AGNC 34

30 4 0
                                    

Chapter Thirty-Four



"Thank you for signing the contract with us, Miss River Torres."

Andito ako ngayon sa contract signing ni River para sa PK Philippines at kasama namin ang mga Big Boss ng PK na bumisita pa rito galing ng Korea.

"Sir, let's proceed to our upcoming office here in Philippines. Let us give you a tour." Aya ng isa sa mga katrabaho ko na kasama nila sa pagpunta dito sa Pilipinas.

I was about to stand up to follow them nang tawagin ako ni River.

"Ate Carms, wait!"

Lumingon ako rito at lumapit siya sa akin. Tinawag akong ate? Totoo ba ito?

"About what happened last time... About the setup... I'm sorry. Kasalanan ko if nagkagulo kayo ng sister mo." Panimula nito. "I didn't just naman eh. I never expected na ganito pala ang outcome."

"Wala yun. For sure naman na pakana lang yun ng Kuya mo at hindi ka makatanggi."

Tumango-tango siya sa akin.

"Pero kasalanan ko rin kung bakit kayo nagkaroon ng cold war ni Kate. I just realized it after ng incident namin sa harap ng house namin..."

Tinignan ko ng nagtataka si River. Nagkita sila?

"Nagkita kayo? Anong ginagawa niya sa bahay niyo?"

"She abot some parcel to me, ibalik ko daw kay Kuya. Kaya lang..."

"Kaya lang ano?" Tanong ko rito. Iniisip ko na baka natarayan ni River si Kate. Hindi pa naman uurong kapatid ko na yun.

"Natarayan ko siya ng very light and..."

"And what?"

"Nagkaroon ng sam...palan?" Alanganing sagot niya.

Shoot! Ayun na nga ang nangyari.

Napahilamos na lang ako sa palad.

"I told ya, I have my kasalanan din. Sorry." Paghingi ng paumanhin ni River.

Wala naman ako ibang magagawa, nangyari na ang lahat ng to eh. Wala nanang mababago kung sisisihin ko pa si River, pinakiusapan lang naman siya ng magaling niyang kapatid.

"Wag na lang sana maulit, River. Ako na ang bahala." Nakangiti na sabi ko rito and she nodded.

Days have passed again at hanggang ngayon, wala pa rin ako lakas ng loob na harapin ang kapatid ko and I know, it will take time. Magpapakita na lang siguro ako kapag pareho na kaming ready at pag ready na siyang pakinggan ang side ko.

Naging abala ako sa pagtatrabaho para sa PK Philippines. Malapit nang matapos ang Hera Project ko rito at babalik na rin ako ng Korea. Pero sana bago ako makabalik ng Korea, makausap ko na ang kapatid ko.

"Kailangan na natin mafinalize ang theme ng menu ng Coffee Shop na ito at ang magiging concept na related sa cats."

Kasalukuyan kami nag-uusap ni Kuya Sean dito sa office ng Coffee Shop. Hindi na kasi nagbigay ng ibang ideas si Kate para sa shop matapos ng misunderstanding sa pagitan namin.

And yes, kailangang related sa cats dahil nag-adopt kami ng mga pusa at dito na pinatira sa Coffee Shop. Ang saya nga eh. Nakakabawas ng stress everytime na nakikita ko sila dito sa Coffee Shop.

"Ako na ang bahala Kuya Sean. Magpapatulong na lang ako kay Sica." Ani ko rito and I started to fix my things. "Mauna na ako Kuya. Uuwi kasi ako ng Laguna ngayon eh. Pinapapunta ako sa ampunan bukas and I don't know why."

I heard him heaved a sigh. May problema kaya?

"Kuya, may problema ba?"

"Ah, wala. Just leave the keys here. Dito na muna ako hanggang closing." I've nodded saka inabot sa kanya ang susi ng Coffee Shop at nagpaalam na muli ako.

A Girl Named CarmelaWhere stories live. Discover now