AGNC 7

62 5 26
                                    

Chapter Seven

"Bye, Carmela." Kumawaysa akin si Steff bago kami maghiwalay na dalawa.

"Mag iingat ka." Habo na bilin ko pa.

Sumakay agad ako sa dumaang jeep. Medyo madami ang mga costumer ngayon kaya banat na banat ang buto ko. Kanina pa din nagbabardagulan iyong magkapatid.

Kinibit balikat ko nalang iyon.

"Hey Twinny!" Nagulat ako sa biglang pagbangga ni Deedee nang balikat nya sa akin.

"Twinny?" Kunot noo kong tanong.

"Yes! Twinny kasi you know we're like twins!" Hinaplos nya ang buhok nya at ngumiti.

Si Deedee maganda na mabait pa. Ang swerte ko naman at naging kaibigan ko pa sya.

"Anyway, sakit ng ulo ko. Tinapos ko research ha! Para ready na us sa presentation!"

Inayos ko ang mga libro na kaharap ko, hiniram ko pa sa library ito kanina pagkatapos ng first subject.

"Can I ask you something?"

"Tungkol saan?"

Sinalo ng kamay ny ang baba nya at humarap sa akin.

"Nagka-boyfriend ka na?"

Kumurap kurap ako. "Wala sa isip ko."

Ngumuso sya. "Bakit? Crush? May crush ka?"

Umiling ako.

"Boring naman." Tumawa sya. "Joke lang. Eh, ngayon? Wala ka pa din nagiging crush?"

"Aral nalang tayo."

Humalakhak sya. Sinuway nga lang sya ng mga iba pa naming kaklase. Huminto sya at pinakita ang peace sign nya.

"Kwentuhan mo naman ako about your life, Twinny. I wanna know you better."

"Laking ampunan ako, may kapatid akong bata pa sa akin."

"Mahirap?" Puno ng curiousity ang mata nya.

Tumango ako. "Pero kakayanin. Para sa mga pangarap ko."

"Ang cool, ngayon lang ako naka-encounter ng tao na ang mindset ay sa pangarap lang talaga." Umismid pa sya nang pasadahan ng tingin ang paligid. "Mostly mga bitchy ang nakakasalamuha ko, akala mo naman..."

"Iba iba naman tayo ng mga mindset."

"You're working din ba?" I nodded. "Saan? Bisitahin kita minsan, may isasama ako."

"Sa coffee shop lang na around lang sa area na ito." Ayan, nahahawa na ako kay Dee sa pagiging conyo. "Sino isasama mo?"

"Special someone." Humagikhik sya. "Ay harot! Ipapakilala ko sayo soon, Twinny."

Mabilis lumipas ang araw. Puro mga graded recitation lang at biglang quizes ang nangyari, mabuti nalang at nagbasa basa ako ng mga notes namin kagabi kaya sure akong hindi ako kulelat.

"Torres," last minute call ni Sir Lacerna dahil malapit nang magtime ang klase nya.

Napagawi ang tingin ko kay Echo. Kaswal syang tumayo at may ingat na binanggit ang tamang sagot sa tinanong ni Sir. Saglit akong namangha.

"Okay, class dismissed!"

Lahat ng mga kaklase ko ay tumayo na at kanya kanya nang labas sa room. Tahimik kong niligpit ang mga gamit ko at maingat na binuhat ang bag pack ko.

"Twinny! Babye! Ingat ikaw!" Cheerful na bati ni Deedee nang dumating na ang sundo nya. "Ay! Sabay ka na pala sa akin! I'll drop you sa work mo."

Hindi nya ako hinayaang makareact at agad na hinila sa sasakyan nila. Namamangha akong nakaupo doon. Nakakasakay naman ako sa sasakyan dati, may private van ang Bahay Parola.

A Girl Named CarmelaWhere stories live. Discover now