Chapter Thirty-Six
"Lakad lang dapat natin to eh. May unexpected gate crasher pa." Kuya said while he is driving his Maserati.
Nakaupo ako sa frontseat at siyempre,nasa driver's seat si Kuya whil Echo is in the back. Hinayaan na lang namin sumama, kung yan ang magpapatahimik sa kanya.
"Kuya, babalik nga pala ako ng Korea. Aayusin ko lang ang transfer papers ko para sa PK Philippines na lang ako madestino at makafocus tayo pareho sa goal natin sa kumpanya ng isa jan."
"That was a good plan tho. Sabihin mo lang kung kelan, ako na mismo maghahatid sa'yo doon." He answered.
"Ang romantic naman." Bulong ni Echo at sumandal ito sa leather seat ng sasakyan. I rolled my eyes.
"You know what Echo kung wala ka sasabihing matino, just shut up. Naiirita ako sa presensya mo." Kuya said.
"We're on the same thought, Linatoc."
Naiiling ako at bumaling sa kanya. "Bat ka ba kasi sumama? Trip mo tumunganga sa amin? Bonding tayong tatlo? Yun ba gusto mo?"
"Yes,sort of dahil kasama kita but not exactly the same kasi andito si Sean."
"Ewan ko sa'yo,tumahimik ka na lang."
The whole ride kaming tahimik sa biyahe hanggang sa tumigil kami sa Sky Ranch sa Tagaytay.
Alam kong nagpupunta si Kuya sa mga Amusement Park kapag gusto niya maglabas ng stress or siguro ramdam niyang masyado nang toxic ang trabaho niya.
"Sky Ranch? Bata lang, Sean?"
"Desisyon ka,Echo? Umuwi ka na lang ng Manila." Aniya at nagtuloy-tuloy sa entrance at sumunod na ako. Wala naman magawa si Echo kundi ang sundan na lang kami.
We rode on a different types of rides here. Enjoy na enjoy namin ni Kuya Sean ang mga rides habang si Echo, parang walang pakiramdam kahit nasa rides na din siya.
Sa sobrang enjoy din pala namin, muntik na namin malimutan na kasama pala namin si Echo. Naalala nalang namin nang tumikhim ito nang lagyan ni Kuya ng food ang plate ko.
"Bayaran mo yang kinain mo Echo ha."
"Kahit pati yang pagkain niyo, kahit ako pa ang magbayad niyan." Mayabang na sabi ni Echo.
But in the end, ako na ang nagbayad ng lahat dahil nagpupumilit si Echo na siya na ang magbayad ng kinain namin while Kuya insist na food lang niya ang bayaran niya. Ang hassle ng awayan nila dahil sa Counter mismo sila nagbabangayan. Ako na ang nahiya para sa kanila.
Around 8pm na nang makabalik kami ng Manila. Nauna na akong ihatid sa unit ko habang hinatid na lang ni Kuya si Echo sa Coffee Shop kung saan nito iniwan ang car niya. Masyado daw siniswerte si Echo kung ihahatid pa niya ito sa bahay niya.
The next day, nag-decide ako na bumisita sa bahay nina Dee. Weekend ngayon kaya naisipan ko na bisitahin man lang sina Tita Vien at Tito Carlos. Ni hindi ko man lang sila nadalaw nung pagkauwi na pagkauwi ko.
Gamit ko ang Audi ko papunta kina Dee. Dalawang beses ko lang to nagamit. Sayang naman ang pera kung mamamasahe pa ako eh kung may sasakyan naman ako.
Bumusina ako sa malaking gate ng mga Villaruz. Pinuntahan agad ako ng Guard para alamin kung sino ang pakay ko dito. At nang maconfirm na kilala ako ng mga Villaruz, agad nila ako pinapasok.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar nina Dee. Marami ang nabago at mukhang mas lumaki pa ang bahay ng mga Villaruz. Excited na tuloy ako na makita sina Tita Vien.
"Mom! Dad! Si Ate Carmela, andito!" Nabungaran ko si Darren sa may veranda ng bahay nila. Agad ako lumapit dito after ko ipark ang sasakyan ko.
"Darren! Ikaw na ba yan? Binatang binata na ah!"