Chapter Thirty-Nine
Kinulong ako ni Echo sa braso nya at paulit ulit na hinalikan ang ulo ko. I hugged him tight also and sighed.
Sinilip ko ang daliri ko kung saan nakalagay ang singsing. It perfectly fit.
"I love you, bub." He whispered.
"Congrats!!!" Malakas na sigaw ni Dee. May pa-confetti pa nga sya. "Oh my god! Congrats talaga!"
Humiwalay ako kay Echo at pinakita kay Dee ang daliri ko. Excited na tiningnan nya iyon.
"Ang mahal ha, pinaghandaan mo ba to, Enrico?"
Inabot ni Echo ang baywang ko mula sa likod at niyakap.
"Mas mahal pa din iyong sayo, Mary Divine."
Pabirong umismid si Dee at hinawi ang buhok nya.
"Kelan ba ang kasal?"
Pinitik ni Echo ang ilong nya.
"Kaka-propose ko palang."
"Ay oo nga pala!" Paismid nyang sabi.
Sabi ni Dee, on the way na daw ang iba pang bisita. Hindi naman na ako nagtanong, dahil paniguradong sina Jewel lang iyon.
Tinulungan ko si Dee na ayusin ang mga pagkain na hinanda nya para dito. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtitig ni Echo sa akin kaya binaling ko sa gilid ang ulo ko. He just smiled at me.
"Dapat mahal iyong bato kung aalukin mo ng kasal si Carmela." Singit ni Kuya Sean at hinawakan ang kamay ko.
"Carmela deserves the best, Sean."
Nanliit nang bahagya ang mata ni Kuya Sean sa suot kong singsing bago nya ako hinila at niyakap.
"Konting panahon palang tayong magkasama pero magpapakasal ka na?"
"I'll always be here, Kuya."
"Echo, willing ka bang isama ako sa magiging bahay nyo kapag kinasal na kayo?" Kinurot ko si Kuya sa tiyan nya. "Aw."
"Kuya.."
"Kung totoong mahal ka ni Echo, dapat willing syang kasama ako sa bahay nyo."
"Sean, why don't you find some hook ups?" Nakalapit na si Echo sa aming magkapatid.
"I'm quite busy, baka may ipapakilala kayo."
"I knew someone!" Singit ni River. "Kaso kasal na and happily married."
Sumimangot si Kuya Sean dahil alam naman nyang si Ate Lorraine ang tinutukoy nito.
"I moved on already, River."
Nagpa-cute si Rivee bago lumapit sa akin. Iyong singsing agad ang tinanong nya.
"Why so nagmamadali, Kuya? You didn't intay us bago you nagpropose? Para naman I can capture it!"
"Congrats, Carmela." Bati ni Jewel na kasunod ni River.
"Thank you,"
And he even offered his high five to Echo. Nilapat ni Echo ang kamay nya doon. Sunod na nakita ko ay si Abraham na papasok. He immediately spread his arms and hugged me tight.
"Final na ba talaga to?"
"Ab..."
"Pwede ka pang umatras. Nandito naman ako."
"Cut the fuck out, Moralde."
Tinakpan ko ang bibig ni Echo, puro mura na naman ang naririnig. Pinisil ng pino ni Abraham ang pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)