AGNC 24

32 5 2
                                        

Chapter Twenty Four

Tita Vien and Tito Carlos explained everything. Pero sa dami nang sinabi nila, pakiramdam ko sasabog na ang utak ko ngayon.

Nilapag ni Dee ang isang tasa ng tsaa sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya, ngumiti sya sa akin.

"Sumagot na ba si Echo?"

Umiling sya. "But I kept on pestering Abraham."

"Paano kung tayo na ang gumawa ng way para makausap sya?"

"For sure bumibiyahe na sila pa-manila ngayon. The so called engagement party is done. Sana masaya si Tita Thea sa mga ginagawa nya." Sumulyap sya sa karagatan sa tapat namin. "Well be going home later also. I guess, doon nalang kayo mag usap ni Echo."

Tumango ako kay Dee at marahang sumimsim sa tsaa ko habang iniisip ang mga pwede kong sabihin kapag nagkaroon na nang pagkakataon na magkausap kami ni Echo.

After all, naniniwala pa din ako sa mga sinabi nya. Ipaglalaban namin tong nasimulan namin.

---

Bumalik din kami sa Manila pagkatapos ng lahat. Tahimik akong nananalangin na sana makausap ko na si Echo, kasi kapag hindi pa, hindi ko na alam ang gagawin.

Tinipa ko ang number nya para tawagan. Hindi ako mapakali habang hinihintay na magring ang kabilang linya. Sa huli, walang sumagot.

Nagpasya na akong puntahan sya. Tumunog iyong cellphone ko kaya atubili akong chineck iyon.

Jewel:
Echo is in the Bistro.

Ako:
Salamat, nandoon din ba si Senyora?

Jewel:
Wala. Puntahan mo na Carmela.

Wala na akong sinayang na oras pa at agad na tinungo ang Bistro. Kabang kaba ako saga senaryong bumubuo sa utak ko, pero pinilig ko nalang iyong ulo ko.

Suminghap ako nang matanaw ko na ang mukha ni Echo. Nasa loob sya ng Bistro na parang normal lang na buhay sa kanya. Kumurap kurap ako at humakbang na papasok.

The moment I step inside the Bistro, our eyes met.

"Carmela!" Rinig ko si Miss River. Tipid akong ngumiti.

Diretso lang syang nakatingin sa akin. Walang kahit anong emosyon ang nasa mata nya.

"Ahm... pwede ka bang makausap?"

Tumunog ang bell sa itaas ng double doors. Napipilan ako ng pumasok si Gladyz sa loob ng Bistro. She's wearing a tight slack pants, naka-tuck in iyong white polo shirt nya at nakalugay ang mahabang buhok. Mula sa pwesto nya, nagsusumigaw ang karangyaan sa kanya.

Ngumiti sya.

"Echo."

"Wait for me in the car. May kakausapin lang ako." Malamig nyang sabi kay Gladyz.

Gladyz nodded. Binalingan ako ni Echo at sinenyas ang ulo nya sa labas. Sumunod ako sa kanya.

Nang makalabas kami, inabot ko ang kamay nya pero tumingin lang sya doon.

"Echo..."

"I'm sorry." Aniya.

Tumalon ang puso ko nang marinig iyon. Gumalaw ang adams apple nya.

"I... I never expected this would happen kaya I'm sorry."

"O-okay lang. I understand." Pinisil ko ang kamay nya.

"I'll fix this as soon as possible, Carmela."

Marahan akong tumango. Dama ko ang bigat sa buntong hininga nya.

A Girl Named CarmelaМесто, где живут истории. Откройте их для себя