AGNC 20

34 3 5
                                    

Chapter Twenty



"Kyaaahhh!" Tili ni Dee. Nandito kami ngayon sa isang Café. Off day ko ngayon sa Bistro kaya heto, nilibre ko si Dee at mamaya nga ay manonood kami ng sine na sagot naman niya. Kinuwento ko sa kanya kung paanong napasagot ako ni Echo kagabi.

"See Carmela? Kahit anong set mo sa goals and priorities mo, magkakaroon ng pagbabago kapag puso mo na ang kumilos!" Aniya at sumimsim pa muna siya ng kape. "Anyway, congratulations pero for inspiration lang muna si Echo ha. Studies pa rin ang Top Priority."

"Oo naman." Pag sang-ayon ko rito. Nagkaroon na rin kami ni Echo ng agreement na pag-aaral pa rin ang priority ko kahit na anong mangyari. Mas mabuti nang malinaw ang lahat sa amin.

"Actually, hindi maman masama na magkaroon ng jowa while studying as long as di niyo nalilimutan yung reasons kung bakit tayo nag-aaral. I'm hoping na di ka saktan ni Enrico or else, makakatikim siya sa akin."

I chuckled.

"Umorder ka na nga. My treat."

"Sure ka?"

"Oo naman! May extra pa naman akong pera at nakapagtabi na rin ako para sa ipon ko. Ano ba naman yung ilibre kita diba kahit paminsan-minsan lang?"

"Kaya love na love kita Twinny e!" Aniya at lumipat sa tabi ko at niyakap ako. "Thank you Carms! Di ako nagkamali na naging Sister Figure kita. Love you!"

"Love din kita. Sige na, order na tayo. Malapit na mag alas singko, may lessons pa kami ni Darrel."

"Aish. Bat kelangan mo pa tulungan yun e nakakaya na niya?" Sabi ni Dee at nagtawag ito ng waiter. "Waite-- ay waitress pala."

Natanaw namin na papalapit sa amin si Ate Jecel. Oo, dito siya nagtatrabaho ngayon Café nina Isaiah. Nirekomenda ko siya noon kay Miss Bella nang minsan kaming magkausap nito.

"Siyempre, kelangan ko masiguro na namimaintain ni Darrel ang grades niya Twinny, nangako ako kina Tito at Tita eh." Sabi ko naman kay Dee at lumingon kay Ate Jecel. "Hi Ate! Sorry kung ngayon lang kita nabisita rito. Kamusta naman ang working environment mo dito?"

Hindi lang basta Café ang pinagtatrabahuan ni Ate Jecel. Nagkakaroon rin sila ng Night Gigs sa 2nd floor ng Café na to.

"Okay naman. Mababait naman sila, kaso lagi kaming busy kasi palaging marami ang customer dito. Buti napadaan kayo dito?"

"Niyaya ko lang si Dee dito, di kami masyado nakakapag catch up sa bahay nila e."

"Ate Jecel, alam mo na ba ang balita?"

"Dee!"

"Ang alin? Yung may boyfriend na itong si Carmela?"

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

"Para namang di mo kilala si Sir Abraham, Mela? Naikuwento nya kay Sir Isaiah at rinig na rinig dito kung paano ikuwento ni Abraham ang kinuwento sa kanya ni Sir Echo."

"Kahit kailan talaga, ang lalaking yun..." Nagngingitngit na sabi ni Dee. Halatang nanggigigil siya sa kadaldalan ni Abraham.

"Basta Carmela ha, wag mo muna isusuko ang Bataan. Mahirap na, baka matulad ka pa sakin. Hindi masama ang magkaroon ng boyfriend lalo kung alam niyo pareho ang limitasyon niyo."

"Opo, Ate Jecel. Tatandaan ko yan."

"Osiya mamaya na ang kuwentuhan pagka-out ko. Isang oras na lang naman. Ano muna ang order niyo?"

"Mocha frappe and isang slice lang ng cake ang akin Ate Jecel."

"Milktea lang ang akin."

Kaagad na nilista ni Ate Jecel sa hawak niyang booklet ang mga inorder namin.

A Girl Named CarmelaWhere stories live. Discover now