Kabanata 40
Nakaramdam ako ng malay upang dahan-dahan kong i-mulat ang aking mga mata upang may sumilaw sa akin na ilaw. Ano ba iyan! Sino naman nag-aano ng ganyang ilaw sa harapan ko. Ilang sandali ay may naririnig akong mga ingay sa aking isipan at mga iyak upang sumakit ang aking ulo at mailagay ang aking kamay don.
Ilang sandali pa ay konting naglaho ang liwanag at laking gulat kong naging flourescent lamp siya at nasa isang silid ako. Tiningnan ko yung suot ko at naka-patient outfit ako at nasa hospital bed.Teka! Bakit ako nasa hospital??? Anong ginagawa ko dito?!?! Diba may klase ako?!?! Anong nangyari sa akin?!?!
Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan upang makita ko si Papa! At laking gulat niya na makita ako. "A-anak?? Gising ka na???" Utal na tanong niya.
"Pa teka—-"
"DOC! GISING NA ANG AKING ANAK!" Sigaw niya upang magulat ako. BAKIT BA AKO NASA HOSPITAL?! ANO BA NANGYARI SA AKIN?! KALOKA?!
Ilang sandali pa ay dumating na yung doktor at kasama din niya ang isang nars at lumapit sila sa akin. "....Musta ang iyong kalagayan Hijo?" Tanong ng doktor." Ah-ahh ayos lang po naman ako..." sabi ko at hindi sumagot yung doktor at tinitigan lang niya ako. Bakit niya ako tinitingnan ng ganyan?!?! Napaka-weird.
"...May naalala ka bang panggyayari bago ka mawalan ng malay?" Sabi niya upang nag-isip ako at ang unang pumasok lang talaga sa akin ay yung bibili ako ng juice sa canteen.
"...naalala ko lang po na nasa canteen ako, kasama ko ang aking kaibigan, si Kylie at bibili ako ng juice sa canteen." Sabi ko at hindi umimik yung doktor. Nakita ko si Papa na gulat na gulat sa aking sinabi. Teka, may mali ba sa aking sinabi???
Tuming tuloy ang aking doktor sa ama ko. "...nagkaroon ang iyong anak ng memory loss, hindi niya naalala ang kinuwento mo sa akin noong unang buwan na dinala mo siya dito." Sabi ng doktor at napataka ako. Anong unang buwan??? "...Ibig bang sabihin...nakalimutan niya lahat ang mga nangyari?" Tanong ng ama ko at tumango ang doktor. "Hindi lahat....at magkakaroon talaga ng posibilidad na makalimutan ang pangyayari sa isang pasyente pagkatapos magising sa coma." Sabi ng doktor at hindit tuloy nakasagot si Papa.
"At nagulat din ako na nakakasalita na siya ng maigi...pero titingnan pa din namin yung speaking niya, mental at physical skills, tas paglalakad at kung paano kumain....Now if you will excuse me, Sir Edward. May dapat pa akong puntahan na ibang pasyente." Sabi ng doktor at sinenyasan na niya ang nars na sundin siya at lumabas na sila ng silid. Nagkatinginan lang kami ni Papa at hindi ko tuloy ang aking sasabihin.
"....Wa-wala ka talagang naaalala??" Sabi ni Papa at dahan-dahan akong umiling. Napaptaka talaga ako sa mga nangyari at bakit??? Parang madami akong nahuli. "...Na-coma ako Pa?" Tanong ko at tumango si Papa. "...ilang buwan akong na-coma.." dagdag kong tanong at napabuntong-hininga muna siya.
"....Hunyo 2017 kita naisugod dito sa hospital.....Enero 7, 2018 kang nagising..." sabi niya uoang lumaki ang aking mga mata dahil 2018 na ngayon. Na-coma ako ng anim na buwan at wala akong maalala bago man ako ma-coma. Simulang Nobyembre 2016 hanggang Hunyo 2017 ay wala akong naalala kundi lamang yung memorya na bibili ako ng juice at kasama ko si Kylie.
Anong nangyari nung mga buwan na iyon??? Bakit ako na-coma???
Ilang araw ang lumipas ay nakalabas na din ako ng hospital. Hindi ako nagamit ng wheelchair o yung crutches. Nakakalad ako at nakakakain ng mabuti. Nakakasagot ako ng mga simpleng tanong upang magulat yung doktor at ang ama ko sa aking ginawa at dahil doon, sure na yung doktor na maayos na talaga ako at puwede na ako umalis na ng hospital.
Pagkalabas namin ay nagulat akong sa mga tao ngayon. Parang ilang buwan na hindi ko sila nakita, nakikita ko pa ang mga banderitas nakalagay sa mga poste na parang pa-zigzag, kakatapos lang ng Bagong Taon. Naalala ko na itong lugar na ito ay nasa Laguna.
"...Naalala mo ba iton lugar na ito at pati na rin yung hospital?" Tanong ni Papa sa akin habang nasa gilid siya ng kalsada. "....Sa may San Pablo, Laguna? At yung hospital ay kung saan ako ipininganak ni Mama." Sabi ko at nakita kong ngumiti siya. "Mabuti naman na naalala mo pa iyon..." sabi niya at naalal ko naman talaga. Nung kinasal ang aking magulang ay dito muna sila nanirahan sa tahanan ni Tita Natasha at ni Tito Rodel at dito rin nila ako binuo.
"...Naalala ko tuloy yung padalos-dalos namin pagpunta sa hospital na iyan....muntikan ka na talaga mawala sa sinapupunan ng iyong ina...pero sa bait ng Diyos ay iniligtas ka niya..." sabi ni Papa at nagulat man ako dahil ngayon ko lang narinig yung kuwento ko na ilalabas pa lang ako.
"...Kailan nga pala uuwi...si Mama?" Tanong ko upang makita kong nagbago ang reaksiyon niya at biglang naging malungkot. Bakit? Anong nangyari kay Mama???
"Papa bakit?" Tanong ko at medyo nag-aalala na ako. "....Wala na ang iyong ina...namatay siya..." sabi niya upang mapataka ako. "...totoo ang aking sinasabi...wala na ang iyong ina...dahil sa akin..." sabi niya upang mapataka ako lalo. Ano ang kinalaman ni Papa??? At paano namatay si Mama? Namatay ba sa sakit? Naalala ko lang talaga na nagtratrabaho siya sa Italy at para sa aking reservation din doon sa isang med school.
Ilng sandali ay narating na namin yung kotse at saka sumakay upang may maalala ako na gusto ko makita ngayon. "Saan si Yaya? Nasa bahay? Ano kaya niluluto niya! Matutuwa na rin siya na gising na ako ngayon! Ay Teka bakit hindi siya sumama sa iyo, Papa?" Sabi ko at napabuntong hininga siya habang binubuksan niya ang sasakyan at inilagay niya ang kanyang parehas na kamay sa manubela.
"....Wala na rin ang iyong Yaya...." Sabi niya upang magulat ako ng todo. Ano ba talaga ang nangyayari??? Bakit nawala si Yaya???!! Nasa bahay lang naman siya at nagdidilig ah? Hindi ko maintindihan..

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Teen Fiction[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...