako. Napatingin ako kay Joshua na pinipisil niya ngayon ang kanyang ilong.


ABA! MABAHO AKO?!? KAPAL NITO AH!


Kainis!! Walang sinabi sa akin si Marga kanina! Nako siya! Masasabunutan ko iyon! Napahiya tuloy ako kay Tito Anthony at kay Joshua...

"Salamat po." Sabi ni Joshua. Nandito kami ngayon sa dining table at nakahanda sa amin ang umagahan. Katabi ko ngayon si Joshua. Hindi pala daw pa siya nakain dahil sinama siya ng tatay niya papunta dito, sabi sa akin ni Yaya.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon