AGNC 38

33 5 2
                                        

(After One year.)

"Nasaan na kayo? Hinihintay na kayo ni Ate." Echo called me. Kasama ko ngayon si Kuya Sean na siyang nagdadrive ng sasakyan and we're on our way to Inah's 7th birthday party. Siya yung panganay na anak ni Ate Lorraine.

"I told you, sana nagpasundo ka na lang sa akin."

"Echo, ang time consuming naman nun and I know ang dami mong ginagawa. Naghahanap ka na naman ba ng away?" I asked him. Kapag ganitong nagiging mapilit siya, naiinis ako.

Sa loob ng one year after namin magbalikan, hindi maiwasan na magkaroon kami ng mga "away-bata" na nauuwi pa sa break-ups namin. Siguro mga 8 times kami nag-break at nagrereconcile din.

At sa loob din ng one year na yun, wala na humadlang sa amin. Hindi ko malaman ang iniisip ni Mrs.Torres, parang mas pinili na lang niya mag travel around the world kaya hindi ko masasabi kung magkaayos na ba kami.

"Happy birthday, Inah!" I've greeted Echo's niece. Medyo na-late kami ng dating pero ika nga nila, it's better to be late than never.

"Happy birthday,Sheshe!" Kuya greeted her.

"Thank you Tita Carmela and Ninong Sean!" Masayang sabi nito sa amin. Hinila ako nito papunta sa pwesto nina Echo.

I saw Mrs.Torres. Tipid lang itong ngumiti sa akin, sa amin ni Kuya. Nakakapanibago.

Ipinaghila ako ni Echo ng upuan at naupo ako sa tabi niya while Kuya sat beside River. Kita ko naman sina Ate Lorraine at Kuya Maurice na halatang busy sa pag-aasikaso ng party ni Inah.

"Good afternoon po." Bati ko kay Mrs.Torres. Kahit naman hindi naging maganda ang naging past namin, mas maganda pa rin na magpakita ako ng courtesy sa kanya. Umisang tango lang ito sa akin.

Hinanap ng mga mata ko si Ate Jecel. Restaurant kasi nila ni Isaiah ang kinuhang magkicater sa party. Nakita ko siya na parang iniinspect ang bawat food na isiserve nila while Artemis is with other kids. Classmates kasi sila ni Inah.

"Wait a minute Mom, sasalubungin ko lang sa gate si Jewel." Paalam ni River at kumaway sa amin.

Tumunog naman ang cp ni Kuya kaya wala siyang choice kundi ang sagutin ito at lumayo sa amin habang nagpunta ng banyo si Echo.


Rinig ko ang biglang pagtikhim ni Mrs.Torres. Kami na lang ang naiwan sa table.

"Carmela, iha."

"Po?"

"I know we're not in good terms before but I guess, we're okay now."

Hindi ko naman iniexpect na magsosorry sa akin si Mrs.Torres. Mas okay na rin siguro yung ganito.

"I want to let out all of my grudges against you and your Mom. So... Can I request something from you?"

"Sige po. Ano po yun?"

"Gusto ko samahan mo ako sa puntod ni Carmencita, bago man lang sana ako pumunta ng Australia."

Saglit ako natahimik at napaisip. Siguro napagnilayan na rin ni Mrs.Torres ang lahat.

"I'm not getting any younger, iha. While I was travelling in every parts of our world, it made me realize that our lives are too short. Ayoko namang mamatay na may galit pa rin sa nanay-nanayan mo." Nakangiti nito na sabi.

"The pleasure is mine, Mrs.Torres. Finally, you're ready enough to let go all of your grudges."

She chuckled.

A Girl Named CarmelaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora