Chapter Thirty
Flashback 6 years ago...
"Alianaaa!" Galit na sigaw ni Senyora Thea nang marating nito ang office building ng may-ari ng school na pinapasukan ng mga anak niya na si Directress Aly. Tila ba may kung anong ginawa sa kanya ang ginang na labis niyang ikinagagalit.
Lumabas naman ang isang babaeng nasa mid 40's. May ilan ilan na ring estudyante ang nakapukaw ng pansin nang dahil sa sigaw ni Senyora Thea. Ano kaya ang meron at parang anytime ay susugurin na niya ang may-ari ng Brent?
Nakacross arms ang tinatawag nilang Directress Aly nang lapitan nito si Senyora Thea at nakasunod dito ang anak niyang babae, ang Queen Bee ng Brent na si Stellar.
"Follow me on my office. Ayaw mo naman sigurong maging talk of the town dahil sa pagkakalat mo dito, Althea?" Mataray na sabi nito sa Senyora at naunang maglakad pabalik sa loob ng opisina. Puno man ng galit ay sumunod na lang si Senyora Thea dahil ayaw nga naman niyang mapagtsismisan ng mga Spoiled Brat na estudyante ng Brent.
Casual na nakaupo ang dalawang ginang sa couch at tanging coffee table lang ang humaharang sa kanilang dalawa. Nagawa pa magpahatid ni Directress Aly na magpahatid ng mga pagkain dito knowing na meron nga siyang ginawa na labis ikinagagalit ni Senyora Thea. Tila ba nang-aasar pa siya.
"What brings you here, Thea?"
"At talagang tinatanong mo pa yan, Aliana? How dare you na ibalik ang scholarship ng slap-soil na yun without even letting me know?! Ang dapat sa anak ni Carmencita, malugmok sa kahirapan!"
"And how dare you too na harangan ang mga pangarap niya? How dare you para isabotahe ang scholarship niya?" Tila nagulat si Senyora Thea, sa isip-isip niya malamang may alam na ang Directress sa mga ginawa niya para matanggal ang scholarship ni Carmela.
"Hindi maaari yun dahil ako lang ang may access sa scholarship niya!" Napatayo ang ginang dahil sa sinabi ng Directress.
Hindi naman nagpatalo ang Directress at tumayo ito bago nagsalita. "At sa tingin mo, ako wala? Huh, kakaiba ka talaga!" Tila ba pang-insulto pa ang ginawang pagtawa na yun ni Directress dahilan para mas magalit ang Senyora. "Ang dami kong nalaman para gawin mo ang mga bagay na yun, Thea."
"Tatanggalin mo ang scholarship ng babaeng yun or ipupull-out ko ang lahat ng shares ko dito at ililipat ng ibang school ang mga anak ko?!" Banta ni Senyora Thea.
"Go on. But I'll stand for what I believe and I believe in the fact that you can't move on kaya ang anak ni Mrs.Crabajales ang pinagbubuntunan mo!" Sigaw ng Directress. "Hindi ba uso ang move on sa'yo? Walang kinalaman ang bata sa pagkamatay ng magulang mo!"
"You're a b*tch!" Sasampalin na sana ni Senyora Thea si Directress Aly ngunit nasalo nito ang sampal niya.
"No one tries to sampal me!" Aniya saka nito sinampal si Senyora. Kinuha naman ni Senyora ang isang baso ng tubig at ibinuhos yun sa ginang. Bilang ganti naman ng Directress, kinuha nito ang plato ng spaghetti at nginudngod ang mukha roon ni Senyora.
(Back to Carmela's POV.)
Ikinuwento sakin ni Madam Aly ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Senyora and I'm still the reason kung bakit nawala ang partnership nila.
