Chapter Nineteen.
Mabilis na lumipas ang araw, linggo at buwan. Parang kahapon lang, gusto ka pa niya. Ngayon, mahal ka na niya. Bukas, sawa na siya sayo.
Biro lamang!
Tatlong buwan na ang nakakalipas at patuloy pa rin sa panliligaw sa akin si Echo. Makailang beses ko na nga itong binasted pero hindi pa rin siya tumitigil. Wala naman ako nagawa kaya hinahayaan ko na lang.
Heto kami ngayon, abala sa pag aayos ng requirements para sa enrollment namin para sa parating na Second Semester. Buwan na ng January at siyempre, umuwi ako sa Bahay Ampunan noong Pasko at eto, kina Dee naman ako nagbagong taon kasama na rin si Sica at Ate Jecel.
Noong una, gusto naming tanggihan ang alok ng pamilya ni Dee na sa kanila kami magbagong taon kasama sina Sica, Jecel at ang anak nitong si Artemis. Siyempre, nakakahiya pa rin naman kahit papaano na magsama ako ng di naman nila gaano kakilala pero nakiusap si Tita Vien na sa kanila na kami mag bagong taon. Para naman raw marami silang kasama nung araw na yun.
"Alam mo na ba ang balita?" Rinig ko mula sa isang estudyante at kasama nito ang kaibigan niya. Tourism Student. Paano ko nalaman? Dahil na rin sa T-shirt na suot nila. Pare-pareho kaming nandito sa Registrar's Office para isubmit ang mga nauna naming requirements.
"Ang alin?"
"Kilala mo ba yung kakambal ni Scarlett, yung si Stellar? Buntis daw!"
Kasalukuyan ko ring kausap nun si Dee at parehong nanlaki ang mga mata namin sa mga narinig namin.
"Talaga? Parang ang imposible. Ang manang kaya nun!"
"Totoo raw. Tita ko kasi ang kapitbahay nila!"
Sakto naman na sa pag uusap nilang yun ay ang pagpasok ni Scarlett. Mukhang narinig niya ang usapan kaya hinablot niya ang buhok nung isa sa mga estudyante.
"Pag narinig ko pa uli ang mga pinagsasabi mo tungkol sa kapatid ko, I'm telling you! Ingungudngod kita sa mainit na kape ng mga Torres!" Sambit nito bago binitawan ang buhok nito. Pasalampak na naupo yung babae at lumabas si Miss Scarlett.
Walang ano-ano na sinundan ni Dee si Miss Scarlett kaya sumunod na rin ako kay Dee. Kinuha ni Dee ang kamay nito dahilan para bumaling sa amin si Miss Scarlett.
"Ano b--- Oh, Dee. Ikaw pala." Agad na nag iba ang mood niya nang mapansing si Dee ang humablot ng kamay niya. "May paghablot, Girl?"
"Nasaan na si Stellar? Kahapon ko pa kasi hindi siya macontact." Tanong ni Dee.
Kahit ako, nagtataka. Babatiin ko sana siya ng Happy New Year kahapon ng madaling araw pero hindi ko siya ma-message sa facebook. Hindi ko malaman kung naka-block ako o naka deactivate siya.
"Oh that... I think, pag usapan na lang natin kapag tayong dalawa lang." Sabi nito habang nakatingin sa akin.
"Don't worry, siya talaga ang masasabi kong pinaka friend sa amin ni Stellar. Mapagkakatiwalaan naman si Carmela." Depensa naman ni Dee.
"If that's what you said. Hmm."
"Kasama mo ba si Stellar?" Hindi ko na napigilang magtanong. Kahit papaano, kaibigan ko rin naman si Stellar. Anti-social siya na tao pero nagrereply naman yun sa amin sa loob ng 24 hours.
"Hindi eh... Actually, kaya wala siya dito dahil na rin sa kumalat na balita."
"Oh, chismis lang naman yun diba? Bat kelangan niya umiwas?"
"That wasn't just a gossip, Dee. It's true and Matteo DUMPED HER LIKE A TRASH LAST NEW YEAR'S EVE." pansin ko na sinadya ni Miss Scarlett na lakasan at ipagdiinan ang mga huli nitong sinabi, sapat na siguro para marinig ni Matteo na nasa likuran lang niya at nagbabayad sa Cashier.
