Chapter Eight
Kinabukasan, maaga pa rin kami pumasok ni Sica dahil nagmessage sa amin si Stellar na pinapapunta kami ng Mommy niya sa office para kunin na ang mga uniform namin kasama na rin ang mga ID namin.
Nakatatlong katok pa ako sa opisina ni Madam bago ako pagbuksan ni Scarlett, ang kakambal ni Stellar. Magkamukhang magkamukha talaga sila, malaki lang ang pinagkaiba sa ugali at pananamit.
"Oh, it's you pala. Ano kailangan niyo sa Mommy ko?" Maarteng sabi nito habang nakataas pa ang kilay.
"Ahm, pinapatawag kasi kami ni Madam for our uniform sana." Sagot ko sa tanong nito.
"Ah okay! But wait, medyo nagkakasense ka na sa fashion ah. That's great! Ipagpatuloy mo yan, tabi!" Sambit niya bago siya dumaan sa gitna namin ni Sica.
Napansin niya ata ang lipgloss sa labi ko at ang suot ko na bestida. Ang dami kasi binibigay ni Deedee, sayang naman kung di ko magagamit. Bukod pa sa mga bigay ni Dee ang padalang package ni Miss Zarsuelo na pinasabay kay Ate Jecel.
"Ang ganda niya pero hindi marunong mag excuse me." Reklamo ni Sica. Pinandilatan ko naman ito ng mata.
"Tumahimik ka nga jan, nalilimutan mo ata na andito tayo sa office ng Mommy niya."
Agad naman na natahimik si Sica at sumenyas ng pag-zip ng kanyang bibig. Minsan, wala ring preno ang bibig nito.
Dire-diretso kami papunta sa main table ni Madam Aly. Bale sa opisina niya, bubungad muna ang pwesto ng iba pang school admin bago marating ang pinaka opisina niya. Kumatok muna uli ako rito bago ako pagbuksan ni Miss Mika.
"Oh, sakto. Andito na kayo, tatawagan ko palang sana kayo sa landline kasi kanina pa kayo hinihintay ni Madam. Pasok na kayo." Sabi nito at nagbigay daan siya sa amin.
Ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang kung sino ang nasa opisina ni Madam Aly. Si Senyora Thea at kasama nito ang isang lalaki na sobrang hawig ni Echo. Ito na siguro ang tatay nina Echo.
"Oh, ikaw pala Carmela?" Ani Senyora Thea at pinasadahan ako ng tingin mula hanggang paa. "Hon, she's the one that I'm talking about. One of our hardworking employee." sabi pa nito sa kaharap niyang lalaki.
"You know her, Mrs.Torres?" Tanong ni Madam kay Senyora at tumango naman ito bilang sagot.
"Yes, Mrs.Wu. Part timer siya sa pinapatakbong Coffee Shop ng panganay ko at ng asawa niya. Napaka sipag niyan that's why I'm rooting for her." Masayang sabi nito. Napangiti naman ako dahil naimpress ko ang isang Senyora. "Anyway Carmela, this is my Husband Maximo."
"Hello po." Magalang na bati ko sa matanda na sinamahan ko pa ng pag-bow. Mukha naman itong mabait, sana si Echo rin diba?
"Nice to meet you, Iha. I guess, sila ang sinasabi ni Mrs.Wu na ipapakilala niya sa atin?"
"Yes, Mr.Torres. Isa sila sa scholars natin dito sa School. Carmela, Jessica, they are Mr. Maximo and Mrs. Thea Torres, one of Brent's biggest shareholder." Pakilala ni Madam sa mga bisita sa amin. "Sila ang sinasabi ko na may potensyal na maging Dean's Lister."
Dean's Lister? Kami ni Sica?
"Yes, Carmela. You two have those potentials." sabi pa ni Madam na tila ba nabasa niya ang iniisip ko.
"I don't know what to say since hindi ko naman naoobserve si Carmela and..Sica dito dahil minsan lang naman kami dito." Dagdag naman ni Senyora saka ito tumayo. "But since napag usapan na rin, pagmamasdan ko na rin if she really have what it takes."
Lumapit pa sa akin si Senyora Thea at kasunod nito ang asawa niya.
"Mabait ako as your Boss' Mom but also, expect me that I'm also strict when it comes to Dean's Listing. I'll see you around at the Coffee Shop. Bye, everyone!" Aniya saka ito lumabas sa pinto kasama ang asawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)