Chapter Fourteen
"Let's go shopping!"
Heto kami ni Deedee ngayon, nasa mall kami ngayon. Sinabi niya kasi na sale ngayon sa Mall kaya naman pumayag na ako sumama. Gusto ko kasi tumingin ng mga libro, nag-sweldo na kasi kami kanina kaya gusto ko na bigyan ng reward ang sarili ko at mailibre naman si Dee.
Walang wala pa nga itong treat ko kay Dee kumpara sa mga nagawa niya para sa akin. Pero atleast inuunti-unti ko ang pagtanaw ng utang na loob sa kanya. Katulad na lang ngayon, nandito kami sa KFC ngayon at nilibre ko siya ng dinner.
"Gusto ko sana na ako na ang sumagot nito eh. But you insist." Sambit niya habang pareho naming inienjoy ang inorder namin. "Thank you ha. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na nilibre."
"Pasensya ka na ah. Yan lang kasi ang kaya ko."
"Ano ka ba, Twinny? No worries, hindi naman ako maarte. Slight lang naman." Natatawa pa niya na sabi saka uli kami kumain.
Matapos naming kumain ay dumiretso kami sa mga boutique na nag-sale ngayon.
Ngumuso din sya kapagkuwan, "Thank you, Twinny. Di ko naeexperience malibre pero ginawa mo."
"Way ko din naman ito para magpasalamat sa lahat ng tinulong mo sakin."
"Pero di naman kasi ako humihingi ng kapalit." Pabiro syang umirap. "Alam mo lang iyong parang may connection tayong dalawa? Kaya parang instinct ko na tulungan ka when you needed help."
Sa totoo lang, sobrang na-touch ako sa sinasabi ni Deedee. Dati, bago ako lumuwas ng Maynila, nakatatak sa isip ko na si Sica lang ang tanging magiging kaibigan ko kapag nagsimula na akong mag aral. Iyon lang naman kasi ang puno't dulo ng lahat ng ito, ang maabot ko ang mga pangarap ko. Hindi ko lang din inaasahan na bibigyan ako ng isa pang kaibigan na magpaparanas sa akin na kahit isang beses sa buhay, kailangan ko ding magsaya.
Humawak si Dee sa braso ko habang naglalakad lakad kami pampababa ng kinain namin. May mga dala nga din kaming paper bags. Pero karamihan sa binili ko ay para kay Kate, medyo nahihiya na nga din ako kay Miss Zarsuelo na nag aabala pa syang bigyan kami ng mga gamit. Maano namang bigyan ko ang kapatid ko ng galing sa akin mismo.
"Oh! I think I saw Echo or was he?"
Nakita ko nga din ata pero hindi ko nalang pinansin, kaso si Deedee...
"Echo! Hi Man!" Kumaway sya.
Nahinto si Echo at bumaling sa amin... sa akin. Nagkatitigan kami bago sya nagbawi ng tingin.
"May date ka?" Patuyang tanong ni Deedee.
Umangat ang gilid ng labi ni Echo.
"Ano sa tingin mo, Mary Divine?"
Lumukot kaagad ang mukha ni Dee at inabot ang buhok ni Echo, natatawang nilayo ni Echo si Dee sa kanya.
"I told you, don't call me by my full name!"
"Sisihin mo si Tita Vien." Tatawa tawa pang sabi ni Echo. Napasulyap sya sa akinkaya umayos ako ng pagkakatayo.
Inakbayan na nya si Deedee. "Saan kayo?"
"Pauwi na."
"Alright. Take care you two."
"Take care daw, Twinny."
Kumurap ako sa panunukso na naman ni Deedee sa amin. Echo chuckled. Parang tanga namang ang bilis na nagreact ng dibdib ko.
"Masyado ka ng madaming alam, Dee."
Umaktong napasinghap si Dee at humawak sa dibdib nya.
"Is this the part where you will kill me na?"
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)