Kabanata 35
" Sure kang walang balak ang ina mo na sabihin ang plano natin sa ama mo??" Tanong sa akin ni Tonyo sa akin ngayon na katabi ko lamang habang nakatingin kay mama, kausap niya kasi si Señor Marcus para makiusap na tulungan tayo. "Oo nga, sure na siyang handa siya tumulong pa ra sa atin." Sabi ko at hindi na lang umimik si Tonyo. Siguro nga nabulag siya o hindi niya alam kung sino ang kanyang paniniwalaan...pero at least naintindihan na niya ako.
Ilang segundo ay nakipag hand-shake siya kay Señor Marcus at ngumiti man siya, umalis na si Señor Marcus at lumapit ako kay Mama. "...Pumayag siya anak....matutulungan ko kayo....hindi ko aakalain na ganun lamang kabilis para sa lider niyo..." Sabi niya at ngumiti man ako. "...ayos lang iyon mama dahil nakita niya talaga s aiyo yung ramdam ng pagtulong at naintindihan mo yung kilusan na nais nila...." Sabi ko. "....mali talaga ang aking hinala...akala ko gawa-gawa ang lahat ng ito tungkol kay Jose at sa ama mo....mas madugo pala ang ginawa nila....nandamay sila ng mga taong hindi naman dapat....mas lalo ang kaibigan kong si Helen...." Sabi pa niya at naalala ko tuloy si Kylie...
"Maayos lang po iyon! At least namulat na kayo sa katotohanan" Sabi tuloy ni Tonyo upang magulat ako at hindi ko nadamayan na nakasunod pala siya sa akin. "...Ah hello rin po sa inyo, ako pala po si Tonyo, kaibigan din ni Sheer." Sabi niya at nagulat ako. HINDI KO NA-REALIZE NA MAGKAIBIGAN PALA KAMI NITO, peroooo okay lang naman dahil....masaya naman din sila kasama at hindi ko makakalimutan nung tinakot nila kami ni Ruth sa may tapat ng bahay ni Señor Marcus. "....Napakasiyahin mo pala sa itsura Tonyo, nandito ka rin ba dahil may ginawa si Jose sa pamilya mo?..." Sabi niya at dahan-dahan siyang tumango.
"....Pinatay niya angg....buong pamilya ko...ako na lang natira at buti na lang may nakakita sa akin at iyon ang kapatid ni...Señor Marcus..." Sabi niya at naalala ko tuloy si Mang Raul...grabe talaga yang Jose na iyan. Dapat din iyan mamatay!
"....Huwag kayong mag-alala...sisigaraduhin natin na ipapakulong natin yang si Jose...hindi na siya makakasira pa ng ibang pamilya pa..." Sabi ni Mama at ngumiti man si Tonyo. "...Ako rin po, hindi ako papayag na mabuhay pa iyang taong iyan..." Sabi ni Tonyo. Naalala ko tuloy yung nakita ko kay Jose na naging berde ang kanyang mata, hindi ko alam kung totoo bai yon o natatamaan lang ng sikat ng araw? Pero sana naman na natatamaan ng sikat ng araw iyon.
Ilang sandali ay nagtawag na si Señor Marcus para mag-usap at umupo kaming lahat, magkakatabi kami ngayon nina Mama, yaya at ni Tonyo. Si Benjamin ay nas akabilang dulo dahil kinakausap niya yung mga ibang kasamahan. Siguro nga ang tawag kay Benjamin ay isang heneral dito, kinuwento rin sa akin ni Benjamin nung magkasama nung isang araw na noong bata pa siya ay tinuruan na siya ni Señor marcus ng mga ganyan bagay dahil si Señor Marcus ay kasama sa pagsusundalo sa Pampanga noon pa. Kaya pala kaya niya maggawa ng rebelde. Nung naging mayor si Tito Jose ay bigla na lang tinanggal si Señor Marcus sa kanyang rango dahil nagsulat daw si Tito Jose sa secretary ng National Defense para ipatanggal siya. At lalo siyang natanggal dahil may "ginawa" daw siyang masama sa militarya noon pero hindi naman daw totoo, pero wala na siyang choice kung hindi pumayag na lang.
Pero kahit wala na siyang rango sa militarya ay nagpatulot pa din daw siya sa pagiging mabuting tao sa Pampanga at nung nalaman niyang may ginawa pang kasamaan si Tito Jose ay hindi na siyang nag-dalawang isip na gumawa ng grupo para mawala si Tito Jose at iyon ang Baliente. Ang Baliente ay wikang Espanyol ng valiant na nangangahulugan ng matapang at walang kinatatakutan.
"Ito na mga kababayan, ito na ang gabi na ililigtas natin ang anak ng mga Asuncion na si Joshua." Panimula ni Señor Marcus. "Sabihin ko muna kung bakit natin siya dapat iligtas. Una, ang nanay niya ang tumulong sa pagpapalaki ng aking pamangkin na si Benjamin noong sanggol pa lamang siya. Ang tatay naman niya ang tumulong sa pagpapa-aral naman niya kaya gusto ko ibalik angutang sa kanila na kailangan ko iligtas ang kanilang anak na si Joshua, nasa atin si Mark kaya dapat natin siya laging ingatan." Sabi niya at nagulat ako. Malaki na pala ang impact ng mga Asuncion sa Alonte family. Napakabait nilang mga tao at minsan lang makakita ng ganun...

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Teen Fiction[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...