Chapter Seventeen
Alas diyes na ako ng umaga nagising. Tinanghali ako ng gising dahil na rin sa puyat na inabot namin ni Echo sa pagsalubong ng birthday ko. Pakiramdam ko tuloy, napaka espesyal ko ngayong araw na ito.
Wala na akong inabot na tao pagkagising ko maliban na lamang sa isa naming kasamahan dito sa Boarding House. Magkakasama raw na umalis sina Sica,Ate Jecel at Ate Pat. Hindi na nito sinabi kung saan sila nagpunta.
Matapos ko makausap ang kasama namin na yun ay nagsimula na ako magluto ng agahan ko. Tanging piniritong itlog lamang ang iniluto ko at nagsaing na rin ako. Matapos ko naman magluto ay agad din naman akong kumain. Habang kumakain ako ay naisipan ko na bisitahin muna ang facebook ko.
Hmm... Di nila siguro alam o naalala na birthday ko ngayon. Pero sabagay, busy naman sila ngayon eh.
Wala akong pasok ngayon sa School kaya matapos ko kumain at iligpit ang kinainan ko ay nagawa ko pang maglinis ng bahay. Nakakahiya naman kay Miss Erael,baka bigla na lang bumisita yun at makita ang kalat dito sa bahay.
Matapos ko maglinis ay agad na ako nag-asikaso para maligo. Plano ko kasi na magsimba bago ako dumiretso sa trabaho.
***
Bandang alas kuwatro na at katatapos lang ng misa na dinaluhan ko. Wala man akong handa pero ipinagpapasalamat ko sa Diyos ang isa na namang kaarawan para sa akin.
Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko na muna yun mula sa bulsa ng pantalon ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
Nag flash sa screen ang pangalan ni Madam Lorraine kaya sinagot ko yun.
"Carmela, what time ka makakarating rito? Andito kasi si Mama, hinahanap ka niya."
"Ah Ma'am, andito pa po kasi ako sa simbahan pero paalis na rin po ako."
"Hoy t*ngina ang hina mo naman pala!ayusin mo ang pagkakaayos niyan,parang di ka tao!"
Teka? Si Abraham ba yun? Ano na naman ang ginagawa nila sa shop?
"Shh!" Saway ni Madam at may kung ano pang sinabi pero hindi ko marinig. "Ah Carmela, sorry about that noise. You know Javier and Diana naman, they're always quarreling." Alanganing sagot ni Madam. "Osiya, I'll hang up na. There's a lot of thing to do pa e. Bye! See ya!"
Binaba na ni Madam ang tawag na yun. Muntik ko pa malimutan na magkaboses nga pala sina Abraham at Javier. Pero kung si Diana ang inaaway niya na yun, sana di na lang niya sinabihan ng masasama.
Pero parang si Abraham talaga e?
Ah basta. Kung sino man siya,di ko na problema yun!
Tumigil ang jeep na sinasakyan ko sa harap ng Bistro Torres. Agad ko inabot ang bayad ko bago ako bumaba sa jeep.
Bumungad sa akin ang shop at tila walang makikita sa loob nito dahil na rin sa mga kurtina na kulay pink. Siniguro talaga nila na walang makikita sa loob. Siguro isa ito sa plano nila para sa isusurprise nilang babae para sa Marriage pProposal Event na magaganap mamaya. Pero tulad ko siguro, baka paborito rin nun ang kulay pink.
Agad akong pumasok sa loob ng shop.
Nagulat ako dahil sa pagsabog ng confettis nang pumasok ako sa shop."Surprise! Happy Birthday!" Sigaw ng mga tao sa loob sa pangunguna nina Dee at Echo na parehong may hawak ng confetti poppers.
Napatingin ako sa paligid. Hindi ko inakala na ipaghahanda nila ako ng ganito. Sa pinaka unahan ay may mga nakasulat na "Carmela @18" gamit ang Foil Letter Balloons na kulay rose gold pa. Meron ring mga handa pero karamihan ay puro cakes o cupcakes.