AGNC 6

56 5 1
                                        

Chapter Six

Matapos ng pag uusap naming magkakagrupo sa Library ay nauna na umalis sina Echo at Stellar.Dinaanan pa nga ni Matteo dito si Stellar habang si Echo ay hindi ko alam kung saan ang punta niya.

Nagpaiwan kami pareho ni Deedee dito sa Library.May apat na oras pa naman ako bago pumunta sa trabaho kaya makakapaghanap pa ako ng dagdag na informations para sa activity namin habang si Deedee naman ay mukhang ganun din ang gagawin since siya ang naka-assign sa research.

"Alam mo sa totoo lang,aside from me,ikaw pa lang ang naglalakas-loob na lumapit sa dalawang yun."

"Ha?Sino?" Tanong ko kaagad kay Dee.

"Eh di sino pa?Kay Miss Wu lalo na kay Echo."

"Nasabi mo na rin lang naman,ano ba ang history?Bakit ba sila sikat sa school na to bukod sa anak sila ng may-ari?" Ito,curious na curious talaga ako kung bakit sila sikat sa school na to bukod sa anak sila ng pinaka mayayamang tao? I mean,bukod doon ano pa ang meron sila?

"Well,given nang anak ni Directress sina Stellar,Scarlett,Rich,Axrael and Alex.Bukod pa doon,talagang matatalino sila.Kahit nga anong gawin ko,hindi ko mahigitan yang si Stellar eh." Naiiling na paliwanag nito."Sikat ang barkada nila sa School na ito,yung friends nila ay anak naman ng friends ng parents nila and that includes Matteo Gonzales,Our Super Handsome Senior." Kinikilig pa na pagkakasabi nito. "Ang kaso..."

"Cold siya."

"Paano mo nalaman?"

"Nakasalamuha ko lang sila nung enrollment.Parang si Echo lang,mukhang hindi marunong ngumiti."

"Speaking of Echo, kaya siya sikat kasi anak siya ng isang Senyora na talagang Rich na parang si Directress.Aside from that, kilala siya kasi laging nasasangkot sa gulo with Alpha Phi and Bloody Phoenix."

"Bloody Phoenix?"

"Yes.Bloody Phoenix,yun ang tawag sa set of friends niya, kung friends nga niya ba talaga ang mga yun."

"Ano ang ibig mo sabihin?"

"Hello? Sa yaman nina Echo,maraming kumakaibigan sa kanila para lang masabing may koneksyon sila." Paliwanag nito sa akin.

May punto naman siya. Hindi nga naman masasabing kaibigan nga ba talaga ni Echo ang mga yun lalo pa't alam nila kung gaano kamakapangyarihan ang pamilya nito.

Ay ano ba yan,Carmela?Bakit ba ang usisera mo sa buhay ng mayayaman na yan lalo na sa buhay ni Echo?Problema na niya yun kung totoo man o hindi sa kanya ang mga kaibigan niya!

"Anyway, mauuna na ako. May lakad pa kasi ako eh pero sa susunod,isasama na talaga kita!" Aniya bago nito niligpit ang mga gamit niya at inilagay sa bag bago niya isinukbit ito. "Isesend ko na lang sa inyo ni Echo at Stellar ang naresearch ko para naman makagather kayo ng other infos. Ciao" Bilin nito bago ako iniwan sa library.

Eh teka,paano niya isesend? Hindi pa ako nakakabili ng una kong sim card!

Aish. Bahala na nga si Batman. Gagawan ko na lang ng paraan ang bagay na ito.

~

"Pindutin mo yung sign up!" Ani Ate Pat habang tinuturuan ako na gumawa ng Facebook Account. Mas madali na lang pala talaga kapag sa cellphone gumagawa ng mga ganitong bagay kumpara sa computer. Kapag sa computer kasi,kung ano ano pa ang kailangan mo i-click at masakit sa daliri ang mag-type sa keyboard!

Kasalukuyan nga pala kaming may private lessons ni Ate Pat. Kagagaling ko lang sa trabaho ko at heto, may sim card na ako at nakakonekta na sa wifi ng bahay. Tinuturuan niya ako kung paano gamitin ang cellphone na ito.

A Girl Named CarmelaWhere stories live. Discover now