AGNC 9

47 4 7
                                    

Chapter Nine

Weekend na at kasalukuyan ako nandirito sa Simbahan kasama sina Dee at Stellar. Katatapos lang ng klase namin sa Law kaya naisipan namin na dumiretso sa Simbahan at pagkatapos nito ay didiretso na kami sa bahay ng mga Torres.

Wala naman ako trabaho kapag araw ng Sabado at Linggo habang sina Dee at Stellar naman ay wala naman daw gaanong gagawin kaya ngayong araw namin naisipan na mag-practice ng Reporting na ipipresent namin sa Lunes at napag usapan naming apat na doon na lang kami kina Echo magpapractice.

"Amen." Sabay sabay namin na sabi para sa huling bahagi ng misa saka kami nag sign of the cross bago kami umalis sa loob ng simbahan. Dala ni Dee ang Audi niya. Iba pa ang sasakyan na ito doon sa dinala niya nung nakaraan sa Bistro Torres.

Pagpasok namin sa loob ng sasakyan ay siyempre agad na namin sinuot ang seatbelt for our safety lalo pa at si Dee ang nagdadrive, medyo matulin din siya magpaandar ng sasakyan.

"Maiba lang Girls, may plano na ba kayo for our Acquaintance Party?"

"Acquaintance?" Nagtatakang tanong ko. Bakit parang wala ako alam tungkol doon?

I mean, alam ko naman ang Acquaintance. Pero bakit wala ako nababalitaan?

Naramdaman ko na lang na pinaandar na ni Dee ang sasakyan niya.

"Outdated ka, Ghorl? Nakapost yun sa FB Page ng School. Ako ang magmimake up sa'yo ha!" Pag offer naman ni Dee. Ni hindi ko nga alam kung pupunta ba ako dahil ngayon ko lang nalaman?

"May date ka na, Stellar? Naghihinula na kasi yung kapatid mo, siguradong hindi ka raw mag aabalang pumunta doon! Sabihin mong pupunta ka. Once in a lifetime lang naman ito."

"Weird but I do have a date on Acquaintance."

"Wow, ang sarap sa ears! Sino?"

"Si Refrigerator, ewan ko ba kung ano ang nakain nun this passed few days."

"OMG, as in si Stanley Matteo?"

Nakita ko naman mula sa Rearview Mirror ang pagtango ni Stellar. Hindi ko alam kung napilitan lang ba ito sa date nila ni Matteo or napipilitang sumagot sa pa-Hot Seat ni Deedee.

"Ikaw, Twinny? Sino date mo?"

"Ngayon ko nga lang nalaman na may Acquaintance pala saka kahit naman alam ko na may parating na event, di rin naman ako makakapunta." Sagot ko ngayong ako naman ang nasa Hot Seat. "Sigurado rin naman na walang mag-yayaya ng Date na yan."

"Merong magyayaya, si Abraham nga lang. Pero kung yang kutong lupa lang din naman na yan ang magyayaya, sisiguraduhin ko na di sya aabot sa Acquaintance Day."..."Saka hey, bakit naman hindi ka aattend?

"Hindi ko kaya bumili ng magandang gown, kahit nga siguro renta e masakit na sa bulsa yun."

"Hindi puwedeng hindi ka aattend, sasabihin ko yan kay Mommy." Kontra naman ni Stellar.

"I agree! Ipapakilala kita sa designer ko, siya na ang bahala sa'yo. Whether you like it or whether you like it, you will like it!"

And again, wala na naman qko nagawa. Talo pa rin ako ni Dee but this time, may tulong na ni Stellar. Wala naman ako magagawa kundi ang um-oo na lang dahil kung hindi, hindi nila ako titigilan.

Makalipas ang halos 30 minutos na biyahe ay narating na namin ang isang Exclusive Village, ang Villa Torres. Sikat na Village ito maging sa Probinsya namin. Tirahan raw ito ng talagang mayayaman.

"Here we go." Aniya ni Dee saka ito bumusina sa harap ng pinaka malaking gate na nasa pinaka dulo ng Village. Ito na siguro ang lugar nina Echo.

Makailang saglit pa ay may dumating na dalawang guard upang buksan ang napaka laking gate na yun. Pagpasok namin lulan ng sasakyan ni Dee, bumungad sa akin ang talagang napaka laking bahay.

A Girl Named CarmelaWhere stories live. Discover now