Kabanata 34
"Paalam."
Nung gusto ko na magpahulog sa bintana ay hindi ako makagalaw at napatingin ako sa aking katawan. Pinilit kong gumalaw pero ayaw pa rin, parang nakadikit lang talaga ako. Ilang segundo ay may narinig akong boses na tumatawag ng aking pangalan upang mapatingin ako sa langit at may nakita akong....
Dalaga na puti ang kanyang suot...at nalutang siya...
"Sheer..." Sabi niya muli at sobrang takot ako dahil mukha siyang multo! "Si-sino ka?!" Utal kong sinabi at kinakabahan. Lumapit siya sa akin at medyo umiwas ako ng tingin baka kasi saktan ako. Ramdam ko yung mabilis ng pagtibok ng aking puso dahil anlapit na niya sa akin. "....Huwag kang matakot...ako ito....si Faustina...." Sabi niya at nagulat ako.
Si-siya si Faustina???? Yu-yung mahal ni Ma-macario! Wait! So ito yung parang sidekick ni tadhana!?!? "Tama ang iyong iniisip...buti naalala mo pa ang kuwento sa iyo ni Joshua...." Sabi niya at hindi ako nagsalita. Hindi ko talaga siya nakalimutan dahil sobrang ganda ng kuwento kaya tumatak sa aking isipan. "...Batid ko ngayon...ay gusto mong magpakamatay....pero hindi mo magawa dahil hindi ka makagalaw...ako ang gumawa non dahil....hindi mo kailangan tapusin ang iyong buhay...." Sabi niya at hindi ulit ako makasalita.
Wala na si Joshua...ayaw ko na mamuhay....gusto ko siyang samahan na....sa kabilang mundo..."...Hindi iyon ang rason na para magpakamatay ka. Hindi ba lagi may nagsasabi sa iyo na...kailangan mom aging matatag sa lahat ng bagay kahit madami na talagang nangyayari? Mayroon din nagsabi sa iyo na kailangan mo laging magdasal at maniwala sa kamay ng Panginoon?" Sabi niya at naalala ko agad si Tita Natasha. Lagi niya ako sinasabihan noon pa...pati na rin hanggang ngayon...
"...O tama ka...at ngayon gusto mo na sumuko dahil lang doon? Hindi ba masasayang lahat? Dahil noon kinaya mo?" Sabi niya at napaisip ako. Oo nga noh. Kinaya ko pala noon.
"...Alam ko paulit-ulit ito pero baguhin natin, may mas malala pa sa buhay ng iba kesa s aiyo pero tingnan mo....hindi sila tumigil...pinagpatuloy nila yung takbo ng buhay nila...hanggang maramdaman nila yung saya sa kanila...." Sabi niya at hindi ako nakasalita. "...Tandaan mo...sa kapal ng libro ng bawat buhay ng tao...ibig sabihin...madami silang pinasukan, hinanakit, iniyakan sa kanilang paglalakbay hanggang marating nila ang kapayapaan na hinihingi nila..." Sabi niya at sobrang speechless ako sa sinabi niya.
"sa kapal ng libro ng bawat buhay ng tao...ibig sabihin...madami silang pinasukan, hinanakit, iniyakan sa kanilang paglalakbay hanggang marating nila ang kapayapaan na hinihingi nila..."
"...Sana maunawaan mo muli ang lahat ng ito...alam kong...makakaya mo at matatapos mo din ang lahat ng pinagdadaanan mo ngayon..." Sabi niya sabay ngiti at napangiti man ako, ilang sandali ay dahan-dahan siyang nilapitan ako at niyakap din. Na-weirduhan ako at medyo I don't know what to do kaya niyakap ko din siya ng dahan-dahan. Ilang segundo ay dahan-dahan kong sinara mga mata ko at nakaramdam ako ng saya sa aking katawan. Kaya ko toh...hindi pa tapos ang aking kuwento...
At bigla ko na lang naramdaman na parang nahuhulog ako paaatras upang bumukas mga mata ko at nakita kong wala na akong kayakap at tuluyan akong nauntog sa iang bagay at nahulog ulit ako at tumama sa sahig. Aray! Kaasar!
Ilang sandali ay may pumasok sa aking kuwarto at nakita ko si Yaya. "Sheer!" Sabi niya at dali-dali siyang lumapit sa akin, tinulungan niya ako makatayo. "Jusko ka! Bakit bukas ang bintana?! ANong gusto mong gawin?!" Tanong niya at bigla ko na lang siya niyakap. "...Gusto ko na magpakamatay Yaya....pero may pumigil lang sa akin para ipaalala na..hindi ko kailangan tapusin ang aking buhay....dahil...laging may pag-asa..." Sabi ko habang nahikbi at ilang sandali ay naramdaman kong hinimas niya ang aking likod.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Novela Juvenil[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...