Chapter Five.
Patapos na ako sa shift ko at nagliligpit na lang kami ni Steffany ng mga gamit dito sa shop.Wala na rin gaanong tao at magsasara na rin kami dahil pasado alas nuwebe na ng gabi.
Habang nagma-mop ako ng sahig ay nilapitan ako ni Madame Lorraine,siya yung boss ko dito sa Sweet Cab pati na rin ang asawa niya na Chinese.Bumisita nga yun kanina dito.
"Carmela?"
"Yes,Madame?" Magalang na sagot ko rito saka sandaling itinigil ang pagmamop ng sahig.
"About earlier,sorry about my Mom.Don't worry,wala ako balak na tanggalin ka dito.Ang sipag niyo ni Steffany,ang husay niyo sa salestalk." Aniya.
"Naku,salamat po Madame.Huwag po kayo mag-alala,mas pagbubutihin ko pa po lalo ang pagtatrabaho dito!"
"I'm so glad to hear that.Basta,huwag na lang sana maulit yung nangyari kanina ha?"
"Opo." Sagot ko naman kay Madame.
"O siya,mauuna na ako.Pagkatapos niyan,kumuha lang kayo ng pagkain dito at umuwi na kayo para makapagpahinga kayo ha?Isara niyo nang mabuti ang shop.Mag-iingat din kayo pag-uwi." Pahabol pa ni Madame saka ito lumabas at sumakay na sa nakaparada nito na kotse habang ako naman ay pinagpatuloy ang pagma-mop ng sahig.
"Carmela,ayos na yan!Tara na at pinapakuha na tayo ni Ma'am Fhaye ng pagkain sa loob para makauwi na raw tayo!"Sigaw naman ni Steffany sa akin mula sa kusina ng shop.Itinabi ko na muna ang mga panlinis sa storage room bago pumunta ng kusina kung saan nandoon na si Ma'am Fhaye at Steffany.
"Okay lang ba talaga na kumuha ng pagkain ngayon dito?"Tanong ko kina Steffany at Ma'am Fhaye.Sa lahat kasi ng pinasukan ko na trabaho,ito lang ang nagbigay ng libreng pagkain bago umuwi.
"Oo.Ganun talaga si Madame at araw araw to para naman daw malaki ang matipid niyo." Sagot ni Ma'am Fhaye saka iniabot sa amin ang tig isang plastic na kung saan nakalagay ang tupperware na naglalaman ng pagkain namin."At ito naman ang sweldo niyo sa araw na ito." Saka rin inabot ang 500 na siyang sweldo ko sa araw na ito.Sapat na ang 500 na ito para sa pambaon ko sa araw-araw at ang matitira rito ay itatabi ko muna para maipambili ng cellphone.
"Maraming salamat po,Ma'am Fhaye."
"Walang anuman.O siya,magsibihis na kayo at nang pare-pareho na tayong makauwi.Isasabay ko na kayo sa kotse at baka mapagtripan pa kayo ng mga loko sa daan."
At ganun nga ang nangyari. Isinabay kami ni Ma'am Fhaye sa sasakyan niya matapos namin isara ang shop. Una naming inihatid si Steffany sa kanila at ako naman ang isinunod ni Ma'am Fhaye.Magkabilang barangay lang naman pala kami ni Steffany kaya sa susunod,sasabay na lang ako sa kanya.
"Dito pala ang boarding house niyo?" Tanong ni Ma'am Fhaye nang maihatid niya ako sa harap ng Boarding House namin.
"Ah opo,Ma'am."
"Kilala kasi namin nina Madame ang may-ari niyang bahay na yan e.Isa kasi sa mga Business Partners nila ang mga Lausingco."
Ganun na lang ang gulat ko.Business Partner pala nina Madame sina Miss Erael?Grabe, ang liit nga pala talaga ng mundo.
"Mauuna na ako,Carmela.Pumasok ka na rin sa loob."
"Opo,Ma'am.Salamat po at ingat po kayo sa pag-uwi."Bilin ko kay Ma'am Fhaye at tumango lamang ito bago nito pinaandar ang kotse niya.
"Ang bilis mo namang umasenso,naka de-kotse ka na agad Mela!" Salubong sa akin ni Sica mula sa bintana ng bahay.Tumingala naman ako sa kanya bago umakyat sa hagdan na papasok ng bahay.
"Loka!Sa manager namin yun,si Ma'am Fhaye."
"Ay,akala ko pa naman sa lalaki yun.Sayang,akala ko pa naman magkakatagpo na kayo ng destiny mo dito sa Maynila."
