Chapter Thirty-Seven
Bumuntong hininga ako mtapos sabihin ni Deedee ang nangyari, sooner or later, malalaman din naman talaga ni Echo na kapatid ko si Sean.
"Hayaan mo na iyon,"
"Ay teka, he's winning you back ba?" Tumango ako. "I knew it, what's your plan?"
Umiling ako agad. Wala naman kasi akong plano. Matapos nyang maging dahilan kung bakit hindi kami okay ni Kate?
"You still love Echo right?"
Hindi ako sumagot. Dee hugged me from my side, ngumuso ako sa kanya.
"Ayaw ko na sya pag usapan."
Tumango tango sya sa akin. Pagkatapos kong mangamusta sa Pamilya Villaruz, umuwi na din agad ako sa condo ko. Kaso kakalabas ko palang ng sasakyan ay syang mabilis na pag ayos ng tayo ni Echo. He scratch his nape and our eyes me. Imbes na dumiretso ay mabilis akong pumihit palayo sa kanya.
"Sandali, Carmela!"
Nataranta na ako pagkuha ng susi sa bag ko.
"Carmela, fuck!"
Ang bilis kong naka-pasok sa loob ng sasakyan ko pero mabilis nya ding naharang ang pagsara ko sana ng pinto. Napadaing sya pero wala akong pakialam, tinulak ko sya pero hindi man lang sya natinag.
"Umalis ka dito!"
"Fuck, will you stay still!""Ano ba! Tatawag ako ng pulis."
Sinubukan nya akong abutin, paero lumayo ako at sinipa sya. Nang halos mapaupo ay sinarado ko agad ang pinto at pinaandar ang sasakyan ko. Hindi na ako lumingon sa likod, naikuyom ko na halos ang kamao kong nakahawak sa manibela.No choice ako kundi ang magdrive papunta sa bahay namin ni Kate, kaso pakiramdam ko naduwag ako kasi ang tagal kong nakatitig lang sa bahay pero hindi ako pumasok. I know, Kate still hate me.
I almost jumped when my phone rang, sinilip ko pang mabuti kung sino. Napabuntong hininga nga ako nang makitang si Kuya ang tumatawag. I took a deep sighed before answering.
"Kuya, Hello?"
"Are you home safe?"
"Hindi eh. Ahm.."
"Where are you? Puntahan kita."
Umiling ako kahit na hindi naman kita ni Kuya.
"Ano, ako nalang pupunta jan."
"Okay, I'll be waiting for you then. Ingat."
Nang maibaba ni Kuya ang tawag, sumulyap pa ako uli sa bahay namin ni Kate bago ako nagmaneho paalis doon. Alam ko naman kung saan iyong rent to own na bahay ni Kuya Sean. Naka-abang na sya sa may gate nang makarating ako. He opened the gate for me.
"Echo happened?" He asked as soon as I step outside my car. "Gago talaga, ano pa bang gusto nya? Makuha ka uli, takot nga sya sa nanay nya."
"Ayoko na syang pag usapan."
Ginulo ni Kuya Sean ang buhok ko at inakbayan ako.
"Halika, nag order ako ng pagkain. Magstress eating ka,"
Sumunod na araw, hinatid ako ni Kuya Sean sa condo--convoy kami--mabuti naman at wala si Echo kaya pinaalis ko na din agad si Kuya Sean.
Ang akala ko pa nga ay magiging matiwasay ang sunod na araw ko pero hindi. Palaging nandyan si Echo, pinipilit na mag usap kami. Wala akong choice kundi ay tumira na muna sa bahay namin ni Kate. Ayoko namang maabala si Kuya Sean at baka sa sobrang asar nya kay Echo, hindi na nya matantya at baka masuntok na talaga nya uli.