Kabanata 39
Kasalukuyang nandito kami sa labas ng bahay na magkakatabi kaming umuupo at habang pinapanood namin ang nasusunog na mga libro nina Tito Jose. Yung mga librong ginawa niya ng mga takda. Kinuha namin lahat at naisipan kong sunugin lahat para mawala na. Hindi ko pa puwedeng sunugin ang akin dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin. "...Ang kakapal yung mga iba dito oh.." Sabi ni Miguel. "...sinabi mo pa...feeling ko isa diyan ay mas malala pa kaysa sa pinagdadaanan ni Sheer ngayon..." Sabi ni Ate Eleanor. Hays. Baka nga mayroon diyan na mas malala pa nga kaysa sa akin.
"...Tama na iyan...baka lalo lang malungkot si Sheer..." Sabi ni Natalie at hindi na umimik pa yung iba. Lalo lang talaga ako nahihirapan dahil hindi ko alam kung anong bagay na iyon. Gusto ko na sunugin yung bagay na iyon para masunog na din siya. "...kung ako ang tadhana, ano kaya ang bagay na nagpapalakas sa akin..." Sabi tuloy ni Miguel. "...posibleng yung necklace o kaya naman mahika?" Sabi tuloy ni Natalie. "...ramdam ko talaga na wala talaga sa agimat pa lang mismo pero baka...mas nasa loob pa ng agimat..." Sabi ni Ate Eleanor upang mapatingin ako sa kanya.
"..Ibig mo bang sabihin, may isa pang parang susi na nasa susi?" Sabi ni Natalie at dahan-dahan tumango. "...Sa galing niya? Hindi niyo ba na napapansin na ang talino niya? Ang galing niyang manloko, galing niya magpanggap. Kaya, sobrang talino niya. Tayo na lang mismo ang pipiga kung ano ang mga ginagawa niyang palihim." Sabi ni Ate Eleanor at may biglang pumasok sa aking isipan.
Dahan-dahan ko sinilip at bumungad sa akin ang isang madilim na lugar pero may nakita akong ilaw na kulay luntian at naalala ko bigla yung mat ani Tito Jose noon. May umudyok sa akin nalapitan at lumakad ako papasok.
Sinundan ko lamang yung ilaw na iyon at nung malapit na ako ay namangha ako sa ganda niya, isa siyang mahiwagang bato at hugis parisukat. Nalutang siya sa ilalim ng isang libro, gusto kong hawakan at i-uwi. Nung hahawakan ko sana ay may bumulong sa aking likod upang bumalik ako sa realidad at tumingin. Si Yaya.
Dahan-dahan tuloy ako pumasok at sinubukan ko talaga na maging matahimik ng mga ilang segundo. Salit-salitan ako natingin kay Tito Jose at sa susi. Nung malapit na ako sa kama ay napansin kong gumalaw si Tito Jose upang agada ko dumapa sa sahig ng dahan-dahan at hiningal dahil sa kaba. Pota!
Naghintay ako ng ilang segundo at saka kong inangat yung ulo ko para silipin siya at bumalik siya sa kanyang tinitingnan. Naglabas ako ng hininga ng tahimik at saka ko nilapit yung kamay ko sa kumikislap na bagay. Nung makuha ko na yung bagay na iyon aya agad akong inalis kamay ko at dahan-dahan tumayo sa sahig. Naglakad sa kanya ng paatras at nung nas amay pintuan na ako ay tahimik kong sinara yung pintuan at saka na ako tumakbo paalis.
Hindi ako makapaniwala na nakuha ko na itong bagay na ito! Bumalik ako sa kuwarto ko at tiningnan ko yung bagay na iyon at isa pala siyang mukhang susi at kumukislap yung parang gem na nasa gitna ng mga ilang segundo. Kakaiba ang kanyang itsura at mukhang mamahalin talaga kapag isasanla ko ito sa sanlaan.
So connected nga yung gemstone doon sa librong iyon! "Sheer? Mukha kang napatulala diyan." Rinig kong sabi ni Miguel upang bumalik ako sa realidad at napatingin sa kanila. "Ha-haaa???" Sabi ko. "..,mukha kang nakatulala diyan kanina pa...at parang malalim din iniisip mo." Sabi ni Natalie. "Ah. Hindi ano kasi, iniisip ko yung sinabi ni Ate Eleanor na may susi pa sa loob ng isang susi. Naalala ko kasi nung nililigtas namin si Joshua ay may napasok akong silid na may green light sa isang libro. At naalala ko din yung gemstone sa susi niya. Kaya naisip ko na baka connected sila sa isa't isa." Sabi ko at nagulat sila sa aking sinabi.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Novela Juvenil[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...