CHAPTER 10
Humiga na ako sa kama at isasara ko na mga mata ko ngunit may tumunog sa aking cellphone. Kinuha ko siya sa tabi ko at binuksan at nagulat ako na nag text si Joshua. Nakaramdam na naman ulit ako ng panghininala kung bubuksan ko kung titingnan ko ba o hindi.
Gurl, isang message lang yan. Hindi naman yan love letter!
Okay fine! Bubuksan ko na!
Binuksan ko yung cellphone ko at pinindot yung chat head niya.
Joshua: Sheer Hi, sorry pero hindi pala tayo nag-aral kanina haha. At sorry ulit dahil hindi kita matuturuan sa Lunes. May ipapagawa daw si Papa at yung aking school President works. Basta aralin mo yung ituturo bukas. Aralin mo ng mabuti kung saan ka nahihirapan ha. Mag-notes ka kung nagtuturo yung teachers tas pagkauwi mo aralin mo ulit. Tambay ka kang sa kuwarto para hindi ka anuhin ng mga ingay galing sa labas. Kung may tanong ka, huwag kang matakot na mag message sa akin. Tuturuan pa rin kita kahit busy ako okay?
HALA! KAHIT SABIHIN NIYA AKO NG GANYAN! ALAM KONG HINDI AKO MAKAKAPASA SHEMS! Pero naano ako sa sinabi niyang 'tuturuan pa rin kita kahit busy ako okay?' Grabe! Bakit ako kinikilig doon!
Sheer: uhhh
Seryoso wala ako masagot sa sinabi niya.
Joshua: nga pala, kung puwede lang sana maipasa mo na yung tula mo by Lunes. Kasi sabi ni Sir Baylon na ipapasa na raw by Lunes kahit kahapon lang namin napag-usapan.
Baliw talaga itong Sir Baylon na ito.
Sheer: okay sige.
Joshua: Basta daw tema ay ikaw bahala, ilagay mo sa isang short bond. Kailangan daw may title. Ipasa mo sa SGB office ha! Aasahan ko yan ah. Alam kong ikaw mananalo
Teka! CONTEST ITO?!!
Joshua: sige na bye night
Sheer: teka! Contest ito?!?!
Ilang segundo ay hindi na ako nireplayan ng tao na ito. Bwiset ka! Bakit hindi mo sinabi kanina itong tula na ito nung nag uusap tayo! Kahit kailan! Kainis ka!
Lunes na ngayon at bukas na ang exam!!! Pano ito???? Ughhh!!! Hay! Buti na lang sinunod ko yung utos ni Joshua sa akin. Sinulat ko yung mga review lessons at quiz kanina sa bawat subject for today. Kahit andami, ayos lang dahil nakakaramdam na ako ng kakaiba. Parang gusto ko na sipagin ngayon. Tama tama! Yan dapat isipin! Kailangan isipin na sipagin dahil may kinabukasan ako! May panaginip ako na dapat huntungan! Isang maging doktor! Tama! Tama! Kailangan ko mag aral!! Malalampasan ko itong exam na ito! Bring it on mga kupal na subjects!
Alas tres na ngayon, at dismissal na, maaga kami pinapalabas kung malapit na malapit na yung exam days namin kagaya nitong araw. Isasara ko sana yung bag ko ngunit naalala ko yung tula kong ginawa kaya kinuha siya sa loob.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Fiksi Remaja[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...