Chapter 28
6 years later...
I'm currently working now as an Executive sa isang Company na nagpoproduce ng iba't ibang Art Designs, Paintings, etc. Kaya lang naman ako naging executive ay dahil gusto ng mga Villaruz na ako ang maging Representative nila dito sa Korea.
It's been six years since I left Philippines. Umuwi rin naman ako saglit doon para makasama ko uli ang kapatid at mga kaibigan ko roon but nagkaroon ako ng magandang offer dito so I decided to grab it na lalo na't nasa College na rin ang kapatid ko na si Kate. I just want to give all the best that the world can offer.
"Hello everyone, I am here today to present to all of you our upcoming Launch for our new Painting Brand named Hera which we are planning to launch in the Philippines as well as our first branch there." Paninimula ko sa speech ko as I represent my proposal together with Korean&International Investors.
Dugo't pawis rin ang ipinuhunan ko para maabot ang lugar na kung nasaan ako pero di rin maiwasan na mabahiran ng impluwensya ng mga Villaruz. Sa loob ng dalawang taong paninilbihan sa PK, matuturi ako na isa sa Big Boss dito na nagtatrabaho para sa pinaka Boss. May ilan na rin akong naipundar. I already have my 2 units here in Korea while pending naman ang sa Pilipinas.
Nagbabalak kasi ako na umuwi muna doon para sa graduation ni Kate. Gusto ko na meron na akong mauuwiang sariling bahay at sa ngayon, si Dee ang nag-aasikaso ng plano ko doon.
Sakto after ng meeting namin, tumawag si Kate sa akin thru videocall. Napapailing ako kasi for sure ipapaalala na naman niya ang pag-uwi ko sa graduation niya. I chuckled.
"Oh hello?"
[Ay, nasa work ka pa pala Ate? Pasensya na.]
"No it's alright." I said. "Mag-start na ang klase nyo ah. Bat ka napatawag?"
[Eh Ate gusto ko lang sana magpaalam sa'yo. Niyayaya kasi ako ni Vesta na sumama na sa outing naming magkakaklase e alam ko naman na hindi ka papayag.]
"At sino may sabing hindi, aber? Go lang, it's your classmates. Minsan lang yan and besides malapit na ang graduation niyo, magkakahiwa-hiwalay na kayo."
[Talaga Ate? Payag ka?]
"Yes, why not? Kate, itry mo naman mag-enjoy. Wag ka nang gumaya sakin,okay? Padadalhan kita mamaya ng pocket money." Sabi ko pa sa kanya kaya wala siya tigil kakatili sa sobrang tuwa. "Basta mag-iingat kayo doon. Kamusta sina Mother Sylvia? Dinadalaw mo ba naman sila?"
Mula kasi nung nagtrabaho ako at nung nag-legal age na si Kate ay kumuha na ako ng pansamantala niyang tinitirhan. Ngayon nga ay dalawang taon na siyang nakabukod mula sa ampunan pero sinisiguro ko na dumadalaw pa rin doon si Kate at patuloy ako nagdodonate sa mga bata na naroon.
[Oo naman Ate. Invited nga ako sa 50th Birthday ni Mother Sylvia e.] Aniya saka ipinakita ang invitation niya. [Kasabay pa nun yung anniversary ng ampunan so gusto ko talaga pumunta.]
"Mabuti yan." Komento ko. "Oh siya, ibababa ko na ang tawag. May imimeet pa kasi ako na kliyente, napaka importante nun."
[Sige Ate! Sa graduation ha, umuwi ka! At may ipapakilala rin ako sa'yo.] Nakangiti nya na sabi.
Napaawang ako dun. Sino ang ipapakilala niya?
Itatanong ko palang sana pero di na natuloy dahil ibinaba na niya ang tawag. Sabi ko, ako ang magbababa eh.
***
Exactly 6 am nang nagising ako. I've decided to have a coffee on my balcony, dito sa Unit ko. Araw naman ng Linggo at wala akong pasok so I guess aattend na lang ako ng zumba sa Namsan Mountain Park.