CHAPTER 17
Biyernes na ng umaga at nandito pa rin ako sa simbahan. Nagdadasal kami ngayon at kanina ay tapos na rin ang aming pagrorosaryo. Nakaluhod ako sa ikalawang halang at katabi ko si Ruth. Nasa harap namin na nakaluhod sina Donya Natasha at si Sister Felicidad. Hindi ako makatulog kagabi nung masabi ni Blythe kahapon ng umaga na magkasama kami ni Joshua nung isang gabi kaya pinagdarasal ko ngayon na tulungan ako ni Lord kung paano ko ba itatago sa kanya at mas lalo kay Natalie na nagsasama kami ni Joshua or nagkikita. Ayaw ko kasi mangyari ulit ang nakaraan namin ni Natalie. Kung mangyari ulit iyon parang hindi ko na makakaya mabuhay dahil magiging mag-isa ulit ako...Kailangan ko bang iwasan si Joshua? At itago na lang ba ang aking nararamdaman? Kailangan ko bang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko?...pero bakit nga ba malapit siya sa akin?...
Ano ba talaga ako sa kanya?
Nakakagulo ng isip eh! Kainis! Bakit naman kasi ang pogi niya...yan tuloy nahulog ang puso ko sa kanya. Sa daming-dami ng tao sa mundo, siya pa ang nagustuhan ko! Hays...buhay talaga...
Ilang sandali ay may naririnig akong hingal sa kanan ko kaya napatingin ako kay Ruth na ngayon ay pawis na pawis ang kanyang noo. "Ruth.." Sabi ko at hinipo ko ang leeg niya at ang sobrang init niya! Hala! Inalog ko yung braso niya ng dahan dahan. "Ruth..ayos ka lang?.." Bulong ko pero hindi siya umimik. Shocks! kailangan ko gumawa ng paraan. Umahon ako at kinulbit ko si Madam Natasha at tumingin siya sa akin. "Madam Natasha..si Ruth po, masama po ata pakiramdam niya." Sabi ko at tumingin siya kay Ruth. "...Idala mo siya sa kanyang silid at tawagin mo si Ginoong Asuncion!" Bulong ni Madam Natasha sa akin at tumango ako. "...Ruth..dadalhin kita sa silid mo ha.." Napatango naman siya ng dahan-dahan at tumayo siya. Hinawakan ko siya sa likod niya habang naglalakad kami palabas ng simbahan. Shocks, sana hindi ito lumala...ayaw ko pa naman makita yung mga malalapit sa akin na msgdurusa...
Pagkarating namin sa hallway ng mga kababaihan ay nakita kong lumabas si Natalie sa kanyang silid at napatingin din siya sa amin. "Sheer?? Anong nangyari kay Ruth???" Alalang tanong niya. "...May sakit siya, Natalie." Sabi ko habang naglalakad kami at lumapit siya sa amin at inalalayan din niya si Ruth. Ka-roommate niya itong pinsan ko. Pagkapasok namin ay pinahiga namin siya sa kama at pansin kong ganundin yung itsura ng kuwarto nila sa kuwarto namin. "Tatawagin ko lang si Joshua, pakibantay si Ruth ha." Sabi ko at akmang aalis na ako ngunit nagsalita si Natalie. "Ah! Ako na lang! Ikaw na lang magbantay." Tumalikod ako ngayon at nakita kong nakangiti siya. "Puwede ba? Pleaseeeee?" Tanong niya pa at tinitigan ko lang siya. "...osige. Ikaw na tumawag."
"Yay! Salamat Sheer!" Ngiting tugon niya at kumaripas ng takbo papalabas ng kuwarto. Shempre, soon to be girlfriend eh hays kaya pumayag na lang ako kahit masakit sakin...Hays drama ko na naman! Tumabi ako kay Ruth sa may gilid ng kama at tinitigan ko lang siya habang tulog siya ngayon.
Ilang sandali ay may malakas na bang sa may hallway kaya napatingin ako at nakita kong papunta sa amin si Blythe. Nanlilisik din ang mga mata niya. Shocks ano na naman problema nito. Pagkapasok niya sa kuwarto ay tumayo na ako at nag cross arms. "Ano ang kailangan mo?" Tanong ko habang nala bitch-face.
"Hindi ikaw ang pakay ko kaya lumayas ka sa palapag namin!" Sigaw niya at ilang sandali ay may narinig akong ungol sa likod kaya napatingin ako kay Ruth. "...puwedeng pakihinaan ang usap niyo?..." Dahan-dahan na sinabi niya. "Ano naman nangyari sa babaeng iyan ha?!" Sigaw ni Blythe at tumingin ako sa kanya na nakabitch-face pa rin. Buti na lang nakakaya kong pigilan ang sarili ko sa kanya. Kung hindi, baka batuhan ko siya ng gitara.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
أدب المراهقين[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...