AGNC 33

29 5 0
                                    

Chapter Thirty-Three.


Pareho kami natigilan ni Echo sa biglang pagdating ni Kate. I never expected this thing will happen. I never expected that this day will come. Hindi ko napaghandaan ang mangyayari at ang possibilities.


Ang alam ko lang, nag-aalala ako para kay Kate at natatakot ako para sa kung anong pwedeng mangyari sa aming magkapatid.


"A-nong ibig sabihin nito?" Si Kate at garalgal ang boses niya. Lalapitan ko sana siya but she glared at me.

"K-Kate..."

"Anong ibig sabihin nito?!!" Sigaw nito muli na siyang nagpapitlag sa akin.


I shooked my head at kinuha ang kamay niya pero agad din niyang binawi. Naloko na. Ito na yung araw na ayaw kong mangyari para sa amin ni Kate.

I throwed a glare at Echo. Kasalanan niya lahat ng to. Sarili lang niya ang iniisip niya. Sobrang selfish niya. Puro na lang ba problema ang ibibigay niya sa akin?

"Kailan mo pa nilalandi ang boyfriend ko, Ate? Alam mong boyfriend ko si Echo pero..."

"H-hindi. Mali ka ng iniisip." I'm trying to compose my explanation pero kahit ako mismo, hindi ko malaman kung paano ko ieexplain sa kanya ang nangyayari.

Tuluyan nang kumawala sa mga mata ko ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Mawala na ang lahat sa akin, wag lang kami aabot sa ganitong punto ng kapatid ko.

Pero umabot pa rin.

"Paano mo nagawa sa sarili mong kapatid ito?!"

"Listen to me first, Kate." Singit ni Echo. "Si Carmela... Mahal ko sya."

Mas lalo ko tinapunan ng masamang tingin si Echo. Nahihibang na siya. Hindi man lang niya naiisip ang puwede mangyari sa aming magkapatid nang dahil lang sa kanya.

"Echo..." Gigil na sabi ko kay Echo. Gustong gusto ko siya sampalin pero pinipigilan ko lang dahil baka mas lumala ang sitwasyon. Wala akong pakialam sa kanya. Ang importante sa akin ay ang kapatid ko.

"Eh ano ako? Tangina? Asan ako dun sa relasyon natin?"

"Kate... Minahal kita--"

Nagulat na lang ako sa sunod na nangyari. Sinampal niya si Echo, maging ako nakatanggap rin ng sampal mula sa kapatid ko. Napahawak na lang ako sa pisngi ko.

"Baka nga tama sila? Na ako nalang iyong hindi nakakaalam? Ako nalang iyong ginagawa nyong tanga!? Masaya ba kayo?"

"Kate..."

"Tumahimik ka!" Sigaw nito. "Bakit hindi nyo agad sinabi? Masaya bang makita na nagpapakatanga ako sayo, Echo? Pero si Ate pala ang mahal mo? Asan ako? San iyong lugar ko?"

"Kate, I'm s-sorry.. Pag usapan naman natin ng mahinahon to." Desperada na kung desperada pero hindi ako magsasawang magmakaawa sa kapatid ko, hindi ako magsasawang magmakaawa na pakinggan niya ang side ko.

"Para ano pa, Ate? Para ipamukha mo sa akin na ikaw.." And she pointed at me. "Ikaw iyong mahal ni Echo!?"

Binalingan niya si Echo na tila natahimik na sa isang tabi.

"Minahal mo ba talaga ako, Echo? O minahal mo ako dahil nakikita mo si Ate sa akin?"

Pumikit sya ng mariin bago nagmulat.

"Kate."

"Punyeta! Puro kayo Kate! Kate! Kate! Wala na ba kayong masasabi na iba? Puro pangalan ko nalang?!"

A Girl Named Carmelaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن