Chapter Fifteen
Kinakabahan man ay pilit kong kinakalma ang sarili ko. Nandito kami ngayon ni Dee sa harap ng hotel na pag aari raw ng asawa ni Madam Aly. Dito kasi gaganapin ang Acquaintance.
Dati, nakikita ko lang ang Hotel na ito sa mga Magazine. Ngayon, heto. Nasa harap na ako nito para dumalo sa pang sosyaling event.
"Nasa hallway naman na tayo ng Hotel, pero bakit parang traffic rin rito? Pakitanaw nga Manong Gelo." Utos ni Dee sa kanilang driver.
"Opo Ma'am." Lumabas naman ang driver mula sa sasakyan para tignan kung ano ang meron at bakit hindi pa rin kami nakakausad.
Makailang saglit pa ay agad na bumalik sa loob si Manong Gelo.
"Ma'am, parang may media na naroon. Umattend din kasi ang mga artista niyong schoolmates."
"Oh shoot. I bet, yung mga bida bida yan ng Brent."
"May mga estudyanteng artista ang Brent?" Tanong ko kay Dee.
"Of course My Dear Twinny! Sina Avah Zubiri, Angel Smith and Alexa Rivera. The bida bida trios." Aniya. "Scarlett is a celebrity also but hindi naman bida-bida, maarte lang."
Natawa ako sa sinabi na yun ni Dee. Oo, may pagkamaarte nga yung Scarlett. Kabaliktaran ng kakambal niya.
"Another shoot. I bet sasakyan na yun nina Echo na sinusundan ng car ni Matteo na sinusundan naman natin."
"That means..."
"Anjan si Stellar." Tukoy ni Dee sa sasakyan na sinundan namin.
"Okay..." Tanging sabi ko. Halos lahat ng nakakasalamuha ko sa klase, merong date. Ako naman, nagpunta lang dahil required.
Makailang minuto pa ay sasakyan naman namin ang nasa pinaka entrance ng hotel. Agad na bumaba si Manong Angelo at pinagbuksan si Dee ng pinto ng kotse. Agad ring bumaba si Dee at kasunod nun ay ang mga ingay ng mga schoolmates namin.
Expected ko na ganun ang magiging reaction nila kay Dee. Sikat kaya ang Twinny ko.
Pagkababa ni Dee ay sunod na rin ako na bumaba ng sasakyan. Agad namang nahagip ng mga mata ko si Echo na nasa loob na ng Hotel at nakatingin lang din sa akin.
"Twinny? Are you okay?" Tanong ni Dee at napatingin din siya sa direksyong tinitignan ko.
"Oh, kaya naman pala tulala." Panunukso ni Dee, sinamaan ko siya ng tingin dahilan para tumawa na naman. "Let's go inside. I bet maraming foods diyan. I heard, kinuha nila ang service ng Catering Business nina Isaiah. Kailangang manguna tayo sa buffet." Bulong niya habang naglalakad kami papasok sa loob.
Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang napaka gandang loob ng Hotel. Parang hindi lang ito basta hotel sa sobrang laki at sobrang ganda. Nababalot rin ito ng magaganda at magagarbong palamuti ang paligid. Meron ring mga nagliliparang paru-paro.
"Ang ganda pala dito."
"Oo nga eh. Pero may iba pa silang branch na mas maganda at mas malaki pa rito. I'm telling you, lalo na ang China and South Korea branch nila."
Totoo ang sinabi ni Dee, talagang malaki ang hotel na ito. Tumingala pa ako at nalula dahil sa hindi mabilang kung ilang floor ito. Siguro nasa 20-40 floors ito.
"Nakakalula."
Dee chuckled.
"Tara na nga sa Function Hall nila. Kanina pa raw dito si Abu--- ay omg, mag-cr lang muna ako saglit Twinny ha. Just wait me there or puwede namang mauna ka na pag may nakita kang classmate natin, sumabay ka na."