Chapter Four.
Kasalukuyan na kaming nagkaklase sa SocSci nang dumating ang isa rin naming late na kaklase at yun ay si Divine.Nagmamadali pa nga ito na naupo sa may tabi ko nang makapasok siya.
"Sorry Mrs.De Vera if I'm late." Rinig ko na sambit ni Divine sa professor namin bago ito naupo sa tabi ko.Tinignan ko rin ang mga dala niya at puro libro rin ito pero medyo sosyal pa rin ang dating niya.Hindi gaya namin ni Stellar.
"It's okay Miss Villaruz,sinabihan na rin naman ako ni Madam na pinatulong ka niya sa office.You may now take your sit."
"Thank you po Ma'am." Aniya saka ito naupo sa tabi ko at napansin na niya ako. Ngumiti pa ito sa akin kaya napangiti na rin ako. "Oh,it's you!Hi Carmela!"
"Hello." Tipid kong sagot.Sa lahat ng nakasalamuha ko na mayaman dito,siya lang yung may maganda na vibe sa akin.
"We're classmates pala! Ang galing! Ang saya saya!" Saka pa nito kinuha ang aking kamay na ikinagulat ko. "We're friends na ha!"
"Ah s-siyempre naman." Sagot ko rito. Sino ba naman ako para tanggihan ang alok na friendship ng isang mukhang masayahin na tao,hindi ba?
"Okay Class,group yourselves into four." Sabi naman ni Mrs.De Vera matapos nito mag lecture. First day of school pa lang pero mukhang may group activity agad.
"Okay, automatic na magkagroup na tayo Carmela. Pero sino kaya ang dalawa?" Ani Divine saka luminga linga pa ito sa mga kaklase namin. Nakita naman ng dalawa ko na mata si Stellar na halata naman na wala pa ring kagrupo.
"Siya na lang kaya,Divine?" Turo ko kay Stellar pero namewang lang si Divine. May nasabi ba ako na masama?
Parang wala naman?
"Eiw don't call me Divine, Carms! Just Deedee na lang and gusto mo talaga kasama si Miss Wu? Keri naman sana pero nakakatakot magtanong sa kanya, ikaw din."
"Hindi yan. Pare-pareho naman tayo makikinabang sa grades.Ako na bahala." Sagot ko at kakalabitin ko na sana si Stellar nang lumingon ito sa akin.
"Bakit?" Walang emosyon nitong tanong sa akin.
"Ahm,wala ka naman ka-grupo.Gusto mo ba,sali ka sa amin ni Divi---"
"Deedee!" Pagputol ni Deedee sa sasabihin ko. Ayaw niya pala talaga na tinatawag ko siyang Divine.
"Oo,sa amin ni Deedee.Kung gusto mo lang naman." Dagdag ko pa.
"Sigurado ka ba sa gusto niyo?"
Ay.Mag-aalok ba ako kung hindi ako sigurado?
"Lahat sila,ayaw ako na makasama sa grupo.Ikaw lang ang unang lumapit."
"Kesa naman wala ka makuha na grade hindi ba? E di magtulungan na lang tayo."Ngumiti pa ako sa kanya at sa unang pagkakataon ay nakita ko rin ang tipid ngunit maganda niya na ngiti.
"Okay,sige sasali na ako.Pero kulang pa tayo ng isa."
"Kumpleto na ba ang lahat?" Tanong sa amin ni Mrs.De Vera.
"Ma'am,kulang pa po kami ng isa." Pagbibigay alam naman ni Deedee sa professor namin.
"Vice,si Echo na lang!Kumpleto na kaming apat dito eh."
"Alam mo Abraham Moralde,hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga kayong apat eh." Rinig ko na sabi nung Echo sa katropa niya siguro yun.Kasama niya kasi kanina eh.
Pero ano?Sa lahat ng puwedeng idagdag sa grupo namin,yung walang modo pa talaga na yun?Ano naman ang itutulong niya sa aming tatlo kung sakali?
"Pasensya na,Bro.Minsan kasi,iniindian mo kami pag gagawa ng group activity sa bahay."
