Kabanata 30

11 0 0
                                    

Kabanata 30



Sobrang tuwa ang aking puso ngayon dahil nakita kong masaya siya sa akin habang naglalakad? Wala na akong pakielam kung bakit siya nagalit sa akin nung gabing iyon dahil ramdam ko na kinalimutan na niya. Ang alam ko lang mahal ko siya at mahal niya ako.

Pagkalapit niya ay may inilabas siyang kumpol ng petunias galing sa likod niya. "Para sa iyo ito, aking mahal." Sabi niya na nakangiti upang mag-blush ako mapangiti sa kanya. Kinuha ko sa kanya at ilang sandali ay may narinig akong boses na nakanta at mga insturmento. Tumingin ako sa likod at nakita ko sina Bergilio at si Tonyo na papunta sa amin na may hawak na gitara at iba ring mga magsasaka. Napataka tuloy ako kung bakit may pakanta pa, baka plano na naman nito ni Joshua. Ang kantang kinakanta nila ay love song pero makaluma siya.

Nung paglapit nila ay tinapos nila ang kanta at hindi ako makaimik dahil sa nangyari. "Yown!! Masaya na silang dalawa!" Sabi ng isang magsasaka. "Oo nga! Nagandahan ka ba sa kanta ng ginawa ng iyong nobyo?" Sabi ng isa pang magsasaka at lalong nagulat ako. So yung lyrics ay gawa ni Joshua at NOBYO??? HINDI KO PA—

"Ay teka nga muna, parang hindi pa ata sila nagkakausapan sa isa't isa." Sabi ni Bergilio at um-oo si Tonyo. "Hayaan muna natin silang dalawa para mag-usap sila sa isa't isa." Sabi ni Tonyo at umalis na silang apat. So Mag-uusap kami ni Joshua?? Tumingin ako kay Joshua na nakangiti pa rin upang mapatalikod ako sa kanya at sobrang init na ng aking pisngi. BAKIT BA ANG POGI KASI NITO GRRRR!!! KULANG NA LANG HALIKAN KO ITO SA LABI EH!

"Sheer." Rinig kong sabi niya upang maging istatwa ako sa aking kinatatayuan, ramdam ko ang aking tibok ng aking puso na sobrang kabog ng kabog. Laging natibok ang puso kung sakaling tatawagin niya ako gamit pangalan ko. "Ye-yeah??" Kabado kong tanong sa kanya. SHet bakit ako kinakabahan?!?!? Ilang segundo ay hinawakan niya aking dalawang balikat at hinarap sa kanya upang magulat ako at bigla niya akong niyakap. "...Pasensiya kung binuhos ko ang galit ko sa iyo nung gabing iyon..." Sabi niya at hindi ako makaimik.

"...Alam kong wala kang kasalanan...pero lamang dahil sa nangyari sa amin dahil sa ginawa ng tatay mo sa amin...lalong uminit at gusto kong magsimula ng away sa pagitan ng ating pamilya...ginusto kong kalimutan ka, iwan ka, at lumayo na sa iyo pero...ikaw pa rin ang sinisigaw ng aking puso..." Sabi niya at nagulat ako sa kanyang sinabi. Ansakit ng sinabi mo. Arayyy. "...Oo, ako ang gumawa ng kanta dahil iyon ang sinasabi ng aking nararamdaman..." Dagdag pa niya at hindi man ako makaimik.

Ilang sandali ay bumaklas siya sa akin at nginitian niya ulit ako, hinawakan niya ang aking pisngi. "...Gusto ko sana malaman mo na....mahal kita Sheer..." Sabi niya at hindi ako nakagalaw. Na-eewan ako sa kanya na naman. ..."ikaw sinasabi ng puso ko...mahal kita Sheer...sasamahan kita palagi...at ikaw lamang ang aking mamahalin..." Sabi niya at lumaki mga mata ko. WAHHHHHHHHHHHHHH KINIKILIG AKO NG TODO DITO! FIRST TIME KONG MAKATANGGAP NG GANOON!!!

"...Ramdam ko rin na noon din ay may gusto ka na sa akin at mahilig ka pang umiwas sa akin para lamang hindi tumibok ang puso mo..." Sabi niya at kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa may nguso niya at saka hinalikan. Umiwas ako ng tingin at ako napangiti tuloy ako. SHET! NAPAKA GENTLEMAN MO NAMAN JOSHUA!

"Oh bakit ka napapangiti?" Tanong niya upang mapatingin ako sa kanya at hindi nakaimik. "Nakakatawa ba sinabi ko sa iyo?" takang tanong niya upang mapatingin ako. HALA? "kinikilig lang ako anuba!" Sabi ko upang mapangiti siya at binitawan niya kamay ko. "Hindi pa rin talaga mawawala sa iyo ang kasungitan." Sabi niya at inirapan ko siya at umiwas ng tingin. "...Pero nais ko sana hilingin sa iyo na bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sa iyo ang aking pagmamahal..." Sabi niya upang mapatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay parang nagmamakaawa.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon