AGNC 3

46 5 30
                                        

Chapter Three

Mabilis ang bawat kilos ko para sa pag aayos dahil ayaw kong mahuli sa unang araw ng klase ngayon.

Kanina pa ako kinatok ni Sica sa silid ko at sa tingin ko, kanina pa sya tapos mag ayos. Kahapon palang kasi ay excited na talaga si Sica.

"Oy, Mela, di ka pa tapos?"

"Eto na!" Sigaw ko bago hinablot ang bag ko at tiningnan kung ayos na ba ang itsura ko sa salamin doon.

Since, unang araw palang ngayon at freshmen palang kami, nakasuot lang ako ng isang plain jeans, simpleng tshirt at sapatos na galing pa kay Carmela Zarsuelo.

Naghanap talaga ako ng maayos na damit ngayon para kapag nakaharap namin ang mag papaaral sa amin ay maayos naman kaming tignan, lalo na't naalala ko na anak nya iyong nakasalamuha namin noong araw na nag enroll kami, baka malait na naman ng hindi oras ang suot ko.

Lulan ng tricycle ay nakrating kami agad sa Brent University. Kapag tinititigan ko talaga ito,nalulula pa din ako.

May mga iilang estudyante na ang pumapasok sa loob. Chinecheck lang ng guard iyong stamp na inabot sa amin sa registar para masigurong estudyante kami dito.

"Scholar kayo dito?" Tanong noong isang guard. Iba kasi ang kulay ng stamp ng mga scholar sa nga regular na estudyante.

"Opo, manong." Sagot ko.

"Diretso muna kaayo sa opisina ni Madam Aly. Doon nagtitipon tipon ang mga scholar nya."

Ngumiti ako at tumango doon. Sabay kaming naglakad ni Sica papunta doon sa opisina. Tinuro naman iyon ng guard sa amin kaya dumiretso kami doon.

Double doors ang sumalubong sa amin pagkaliko namin. Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang seradura. Sinungaw ni Sica ang ulo nya doon at sumunod ako.

"Good Morning po," bati namin pareho.

Tumayo ang isang ginang na nakaupo sa edge ng table nya at ngumiti sa amin. Kahit ngumiti sya bakas pa din ang kamalditahan sa mukha nya. Ay! Ano iyan, Carmela! Lahat nalang napansin mo!

"Good Morning" Pormal na sabi ng Ginang na nagngangalang Mrs.Aliana Monteverde-Wu. Kamukhang kamukha niya talaga yung babaeng maarte kung magsalita na nakasalubong namin noong nakaraang araw.

"Have a sit" paanyaya pa ni Mrs.Wu saka ito naupo sa swivel chair niya. Naupo naman kami sa dalawang upuan na kaharap niya.

"Since hindi tayo nagkaharap noong enrollment,ngayon ko gusto ipaalam sa inyo ang rules ko sa inyo as my scholars." Paninimula nito saka inabot sa amin ang tig isang papel.

1.Hindi dapat makakuha ng bababa sa 1.5 ang grades.

Grabe naman! Hindi ako makakasigurado na makukuha ko yung target grade. Patunay nga talaga ang rule na to na High Quality talaga ang Brent.

2.Attendance is a must.

Okay,wala namang problema sa rule na ito dahil una sa lahat,pumapasok pa rin ako may sakit man o wala.

3.You must maintain full time enrollment.
4.You must earn a minimum 18 graduate hours at the end of each academic year

Apat lang pala ang rule,nasasayangan tuloy ako sa bond paper na ginamit para dito.

"So I think,naiintindihan niyo naman siguro ang rules ko?"

"Yes,Ma'am."

"Dismissed.Go to your respective rooms now.Kailangan every end of month,ipapakita niyo sa akin ang card niyo.Understood?"

A Girl Named CarmelaWhere stories live. Discover now