CHAPTER 5
Hihiga na sana ako sa kama pero may narinig akong usap sa may labas ng kuwarto ko. May nag-udyok sa akin na pumunta kaya pumunta ako at binuksan ko ng onti yung pintuan ko. Nakita ko na may kausap si Marga sa kanyang cellphone habang nakatalikod sa akin.
"Omg Nakabalik ka na??" Wait sinong bumalik?
"Kilala ko siya pati na rin in person. Bakit mo natanong?" Ha sino?
"Hmm...osige...tutulungan kita..no problem...ako bahala ha. Kita tayo if ever ha!" Sinara ko na yung pintuan ng dahan-dahan dahil kutob ko na tapos na yung usapan nila. Bumalik ako agad sa higaan ko at nagpanggap na tulog kung sakaling pumasok siya sa aking kuwarto.
Sino ang tinutukoy niyang tutulungan niya, at sino nakabalik dito?
Kinabukasan, nasa labas lang kami ni Kylie sa classroom at pinapanood lang namin yung mga estudyante na nadaan sa corridor.
"Oh bakit ka malungkot?" Nakayuko kasi ako ngayon dahil lang sa nangyari kahapon. I felt guilty kahit papano.... Timaas ko ulo at tumingin sa kanya. Mukhang gusto niya rin malaman kung bakit ako ganito.
"Ehh puwede ba ako magkuwento?"
"Oo naman Sheer, diba sabi ko handa ako makinig sa problema mo. Dali ano yun?"
"Ehh kasi...kahapon..bago kami ni Joshua--"
"Wait Joshua?" Tanong niya at napakunot ang ulo niya. Ilang sandali lamang ay naging gulat yung itsura niya at ngumiti sa akin.
"TEKA!! OMG!! Y-YAN ANG PANGALAN NIYA???" Ay oo nga hindi ko pa nasasabi. Tumango ako. HOMAYGAD NASABI KO NA! Ay teka! Alam naman ni yaya name ni Joshua kayaaa ayos lang yon. Sinabi niya eh kay Yaya. Pero bakit nga ba sinabi?
"Huwag mo sabihin ha! Manahimik ka!" Sabi ko
"Osige sige! Tuloy! tuloy!"
"Ayon nga...bago kami ni Joshua magsimula sa pag aaral...binastos ko siya sa ugali niya na siya ay masungit at nangsisinungaling...nainis siya doon kaya sinigawan niya ako about doon...ako naman nasaktan sa sinasabi niya dahil totoo naman dahil sobrang siga ko talaga at wala akong respeto sa mga tao...kasama ka na doon..."
"Oh..tapos?"
"Tapos umiyak ako at pumunta sa kuwarto. Nakatulog pala ako non at nagising ako ng mga ala-sais. Bumaba ako at wala na rin pala si Joshua sa bahay, kinuha ko yung bag ko sa sala at aakyat sana ulit pero timawag ako ni yaya. Sabi niya na kumuha ako ng santan sa may hardin namin. Edi sinunod ko, nung tapos na ako pumitas, biglang may nagsalita sa likod ko."
"Si Joshua!" Sigaw niya. Grabe! Ang lakas naman ng bibig neto!
"Manahimik ka nga!"
"Hindi! Hindi! Tingnan mo sa likod mo!" Sabi niya at tinuro. Tumingin nga ako sa likod at may isang taong naglalakad na nakayuko at nakasuksok ang earphones. Si Joshua ba ito??? Ilang segundo lamang ay napatingala at nagtama ang mga mata namin. Ramdam kong bumagal ang mundo at lumabo yung mga estudiyanteng nadaan.
Si Joshua nga! AH!
Napangiti siya sa akin at dahan-dahan tumibok yung puso ko. Naiinis ako! Bakit ba ito ay natibok sa kanya! Hindi ko naman ito type! May jowa naman ata to eh! Kahit napakasungit nito.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Ficção Adolescente[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...