Prologue

162 8 24
                                    

A/N;

Hi again! Welcome to our another series! Sana suportahan niyo rin ito gaya ng pagsuporta sa mga nauna ko po na istorya at sana magustuhan niyo rin ito!

This story was originally dedicated to my Vampiremims Babies Fam and syempre, kasama sa story ko na to ang mga friends ko from that group! Love you VBF! I'm currently collaborating with teyangxx for this story so might as well, suportahan niyo rin siya! Thank you!

Officially dedicated to YourBuddySushi (The real life Carmela 😍)

Carmela's

Kalalapag lang ng eroplanong sakay ko galing ng South Korea. Kung hindi lang talaga dahil sa exhibit, hindi ko pipiliing umuwi dito sa Pilipinas. Hindi naman sa hate ko ang Pilipinas. I actually loved this country. Ano ba naman ang karapatan ko para kamuhian ang Bayang pinanggalingan ko?

By the way, I'm Maria Carmela Crabajales at malayong malayo na ako mula sa dati kong katauhan na isang nerd,probinsyana at mahina na inaapak-apakan ng mga taong nagpabago sa akin. Seven years na ang nakakalipas nang saktan ako ng isang tao na hindi ko inaasahang gagawa sa akin ng bagay na yun. Anyway, andito ako sa Pilipinas para umattend ng Art Exhibit Event and at the same time, para umattend sa College Graduation ng kapatid ko na si Kate.

Bata pa lang kami ni Kate nang maulila sa mga magulang namin. Sanggol palang si Kate nang mamatay ang aming ama habang 12 years old ako nang mamatay sa sakit na cancer ang aming ina at dahil na rin sa hirap ng buhay noon at walang kamag anak ang gustong kumupkop sa amin, napilitan kaming manuluyan sa isang ampunan at doon na rin lumaki sa tulong ng kaibigang madre ni Inay na si Mother Sylvia. Si Mother Sylvia ang tumugon sa lahat ng pangangailangan namin maging sa pag-aaral namin ng kapatid ko. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nakapag-aral sa Manila noon naiwan naman sa probinsya ang kapatid ko.

I took off my shades right after na makababa mula sa eroplano na sinakyan ko galing ng Korea. May nakasabayan pa ako na K-Pop idols sa eroplano na yun kaya medyo na-hassle ako sa mga fans nila dun. Kaloka at pati dito sa airport, may mga nakaabang na Filipino Fans nila. Mukhang may concert or something ang mga Idols na yun dito. Bigla naman nag ring ang IPhone ko so siyempre, sinagot ko yon.

(Hello Bes, nasa arrival area ka na ba?) Tanong ng Bestfriend ko na si Divine, Deedee for short. Siya kasi ang inaasahan ko na susundo sa akin dito sa Airport.

I've known Deedee for about 6 years na. Hindi tulad ng mga classmates namin noon, napaka bait ni Deedee kahit pa isa siya sa pinaka mayamang estudyante ng pinasukan ko na University noon. Siya nga ang pinaka dahilan kung bakit ako nakapunta ng Korea at sa awa ng Diyos ay medyo gumanda-ganda na ang buhay ko doon. Hindi tulad dito sa Pinas, puro hirap at pasakit ang dinanas ko dito.

"Yes, my dear. Nasaan ka na ba?"

( Sorry my Dear, may lakad kasi kami ni JC e. Alam mo namang nagkatampuhan kami di'ba? So bumabawi siya. Don't worry, susundan na lang kita!)

Sana all diba may boyfriend. Well, nagkaroon naman ako ng boyfriend, maling boyfriend nga lang.

( May pinapunta ako na tao diyan na susundo sa'yo at ihahatid ka kay Kate.Kitakits na lang tayo doon.)

Yes, I bought my Second Condominium 1 week before ako umuwi dito sa Pilipinas pero sa ngayon,didiretso muna ako kay Kate. Naisip ko kasi na bumili na nun para naman may matutuluyan ang kapatid ko at balak ko na sya ilipat dun after graduation. Meron din ako Condominium sa Korea at yun ang bahay ko doon.

A Girl Named CarmelaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora