Epilogue
(3 weeks later.)
I woke up early today with full of excitement. Si Tita Thea ang gumising sa akin because it's my wedding day na. Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko.
We've stayed in a Hotel here in Tagaytay, dito kasi ang napili namin na wedding venue and last night, we had our Bridal Shower in courtesy of Kate. Kami lang na mga girls ang nag stay dito sa Hotel while Echo's team, doon naman sila sa private rest house nina Ate Lorraine.
"Good Morning" si Tita Vien while holding a tray of food. Hindi ko naman nalimutang imbitahan sila sa wedding ko kahit minsan na lang kami magkita. Sila pa nga ni Kuya Sean ang maghahatid sa akin sa altar.
"Naku, nag-abala pa kayo." I smiled at them at kinuha ang tray sa kanya.
"Don't worry, para ko na rin naman kayong mga anak ni Kate. Ano ka ba." She smiled. "Just let me do this to you, okay?"
Sabay kami kumain ni Tita Vien ng breakfast namin. 3 pm pa naman ang kasal pero 10:30 palang, unti-unti nang nagsisidatingan ang mga guests at abay.
Kasama ko ang mga babaeng abay and one of them is Sir Allen's daughter. She's one of our flower girls at kanina pa sya niyayaya nina Zafiyah at Sherrinah na maglaro pero puro ngiti lang ang isinasagot niya, yung kakaibang smile na parang sinasabi nya na ayaw nya maglaro.
Let me tell you, she's too tall for a 3 year old at matatas na rin sya magsalita.
"Ayoko ng sandals. I want Ballet Shoes nga po eh."
"Haven, we already talked about this last night di'ba?" Pagalit na sabi ng ina nito, yung asawa ni Sir Allen na minsan ko na rin nakita sa Isla Verde noon.
"We just talked lang naman po but I don't remember that I agreed, Mom. Saka, I want the color red flower crown kasi lahat sila, nakapink." Turo pa nito kina Sherrinah at Zafiyah habang ang dalawa ay nagulat sa pagturo sa kanila.
"Haven, stop that attitude ha. Nakakahiya kay Tita Carmela mo." Dagdag ng ina nito at isinuot na sa kanya ang gown ng flower girl.
"Then, hindi na lang po ako maglalakad sa aisle." Aniya at nag- walk out na hinabol naman ng ina.
"Manang-mana ka talagang bata ka sa tatay mo." Gigil na sabi ng kanyang ina and I just shrugged my shoulders. Naiimagine ko tuloy na baka ako lang din ang disciplinarian sa amin ni Echo oras na magkaroon na kami ng anak.
Sa paglabas ng mag-ina, ang syang pagpasok naman ni Kuya Sean. Magkakakilala sila and ang pagkakaalam ko, ninong pa sya ni Haven kaya nagbatian muna sila bago ako pinuntahan ni Kuya. Parang naluluha pa to nang makita ako at tapos na make-upan.
"You really looked like Mom."
"I thought, hindi mo na maalala ang mukha nya Kuya?"
May kung ano sya kinuha mula sa bulsa niya at inabot sa akin. Picture yun. Wedding picture.
"Nakuha ko last time na nagpunta ako sa states and I walked in for the first time in Dad's room and I saw that." Aniya at niyakap ako. "Sigurado ka na ba talaga kay Echo? Di na magbabago ang isip mo?"
I nodded. "As if naman na may magbabago, Kuya?" Natatawa ko na sabi. "E di ba nga kasama ka pa rin namin kasi binili mo yung katabing bahay ni Echo?"
Yes, he just bought a house just last week. Gusto raw nya masiguro na magiging maayos ako. Sa sobrang pagsisiguro, pati si Kate kinukulit niya na lumipat naman doon sa kaharap na bahay na For Sale naman.
"Oh heto nga pala. I bought something for you and Echo." Aniya saka inabot sa akin ang malaking paper bag. "Buksan niyo na lang mamaya."
"Kuya talaga. Thank you." And I smiled.
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)