Chapter Ten
Kinabukasan, pumasok ako ng maaga sa School suot ang uniporme na binigay ni Madam Aly sa unang pagkakataon. Pakiramdam ko, hindi na ako naiiba sa mga kasama ko dito sa School na ito. Ramdam ko na belong na talaga ako dito.
"Wow, naka uniform na si Carmela!" Puna sa akin ng isa sa mga classmates ko sa kauna-unahang pagkakataon. Sa wakas, napagtanto din nila na nag-eexist rin naman ako kahit papaano. "Good Morning!" Pahabol pa nitong si Kathleen.
"Good Morming din." Bati ko rin rito bago naupo sa pwesto namin ni Dee.
"Totoo ba itong nakikita ko? Si Carmela ba talaga ito?" Napailing na lang ako sa narinig ko na boses na yun. Si Abraham na kapapasok lang kasunod ni Echo at ang mga kaibigan nila.
"Ano Ab? First time makakita ng babaeng naka uniform?" Sita ni Echo kay Abraham dahil talagang nakatitig pa ito sa akin at naupo pa talaga sa tabi ko.
"Miss Carmela, may Acquaintance Party na parating ah?" Tanong pa ni Abraham. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ang tanong niyang yan. Araw-araw ba naman itinatanong sa akin.
"Oh tapos?" Tanong ni Dee na nasa likuran niya. Hindi yata napansin ni Abraham na si Dee na ang nagtatanong dahil nakatalikod siya rito. Akala niya siguro, ibang classmate namin.
"Tapos gusto ko, si Carmela ang date ko." Prenteng sagot ni Abraham at humarap na kay Dee. Nawala naman ang ngiti niya nang makita kung sino ang kausap niya. Agad naman siya piningot ni Dee sa tenga dahilan para dumaing naman si Ab habang ang mga kaibigan niya sa likod ay nagsisitawanan dahil sa sinapit nito sa kamay ni Dee.
"Ang aga-aga lumalandi ka! At dito pa talaga sa upuan ko at kay Carmela pa! Go back to your chair!" Utos ni Dee kay Abraham na agad namang sumunod. Ganon na lang ang takot niya kay Dee.
"Good Morning, Twinny!" Bati sa akin ni Dee at bumeso pa sa akin. "Hay nakakastress!"
"Bakit naman? Ang ganda ganda mo, nagpapakastress ka." Tanong ko rito habang inaanalyze ang nakasulat sa papel na binigay kahapon ni Stellar.
Huminga pa muna ng malalim si Dee bago ito sumagot.
"Hanggang ngayon kasi, wala pa rin ako nahahanap na tutor for Darrel, my younger brother. For his College Entrance Exam. Hindi naman kaya ng schedule ko kung pati siya, isisingit ko."
"Kasisimula pa lang ng pasukan, yung pang College na agad ang plano niyo?" Hindi ko maiwasan na itanong yan kay Dee.
"How can I explain this ba? Hmm... You know, ang kapatid ko na yun really hates academics. Puro siya online games, streaming! Hindi naman pang habangbuhay ang paglalaro." Bumuga pa siya ng hangin. Ganun ata siya ka-stress sa kakahanap ng magtuturo sa kapatid niya. "We need him to get distracted away from online gaming."
"Eh bakit hindi na lang kayo mag-hire ng mga professor na private tutor din? Kaya niyo naman siguro magbayad sa mga ganung tutors." Suhestiyon ko at umiling naman si Dee.
"Hindi sila magkasundo ng Previous Tutor niya, inatake yun sa puso dahil talagang matigas ang ulo ng kapatid ko na yun." Explain pa ni Dee. "So naisip nina Daddy, na baka mas okay magturo yung malapit sa age niya."
Napatango naman ako. Kadalasan nga, mas nagkakasundo pa ang mga tao kung magkalapit lang ang mga edad nila.
"Oh my god!"
"Bakit Dee?"
"Bakit hindi na lang ikaw ang magtutor sa kapatid ko? You're a scholar, matalino ka. Mabait pa."
"Ako talaga?" Paninigurado ko. "May trabaho na rin naman kasi ako e."
"Okay, let's make a deal." Sabi pa nito at iniharap ako sa kanya. "Wala ka naman pasok pag Saturday and Sunday. Why don't you give it a try? Weekends lang naman. Dagdag income din yun, ikaw rin. Please?"
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)