Chapter Twenty Five
Mabilis na lumipas ang araw, parang kasingbilis lang din ng mga pangyayari at pinagpapatuloy ko pa ring inormalize ang bagong buhay na meron ako ngayon.
Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa Bistro. Para saan pa ba? Tatanggalin lang din naman ako ni Senyora kaya inunahan ko na siya sa pagpasa ng Resignation Letter na personal kong ibinigay kay Sir Maurice nang minsan ko itong naabutan sa shop ng mga Villaruz, namili pa nga siya ng painting roon.
Naging regular na empleyado na ako ng mga Villaruz sa Painting Shop nila. Sa kabila ng mga nangyari, tinanggap pa rin nila ako at sila na rin ang nag asikaso ng lahat para maibalik ang Scholarship ko.
Hindi na rin kami gaano nagkikita ni Echo dahil ilang araw na rin naman siyang di pumapasok at kung pumasok man, parang hangin na lang kami sa isa't isa.
"Oh, bakit nandito ka sa table namin? Bakit di ka tumabi dun sa napaka TAPANG mong kaibigan?" Tanong ni Dee kay Abraham at talagang pinag diinan pa ang salitang tapang, sapat na siguro para marinig ni Echo.
In my peripheral view, ramdam kong nakatingin sa amin si Echo. Kasama niya sa table nila sina Jewel at Gladyz.
Dito na rin kasi nag aaral si Gladyz."Alam kong maloko ako, pero di ako gago at duwag. Bakit pa ako makikisama sa mga ganung klase ng tao?" Sagot naman ni Abraham bago lumingon sa akin. "Ah Carmela, para sa'yo nga pala."
Iniabot sa akin ni Abraham ang isang lunch box. Binuksan ko yun at naglalaman yun ng kanin, tempura at macaroons.
"Sasama-sama pa ng tingin dito sa amin, bakit? May label pa ba?"
Binalingan ko ang pinaparinggan ni Dee at nakita kong masama ang timpla ng mukha ni Echo. Agad ko namang inalis ang tingin ko sa kanya.
"Kung makatingin, dukutin ko yang mata mo eh." Patuloy pa rin si Dee sa mga pasaring niya kay Echo.
"Dee, itigil mo na yan. Ang daming nakakarinig." Saway ko rito.
"Okay nga yun e. Para rinig ng lahat kung gaano kaduwag yang hinahangaan nila. Psh."
Nagpatuloy na lang kami sa mga kinakain namin. Habang kumakain kami ay siyang lapit naman sa puwesto namin si Miss Gladyz kaya naman automatikong napataas ng kilay si Dee.
"Can I talk to you, Carmela?"
"At di ka pa nakikipag-usap sa lagay na yan, Rejano?" Pagtataray ni Dee.
"Divine..." Saway ko rito. Natatahimik kasi siya kapag 'Divine' na ang itinawag ko sa kanya.
"K. Fine. But not here, nakakawala kasi ng appetite e."
Dinampot ko ang bag ko at nauna ako sa paglalakad namin ni Miss Gladyz hanggang sa nakarating kami sa School Garden na kaharap lang ng office of the Directress. Walang tao roon kaya doon ko napiling manatili at nauna ako sa pag-upo sa Bench na naroon.
"Ano pa ba ang kailangan niyo? Kailan niyo ba ako balak bigyan ng kapayapaan?"
"I'm not here to argue with something but... I want you to have this." Aniya at ibinigay sa akin ang isang folder.
'Don Maximo Brewery Corporation Sharesholder List.'
"Ano naman ang gagawin ko dito? May mapapala ba ako dito?" This passed few days, hindi ko maiwasang mag-taray sa mga taong may kinalaman kay Echo. I don't know pero hindi ako komportable na kausap sila.
"Read it."
Huminga ako ng malalim bago ko binuklat ang folder na yun at binasa.
"15% Senyora Thea Torres."
"15% Senyor Maximo Torres."
"10% Enrico Torres."
"5% Lorraine Torres- Chung"
"25% Martina Rejano."
"10% Gladyz Rejano."
"20% Mr.Sean Linatoc."
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)