Chapter Twenty Seven
"Mela! May tawag sa'yo sa landline, taga Brent daw!" Sigaw ni Ate Pat habang abala ako sa pagpipinta sa silid ko. Tinatapos ko kasi yung painting na ginawa ko para sa amin ni Kate.
"Andyan na!" Sagot ko at nagmadali akong lumapit sa kanya at iniabot niya sakin ang telepono.
"Hello po?" Bati ko habang naghihintay sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello, is this Miss Carmela Crabajales?"
"Ako nga po."
"I'm Maria San Jose, one of the organizer para sa Exchange Student Program. Hindi ka na sana tatanggapin kaya lang nagback-out yung isang student at ikaw na yung nasa sunod na slot. Congratulations, isa ka sa napili para pumunta sa Seoul."
Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko. Totoo ba ito? Hindi ba ito prank?
"Talaga po?"
"Yes, just send us your details and ang mga Villaruz na ang bahala sa Visa, ticket, passport at iba mo pang kailangan. Have a great day!" Aniya saka ibinaba ang tawag.
"Twinny!" Sigaw ni Dee. Mukhang alam na rin niya ang balita. "Congratulations!" Bati niya at niyakap ako.
"Salamat!" Maluha-luha ko na sabi. Hindi ko akalain na may magba-back out at ako na tuloy ang napili.
"Oh? Why are you crying?" Tanong nito at pinunasan niya ang mga luha ko pero ngumiti ako sa kanya.
"Tears of joy lang and at the same time, nalulungkot kasi maiiwan ko si Kate."
"Ay!" Ngumiti ito ng nakakaloko. "Speaking of the which..." Nagpunta ito sa may bungad ng pinto namin at may sinenyasan at may narinig akong mga yabag.
"Kate!" Si Kate ang dumating at sinalubong ako ng yakap. "P-paanong? Akala ko susunduin kita?"
"Sinundo ako ni Ate Dee at Kuya Jc kanina sa probinsya. Gusto ka raw nila kasi isurprise." At tumingin ito kay Dee saka ngumiti. " Salamat Ate!" At niyakap pa nito si Dee.
"You're very much welcome, Kate! Ano? G tayo sa bahay? Nagluto si Mom ng mga favorite ni Kate!"
"Naku, parang mas-spoil ang kapatid ko rito ah." Natatawa ko na sabi. "Oh siya, tara na. Kunin ko lang yung bag ko." Paalam ko at bumalik ako ng kwarto para kunin ang dapat kong dalhin saka tinakpan ng puting tela ang painting na ginagawa ko kanina.
***
Aliw na aliw na nakikipagkwentuhan ang pamilya ni Dee kay Kate. Tila daw ba namiss nila pagiging bata ni Dee at pareho pa raw sila ng ugali ni Kate.
"Kate, you are always welcome here anytime you want ha." Nakangiting sabi ni Tita Vien.
"Yes po, Tita. Maraming salamat po pala sa mga inihanda niyo para sa akin at sa mga gifts po."
"Wala yun. Para na naming anak ang Ate Carmela mo kaya parang anak ka na rin namin." Dagdag pa ni Tita Vien saka bumaling sakin. " Ah Carmela, naasikaso mo na ba ang mga kailangan mong papers para sa visa at ticket mo? Yun na lang kasi ang kulang para sa pagpunta mo sa Korea."
"Korea po?" Singit ng kapatid ko bago tumingin sa akin. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya.
"Ganito kasi yun Kate, natanggap ang Ate mo sa Exchange Student Program ng College Department ng school namin. Ang talino kasi!" Pagmamalaki ni Darren pero imbes na matuwa ang kapatid ko, parang nalungkot pa siya.
"Ito pa nga lang Laguna't Maynila ang layo natin, mas lalo pa pala tayo magkakalayo Ate. Tapos di mo man lang sinabi sa akin." Tila ba may pagtatampo sa tono na yun ni Kate. Nakonsensya tuloy ako kasi hindi ko man lang sinabi sa kanya.
