Chapter Thirteen
"Find the value of X." Sabi ko kay Darrel. Araw na ng Sabado at alas diyes na ng umaga. Dalawang oras na rin kami nagtuturuan dito.
Tumanggi pa nga siya noong una pero dahil si Dee ang ate niya, wala na siyang nagawa nang ipakumpiska sa mga tauhan nila ang computer at ibang gadgets nito kaya punayag na siya na magpatutor sa akin, maaibalik lang ang mga gadgets niya pag naipasa niya ang first periodical exam nila.
"Find the value of X daw." Segunda naman ni Dee na siyang abala sa pagpapalinis ng kuko niya sa Cosmetologist nila. Kakamot kamot naman ang ulo niya habang sinusubukang isolve ang pinapagawa ko.
"Bakit pa kasi kailangang hanapin ang X e iniwan na nga."
"Hoy bata ka, kinse anyos ka palang may hugot ka na jan!" Sita naman ni Dee. "Bilisan mo nang isolve ang mga yan, may lakad pa kami ni Carmela."
"Ha? Saan tayo pupunta?"
"Basta." Nakangiti na sagot ni Dee sa tanong ko. "Pagkatapos niyo jan, gogora na tayo."
Nagkibit balikat na lamang ako sa kung ano ang plano ni Dee sa araw na ito. Wala naman ako magagawa kundi ang pumayag at wala rin naman akong gagawin after ng tutorial ko kay Darrel.
Mabilis na lumipas ang oras at alas dos na ng hapon kami natapos ni Darrel sa mga aralin niya. First Grading palang pero ang dami na pala naming hinahabol na aralin. Ayon kay Dee, mas inuuna raw kasi nito ang Game Streaming keysa ang mag-aral kaya ganito na lamang ang mga grado niya, mabababa.
Matalino naman si Darrel, madali niyang nakukuha ang itinuturo ko kaya medyo nasa kalahati na rin kami ng hinahabol namin sa mga aralin na na-missed niya.
"No, no. Not that one." Puna ni Dee sa suot ko na gown. Heto kami ngayon ni Dee, nasa isang boutique at pilit niya akong pinagsusukat ng mga Gown dito. Kasama rin namin si Abraham na siyang kakilala ng may-ari nito.
"Nakakailang palit na siya ng Gown, Dee. Maawa ka naman." Ani Abraham na nakaupo sa tabi ni Dee habang ako naman ay mistulang nasa Fashion Show na parang nagmomodel ng mga gown dito.
"Pang ilan na nga ba yan? Ah, pang walo. Balak mo ba mag pang 100, Dee?" Dagdag pa ni Abraham dahilan para pukulan siya ni Dee ng masamang tingin.
"Manahimik ka na lang jan. Masyadong simple ang mga pinapasuot niyo. Yung iba, parang pangkasal sa sobrang bongga." Komento ni Dee at tinuro turo pa ang mga naisukat ko na.
"Dee, ako na kasi ang bahala maghanap ng isusuot ko sa mga patahian. Hindi ko rin naman afford itong mga gown dito."
"I told you before, ako ang bahala sa'yo. Magsukat ka lang jan." Prenteng sagot ni Dee at namili na ulit sa mga inilapag na designs ng designer doon.
"Wow, that evening dress suits you." Namamanghang sabi ni Dee paglabas na paglabas ko mula sa Fitting Room. Sa wakas naman ay may napili na siyang babagay sa akin.
"Finally Dee, nakapili ka rin after 17 gowns. Akala ko talaga balak mong mag 100 gowns." Reklamo pa ni Abraham at ngumiwi naman si Dee.
"Actually, lahat naman bagay sa kanya e. It's just, pumili lang ako ng something na babagay sa personality niya."
"Personality ko?"
"Yes. Just like you, that gown was simple but elegant. I honestly want you to be bongga but on a second thought, alam kong ayaw mo nun." Natatawang sabi ni Dee saka humarap sa designer. "We'll take this one."
"Yes, Ma'am." Aniya saka ako sinamahan ng Designer pabalik sa fitting room.
Matapos namin sa boutique ay sunod na pumunta kami sa isang kilalang shoe store in courtesy of Dee. Isa ito sa branch ng minamanage na shoe store ng Aunt niya at doon niya napili dahil talagang marami raw na babagay sa akin na sandals doon.
