Chapter Twenty Six
Maaga akong pumunta sa School para mag-register at mag-submit ng Requirements para sa Exchange Student Program ng Brent dahil ito na ang last day of Registration. Habang naglalakad ako, di ko maiwasan makita at marinig ang mga panghuhusga ng mayayamang estudyante sa akin.
"Umaasa ka pa rin jan, Carmela? Si Echo nga na mayaman, lumayo sayo. Yan pa kayang chance na maging Exchange Student?"
"Masyado nang tumataas ang expectations mo, di mo naman kayang abutin." At nagtawanan sila.
Buong tapang kong hinarap ang mga nagsabi sa akin nun.
"Wala namang mawawala sa akin kung di ko susubukan. Atleast ako may pinagkakaabalahan, may pangarap. Kayo ba? Kayong mayayaman, wala naman kayo ginagawa kundi magbilang lang ng pera at mang alipusta ng mas mababa sa inyo."
Matapos ko sabihin ang mga bagay na yun ay iniwan ko silang tila ba natahimik sa mga sinabi ko. Totoo naman eh. Kaya lang naman sila mayaman dahil sa mga magulang nila at hindi sa sarili nilang sikap.
Nakasalubong ko pa sina Echo at Gladyz pero di na ako nag-abala pang batiin sila kahit pa tinatawag ako ni Gladyz. Alam ko naman kung bakit nila ako gustong kausapin, dinidistansya ko na lang ang sarili ko at baka may masabi na naman ang Senyora nila.
Kahit mahirap ako at ulila, kailangan ko maging matapang lalo na sa mga ganitong uri ng sitwasyon. Tinuruan ko rin naman ang sarili ko kahit papaano na huwag magpapaapi.
"Ito na po ang receipt nyo." Masuyong sabi ng registrar matapos iabot nito ang isang papel, isang patunay na registered na ako para sa mapipiling Exchange Students. 20 lang ang tatanggapin at sana mapasama kami ni Sica roon.
Naglalakad na ako papuntang Painting Shop nang biglang mag-ring ang phone ko. Tinignan ko naman at nakita sa screen na si Darren ang tumatawag.
"Oh? Napatawag ka? May ipapaturo ka? Tapos na School Year niyo ah?"
"Hindi Ate Mela, pinapatawag ka kasi ni Mommy. Pumunta ka dito sa bahay. Mukhang seryoso ang pag-uusapan niyo."
"Ay, sige. Papunta na ako." Sabi ko at ibinaba ko na ang tawag.
Nagmamadali ako papunta sana ng sakayan papunta kina Dee nang may humintong Mustang sa harap ko at nagbukas ang bintana nito.
Si Abraham lang pala.
"Papunta ka kina Dee? Sabay na tayo."
"Baka kung saan mo na naman ako dalhin, Abraham?"
"Wala akong balak sundan si Jewel ngayon. Tara na." Yaya nito at narinig ko na may kung anong nag-click sa loob ng kotse at lumabas si Abraham. Nagmukha itong Gentleman kasi pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse.
Papasok pa lang sana ako sa sasakyan nang matanaw ko sa di kalayuan si Echo, nakatayo lang ito sa School Gate at masama ang tingin sa aming dalawa ni Abraham. Lumapit naman si Abraham ng kaunti saka may kung anong binulong sa akin.
"Don't mind him. Hayaan mo syang mamatay sa inggit sa atin ngayon." Aniya at tinulungan niya akong pumasok sa sasakyan pero bago yun mangyari ay narinig namin ang boses ni Echo.
"Kaya ba ganun ka na lang kung sumuko, Carmela?"
Huminga ako ng malalim bago ko siya nilingon.
"Ipapaalala ko lang sa'yo Echo. Sa ating dalawa, hindi ako ang naunang sumuko. Hindi ako yung naging duwag." Sagot ko rito.
"Pre, tigilan mo na si Carmela para tigilan na rin siya ni Tita Thea!"
"Kaya mo ba ako pinapatigil para mapunta na siya sa'yo Abraham?"