Chapter 29
Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko from Seoul, South Korea. Medyo hassle nga lang dahil sa ilang fans na nagpapapicture sa mga nakasabay naming K-Pop Idols at sa Korean Actor na si Park Seo Joon na balita ko ay may mga Fan Meeting na gaganapin dito sa Pilipinas.
Bakit ba naman kasi first class ang pinabook ko? Sana pala doon na lang sa lower class para atleast payapa ang pagbiyahe ko.
Four Hours ang naging travel hours ko at sa four hours na yun, nanood lang ako ng movie.
I took off my shades as I stepped out of the plane at tahimik na pinagmasdan ang kabuuan ng paligid. Wala pa ring pinagbago, mainit pa rin talaga sa Pilipinas and after that, dumiretso ako sa loob ng airport to fetch my luggage at Baggage Claim Area at didiretso na ako sa Arrival Area.
I was expecting Dee to fetch me out from the airport but it turns out na may lakad pala sila ni JC. Eh di sana all, may boyfriend. Sana all, matibay ang relasyon. Ako, wala pang dalawang buwan e ligwak na!
Mabuti na lang at sinundo ako ni Manong Angelo at inihatid ako hanggang sa bahay ng mga Villaruz.
Kinahapunan, agad kaming bumiyahe ni Dee papunta sa Antipolo. Wala pa rin pala pinagbago ang traffic sa Pilipinas. Forever na ata to.
E di sanaol may forever.
Marami akong dalang pasalubong para kay Kate at sa mga bata sa ampunan. For sure, matutuwa sila lalo na si Mother Sylvia dahil ilang taon din kaming hindi nagkita. Nang minsan itong nagkaroon ng chance na makapunta ng Korea dahil sa simbahan ay siya namang business trip ko sa China.
Dalawang oras ang itinagal ng biyahe namin ni Dee papunta sa lugar ni Kate, sa Barangay San Luis.
Nang marating ko ang lugar na kung saan nakatira ang kapatid ko, inabala ko ang sarili ko muna sa pagtanaw ng kapaligiran dito. Hindi mahahalata na Subdivision ang lugar na ito dahil iilan pa lang naman ang bahay.
"Malapit na tayo." Si Dee. Siya kasi ang nagdadrive. Hindi na namin inabala pa si Manong Angelo dahil may emergency daw sa kanila kaya uuwi ito ng probinsya ngayon din kaagad.
Makailang saglit pa ay tumigil ang sasakyan ni Dee sa isang Two-Storey House. Sa tingin ko, ito na ang apartment ni Kate dahil natatanaw ko siya ngayon sa harap ng gate.
"Hi, Ate!" Salubong sa akin ng kapatid ko na si Kate nang makalabas na ako sa kotse ni Dee. Agad naman kami nagyakapan ng kapatid ko ng sobrang higpit! 2 years din kami hindi nagkita at tanging kay Deedee na lang kami nagbabalitaan noong hindi pa uso ang touchscreen na cellphone at hindi pa uso ang social media noon.
"Kamusta ka na?" Dalagang dalaga na nga talaga ang kapatid ko. Noong iwan ko kasi ito sa pangangalaga ng katiwala nina Dee noon, hanggang balikat ko lang to eh pero ngayon mas matangkad na sa akin! "Okay ka ba naman dito?"
"Oo naman, Ate. Mababait naman ang mga tao dito kaya hindi ako masyado malungkot dito. Pasok na tayo sa loob, may ipapakilala nga pala ako. Nasa loob siya." Masayang sabi ng kapatid ko. Siguro nga, may boyfriend na ito at yun ang ipapakilala niya sa akin. At kung sino man siya, sana huwag niyang sasaktan ang kapatid ko.
Agad na pumasok na kami sa nirerentahang bahay dito ni Kate. Hindi siya ganung kaliit at hindi din ganung kalaki at meron ring mini garden. Well, mahilig talaga kasi sa halaman ang kapatid ko kaya yung may garden talaga ang kinuha niya.
Pagpasok namin ng bahay, bumungad ang napaka linis na bahay. Masipag din kasi sa gawaing bahay ang kapatid ko at ayaw din niya ng may mga kalat. Sino ba naman kasi ang gugustuhing magkaroon ng makalat na bahay diba?