Chapter 11
"Kupal talaga ni Jewel, kunyaring hindi interesado kay River. Dinedate pala patalikod."
"Huwag mo munang pangunahan, baka kasi mamaya nagkita lang sila or ano." Sabi ko.
"Kilala ko likaw ng bituka ni Jewel."
"Parang ikaw?"
Ngumisi sya. "Damn. Each passing day, you were really sounded like Deedee. Layuan mo na yun."
"Kaibigan ko iyon ha! Grabe ka." Hinampas ko pa ang braso nya.
Tumawa sya at hinawakan ang kamay kong pinanghampas ko sa kanya. Hinawakan nya iyon kaya nataranta ako pagbawi noong kamay ko.
"Diring dir lang, Carmela?"
"Ayusin mo kasi, Abraham."
"Maayos naman ako ah."
Umirap ako. Nakarating kami sa university at agad akong bumaba sa sasakyan nya.
"Kahit tumakbo ka pa, late na tayo." Aniya sa likod ko.
"Abraham, hindi naman kasi performance mo ang maaapektuhan dito. Iyong akin."
Sumeryoso ang mukha nya at hinila na ako para mas mabilis kaming makatakbo sa room namin. And guess what? Nakita naming lumabas na ang prof namin doon.
Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Paano ako mag eexplain sa susunod na meeting?
"Carmela..."
Hindi ko pinansin si Abraham at tumalikod na. Wala sa sariling umupo ako sa isa sa mga benches doon, naramdaman ko din namang tumabi si Abraham sa akin. Bumuntong hininga sya.
"I'm sorry. Nalimutan kong scholar ka nga pala."
"Okay lang, isang beses palang naman pero sana hindi maka-apekto sa performace ko."
Tinap nya iyong balikat ko. Nilingon ko sya.
"If anything bad happens, sabihin mo lang pangalan ko. Willing akong akuin lahat dahil kasalanan ko naman talaga."
"Ang arte mo kasi," tumawa ako.
"I just really like you that much, Carmela. Iba ka sa mga babaeng nakasalamuha ko na."
Pinisil ko ang pisngi nya. Dumaing sya.
"Alam mo, na-cha-challenge ka lang sakin. Kasi nanibago kang hindi ako halos lumuhod sa harapan mo noong una kitang nakita." Umismid pa ako. Ngumisi sya.
"Pero seryoso, gusto kita."
Tinakpan ko ang tenga ko kaya humalakhak sya. Kita mo to, sayang saya eh.
"Sabihin mo lang pangalan ko, ako na bahala sa susunod na mangyayari."
"Sabi mo yan ha!"
Tumawa sya. "Oo Miss! Promise. Smile ka na, mabait naman si Madam Aliana."
Pinadaan nya sa ilalim ng ilong ko ang daliri nya dahilan para matawa ako.
"Iyong friendly date natin ha. I just want to confirm what was happening between Jewel and River. Samahan mo ako ha?"
"Bakit hindi nalang natin hayaan?"
"Nah! I'm curious."
"Abraham Moralde!" Isang matinis na boses galing kay Deedee ang narinig namin. "How dare you! Saan mo dinala si Twinny ha!? Ikaw talaga!"
"Chill! Nagdate kami."
Dahil sa sinagot nya, nakurot sya sa tagiliran ni Dee.
"Twinny, bitawan mo na si Abraham." Pagpipigil ko kay Dee.