Chapter Thirty-One
After ng pagbisita namin ni Sir Sean sa Animal Shelter ay nag-insist na ihatid na ako sa bahay. Gabi na raw kasi at delikado sa daan. Hindi na ako tumanggi bilang mahirap makasakay ngayon at nalimutan ko pa magpabook ng taxi.
"Is this where you live?" Tanong niya habang nagmamaneho papasok sa subdivision na tinitirhan namin ni Kate.
"Opo." Sagot ko rito. "Pakiliko na lang po, sa unang bahay naman po ang pwesto namin."
Sinunod naman nito ang direksyon na sinabi ko. Pero sa pagliko nyang yun, isang pamilyar na tao ang nadatnan ko sa labas ng bahay namin.
Si Echo. Nakasandal pa ito sa sasakyan nya at tahimik na nakamasid sa sasakyan ni Sir Sean nang huminto ito sa harapan niya. Bakas sa mukha niya ang gulat nang lumabas ako mula sa passenger's seat nang pagbuksan ako ni Sir Sean.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Echo. Wow, bungad sa bisita ko ha.
"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Wag kang ano sa bisita ko." Balik ko rito.
"I've known him Carmela. Mag-ingat ka sa kanya."
"Wala ako dapat ipag-ingat kay Sir Sean. Sa'yo ako dapat nag-ingat noon." I said and raised my eyebrows over him. "Ngayon, kapatid ko ang pag-iingatin ko." Lumingon naman ako kay Sir Sean. "Come on Sir Sean, mag-kape po muna tayo sa loob." Alok ko rito.
"Ibang klase ka talaga, Torres. Noon, si Carmela. Ngayon, kapatid niya? Tsk." Rinig ko na sabi ni Sir Sean kay Echo at iiling-iling na sumunod sa akin sa loob ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang yayain pumasok sa loob si Echo. Para saan pa? Hindi na kami katulad ng dati.
***
Pasimple akong sumisilip-silip sa bintana para tanawin ang labas ng bahay. Just to make sure na wala na si Echo but it seems like he's waiting for nothing outside. Parang kanina pa siya hindi makali.
"Hayaan mo siyang isipin ang gusto niyang isipin. Karma yan sa mga katulad nila." Komento ni Sir Sean habang sumisimsim ng kape.
"Hindi naman sa ganun Sir Sean. Ayoko lang na may umaaligid sa bahay. Nagmumukha siyang lookout ng magnanakaw." I said at naupo ako sa couch roon nang biglang may tumawag.
Katrabaho ko sa PK ang tumawag.
"Sir if you don't mind,I'll just answer this call." Paalam ko bago ako tumayo at pumunta sa kusina para doon sagutin ang tawag.
"Hello, Patricia? May kailangan ka?"
"Yes, Carms. Our CEO wants a model from Ph since magtatayo tayo ng branch natin dyan. She assigned you to talk with someone since nakita ito ni Madame sa IG."
"Okay. I-email mo na lang sa akin ang details at ako na ang bahala."
"Sure ka ha? Take it or leave it, kailangan mong makausap ang model na yun. Sa tingin namin, lalakas ang hatak ng brand natin if yun ang makuha nating model."
"Yes, yes. Sige na. Send mo na lang ang details. Tatawagan kita kapag napapayag ko." I said before I ended up the call.
"Carmela, thanks for the coffee. Mauuna na muna ako. Pag-usapan na lang natin bukas ang tungkol sa renovation ng Coffee Shop."
"Ay sige po, Sir."
"Drop that Sir. Call me Kuya." He said at nauna nang lumabas ng bahay. I followed naman para ihatid siya ng pormal pero ang ending, nakita kong magkasama sina Echo at Kate.
Kung bakit naman kasi magkakaboyfriend na lang ang kapatid ko, sa katauhan pa ni Echo?
Natigil ang pagmamasid ko kina Echo nang magbeep ang phone ko. Sinend na ni Patricia ang hinihingi ko na details thru email and I opened it.
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)