AGNC 40

36 5 2
                                        

Chapter Forty



I'd never thought that this day will come. Parang kahapon lang ang proposal ni Echo and after 8 months of preparation, heto na kami. Ikakasal na kami 3 weeks from now.

Hindi naging madali ang pagpiprepare namin sa wedding. Pareho kaming busy person ni Echo at mostly, si Dee na ang nag-aayos bilang siya ang Wedding Coordinator namin. All in all, mostly okay naman ang lahat sa amin. Si Echo lang talaga ang masyadong choosy sa preparations. Ewan ba dito, eh isang araw lang naman ang kasal. Ang daming arte.

Ang pinaka di namin pinagkasunduan ay ang dami ng guests. Kung ako papipiliin,Family and Friends lang ang gusto ko. Pero siya, 1200 person lang naman ang nasa listahan niya. Literal na isang barangay.

I'm on my way to RivAdie Boutique. Ngayon ang schedule ko para magsukat ng gowns doon and I'm with Kuya Sean and Dee. Sabi naman ni Echo, hintayin ko na lang daw siya doon, tatapusin lang daw niya ang client meeting niya.

Nag-ring ang phone ni Kuya at pinindot niya ang navigation screen ng sasakyan na lulan namin. Naka loudspeaker ito kaya rinig namin ni Dee.

"Yes, hello?"

[Sir, don't you really have a time po? Our client from Hong Kong insists po kasi na kayo ang gusto niyang makita sa meeting since Sir Echo wasn't available right now.]

"How many times na kailangan ko sagutin yan? Gawan nyo ng paraan. Hindi ko ipagpapaliban ang kapatid ko para lang jan." Aniya at narinig ko na may pinindot siya na button. Binaba niya ata ang tawag.

"May international client ka pala,Kuya. Sana pinuntahan mo na lang yun."

"No, I won't. I want to see you in your gown. Hindi pwedeng hindi, Carmela. Dee, saan ang next schedule nyo ni Carmela?"

"Ah, sa isang araw pa naman yun Kuya Sean. Sa Jecelicious Desserts and Catering Services. For food tasting sana."

"Hindi ko alam kay Echo. Kilala ko naman ang luto ni Ate Jecel, bat kailangan pa itesting e kung pwede namang magbigay na lang ng list ng ipapaluto." I rolled my eyes. Para kasi walang tiwala sa service nina Ate Jecel at Isaiah.

"He just want everything fell to its place perfectly, Carmela. Nasobrahan nga lang." I heard my Kuya chuckled.

I just checked my phone and dang it, empty bar na pala. Nalimutan ko pa ang powerbank ko. Makakatawag naman siguro si Echo kina Kuya if he's already on his way na.









30 minutes na ang nakalipas pero wala pa ring Echo na dumarating, medyo nakakahiya na kay Miss Adie. Ang alam ko kasi, may next appointment pa ito after me.

"Ahm Miss Adie, can we start na kaya? Mukhang matatagalan pa si Echo." Alanganin ko na tanong.

"Yes Miss Carmela, Para pagdating ng groom nyo, yung kanya na lang ang aasikasuhin natin." Aniya at iginiya kami sa private room ng botique.

"Have a sit. Kunin ko lang yung wedding gown samples." Sabi pa nito at pumasok sa isang room at paglabas ay hila na niya ang mga nakahanger na gowns na nakasabit sa isang metal rack.

"This are the final designs and ideas from Dee's details, ibinase namin sa details na gusto niyo and we have different ideas para marami kayo choices."

"Parang ang daming go-"

"No worries, Twinny. Hindi naman ipapabayad ng RivAdie ang lahat ng wedding gown na yan, ano ka ba? Siyempre yung pipiliin mo lang ang babayaran niyo aside sa mga isusuot naming mga abay." Natatawa na sabi ni Dee.

A Girl Named CarmelaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora